Chapter 42

9.6K 285 2
                                    

Keziah's POV

Nang sabihin saakin ni Grace na magkakaroon ulit ng pagdiriwang para sa pagkilala sa bagong reyna na pinaniniwalaan nilang ako, ay hindi na ako mapakali. Kanina pa ako pabalik balik na naglalakad dito sa aking silid, dahil hindi ko alam kung tama ba ang nangyayari.

"Binibini, hindi ba kayo napapagod?"napalingon ako kay Lora na nakaupo sa may sofa, mula paggising ko ay nandito na sya.

May naisip akong katanungan kaya napagpasyahan kong umupo sa tabi nya.

"Lora, nakilala mo na ba kung sino ang nakatakda sayo?"interesado akong malaman para magkaroon ako ng ideya sa mga sinasabi nila.

"Patawad binibini, ngunit hindi pa. Masyado akong nakatutok sa gawain sa palasyo para mahanap sya."malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Bagsak balikat akong napasandal at bumuntong hininga. Hindi pa ganun kalawak ang aking kaalaman sa sinasabi nilang pagtatakda.

"Nais mo bang malaman ang tungkol sa pagtatakda binibini?"napabangon ako at mabilis na tango ang aking ginawa, ngumiti naman ito saakin.

"Kung iyong gugustuhin ay maaari tayong pumunta sa silid aklatan at doon ay siguradong masasagot ang mga katanungan mo."nabuhayan ako sa sinabi nito.

"Talaga Lora? Pero paano tayo makakaalis kung may bantay sa labas nitong kwarto?"saad ko naman.

"Kasama natin silang pupunta don binibini, pero sa labas lang sila. Hindi ka pa kasi pwedeng mag isa dahil sabi ng Luna ay pinag iinitan kapa din ng council."sagot nya. Napabuntong hininga ako, hindi ko naman sila masisisi e.

Tumayo na si Lora at humarap saakin. "Tayo na binibini, marami raming libro ka din na babasahin."nakangiting saad nito. Tumayo na din ako at sumunod sakanya, sinabi namin sa dalawang kawal kung saan kami pupunta at gaya ng sabi ni Lora kanina, ay sinamahan kami nito hanggang sa labas ng silid aklatan.


"Buti nalang at walang ibang naririto, malaya at tahimik kang makakapagbasa binibini."sabi ni Lora nang makapasok kami sa loob ng silid. Nakapasok na ako dito ng isang beses para magbasa ng ibang libro, at masaya talaga ako na makabalik dito dahil hilig ko din ang magbasa.

Pinaupo ako ni Lora sa silya na nandon at sya ang kumuha ng libro na sinasabi nya. Maya maya din naman ay dumating sya dala ang makapal na libro, nang ilapag nya ito sa harap ko ay napansin ko agad ang kalumaan non. Binasa ko ang title nito, "Mating".

"Dito nakasaad ang lahat ng tungkol sa pagtatakda binibining Keziah. Siguro naman pag nabasa mo na iyan ay mas mauunawaan mo na ang sinasabi namin at matanggap mo na ang iyong tadhana."sabi nya at nagpaalam din syang maghahanap din sya ng babasahin.

Nagsimula na akong magbasa, noong una ay medyo nahihirapan akong intindihin ang mga nakasaad don, ngunit kinalaunan ay naliliwanagan na ako at mas lalong nagpursigi sa pagbabasa.


Ang pagtatakda ay karaniwang nangyayari sa hindi inaasahang panahon, hindi ito bastang natutukoy ng kahit sino at ang tanging makakaalam lang niyon ay ang dalawang nilalang na pinagtagpo ng tadhana. Ang lahat ng may lahing lycans ay may nakatakda para sakanila na makakasama nila habang buhay.

Ayon kina Vener at Sypolia na silang unang lycans, malalaman ng isang lycan kung iyon na ba ang nakatakda saiyo kapag unang sulyap mo palang dito ay tila liliwanag ang paligid, na tanging ito lamang ang hahanap hanapin ng iyong paningin at makakaramdam ng pananabik sa isa't isa. Ang pakiramdam na iyon ay tinatawag na 'bond' sa ingles, ang bond na iyon ang magpapatibay ng samahan at kinalaunan ay magiging pagmamahal.

Walang sinuman ang may kakayahang baliin ang samahan na ito maliban kung ang iyong maging kapareha ang mismong tumututol dito, at kapag nangyari ang ganitong sitwasyon, ay maaaring ikamatay ito ng isa sakanila dahil sa lakas ng bond at hindi iyon kakayanin ng isang katawan lamang. Bagamat wala pang naitatalang ganitong sitwasyon, ay pinangangambahan parin itong mangyari.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon