Chapter 6

12.6K 347 8
                                    

Keziah's POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa malaking bintana.

Liwanag?

Tsaka ko lang napagtantong umaga na. Inalala ko ang mga nangyari...

Kulungan... Palasyo... May hari, isang lalaki, magagandang babae, sina Grace at Coleen.

Naalala ko bago ako matulog ay tinanong ko si Coleen kung nasan ba ako ngunit ang sabi nya lang saakin ay nasa ligtas na mga kamay ako.

Inalis ko ang nakakumot saakin at napagtantong wala pa din akong kahit anong saplot. Napatakip ako bigla dahil sa pagbukas ng pinto.

"Gising kana pala. Magandang umaga sayo. Sakto dahil may dala akong pagkain."nakangiting sabi ni Grace at lumapit saakin. Inilapag nya ang lalagyanan ng pagkain sa harap ko.

Nanlaki ang aking mga mata at nanubig ang aking bibig. Nanunuot sa aking ilong ang nakakagutom na pagkain. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha na ang kubyertos at nagsimulang kumain.

"Kumusta pala ang iyong pakiramdam? Masakit pa din ba ang mga ito?"tanong ni Grace.

"Wala na akong maramdamang sakit. Siguro ay dahil mabisa ang mga gamot na nilagay ni Punong Lauro."sagot ko naman habang kumakain.

"Mabuti kung ganon. Ubusin mo ang mga yan para mabilis manumbalik ang lakas mo. Ihahanda ko muna ang iyong pampaligo."sabi nito at lumabas, hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Pinagpatuloy ko ang aking pagkain. Masasarap ang mga ito. Hindi na dapat ako magtaka dahil isa itong palasyo.

Bigla akong napaisip... Bakit nila ginagawa ito? Bakit mabait ang pakikitungo nila saakin? Dahil ba papatayin din nila ako sa huli?

Natakot ako sa huli kong tanong. Umiling ako at tinapos ang pagkain.

~~~

Kasalukuyang nandito ulit ako sa malaking silid paliguan kasama si Grace. Hanggang ngayon ay namamangha ako sa kagandahan nito.

Wala itong pinagbago, mayroon paring mga kandila sa paligid nito upang mapanatili ang tamang init dito.

Pinapasok ako ni Grace sa malaking paliguan pagkatapos nya akong tulungan tanggalin ang mga nakabalot na puting tela saakin... Para itong swimming pool ngunit umaabot lamang sa hita ang lalim. Maligamgam ang tubig at malabo ito, may mga nakalutang ding kulay pulang bulaklak ng rosas. Inabot ko ang isa dito at inamoy ng makaupo ako. Napangiti ako sa bango nito.

Sinimulan na akong paliguan ni Grace. Nung una ay sabi kong kaya ko na ngunit makulit sya. Hindi ko na sya pinilit pa dahil nakita naman na nya ang lahat saakin. Namula ako dahil doon.

Pagkatapos nya akong paliguan ay nakatayo lamang ako sa harap ng salamin. May kinuha sya sa gilid at lumapit saakin.

"Pansamantalang ito muna ang iyong isusuot Keziah habang hindi pa masyadong tuyo ang iyong mga sugat."sabi nito. Hinarap nya saakin ang isang kulay puting damit.

"Ayos na yan saakin Grace. Hindi ako naghahangad ng kahit ano. Sapat na saakin ang mga binibigay nyong kabutihan."nakangiti kong saad. Gumanti rin sya ng ngiti.

Tinulungan nya akong isuot ang damit.  Medyo maluwag ito saakin ngunit tama lang ang haba na hanggang tuhod at komportable itong suotin dahil sa malambot nitong tela.

Bumalik kami sa silid na aking tinulugan. Sinuklay ni Grace ang aking buhok. Naalala ko noong unang paligo nila saakin ay mala alambre ang aking buhok ngunit ngayon ay unti unti na itong gumaganda. Malambot na ito at mabango, ngayon ko lang din napansin na hanggang bewang na pala ang haba nito.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon