Chapter 33

10.4K 285 3
                                    

Stella's POV


Isang malakas na sampal ang ibinungad ko kay Marcus ng makasalubong ko ito sa pasilyo. Wala akong pakialam kung may mga kasama itong kawal pati na si Bernard.





"What was that for?"sobrang nag iinit ang dugo ko sakanya at nag mamaang maangan pa.




"Anong ginawa mo kay Keziah? Sabihin mo ang totoo Marcus!"nagtiim bagang ito at matalim na tumingin saaking likuran kung nasaan si Grace.




"Wag mong daanin sa pagiging pinuno ang lahat ng nangyayari Marcus. Tapatin mo ako, nasaan si Keziah?"hindi pa din ito nagsasalita at hindi din makatingin saakin ng diretso.




Huminga ito ng malalim bago nagsalita.





"Mauna na kayo Bernard."saad nito at tumingin saakin. Nang umalis na sila ay hinawakan ako nito sa braso ngunit agad kong inalis iyon.




"Bumalik muna tayo sa kwarto, doon ko ipapaliwanag sayo ang nangyari."mahinahong sabi nito at nagsimula nang maglakad, kahit labag sa loob ko ay sumunod ako dito pabalik sa kwarto.




Pinabalik ko na din muna si Grace sakanyang silid para makapagpahinga.






"Sagutin mo ang tanong ko Marcus, nasaan si Keziah? Talaga bang ipinapatay mo sya?"tanong ko nang makapasok kaming dalawa sa kwarto, hindi ako mapakali dahil inuunahan ako ng takot na baka wala na si Keziah... Na baka huli na ang lahat. Nagagalit ako kay Marcus, sobrang sama ng loob ko na may itinatago sya saakin.





"She's not dead."maikling sagot nito, nakahinga ako ng maluwag dahil doon.







"Nasaan sya? Anong ginawa mo sakanya? Is she okay? Where is she?"sunod sunod na tanong ko.







"She's in good care right now. She's with Lucas."nabigla ako sa sinabi nito kaya hindi agad ako nakapagsalita ngunit nang makabawi ay muli akong nagtanong.







"What exactly happened Marcus?"he took a deep breath.






"Lucas saved her. Dumating sya bago masunog ang katawan ni Keziah."




Ibig sabihin ay gising na si Lucas? Pero...






"Why do you think Lucas saved her?"pagtataka ko. Tumingin ng diretso saaking mga mata si Marcus.







"It's Keziah... Lucas's mate."nagigimbal ako sa mga rebelasyon. Si Keziah ang nakatakda para saaking anak?








"Bakit mo sya susunugin kung alam mong sya ang matagal na nating hinihintay?!"naibubulas ko, matalim ko itong tinitigan.







"Hindi ko pa alam non, kakasabi lang saakin ni Lucas kanina."paliwanag naman nito.







"Bakit kailangan mong itago saakin ang lahat Marcus?"bigla kong tanong.







"Stella, masyado mong napabayaan ang sarili mo dahil sa naging sitwasyon ni Lucas, ayoko lang na madagdagan ang iniisip mo."mahinahong tugon nito.






"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na may responsibilidad din ako dito sa palasyo? Hindi lang dapat ikaw ang nagdedesisyon sa lahat!"paghihinakit ko sakanya. Lagi nalang kasi nitong itinatago ang mga problema saakin at ayoko ng ganon, ano pang silbi ng pagiging reyna ko kung wala akong naitutulong?






Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon