Chapter 49

9.6K 241 2
                                    

Keziah's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang araw nalang din ay magiging opisyal na ang pagtatakda... Ang koronasyon para saamin ng prinsipe. Sya na ang tatayong hari at magsisilbing Alpha, ako naman ang tatayong reyna at Luna.




Kinikilabutan ako tuwing naiisip ko na ako ay magiging reyna. Dahil sa totoo lang ay wala talaga akong ideya sa pamumuno ngunit sa tulong ng reyna, ay nagagabayan ako nito at sinasabayan ko na din ng pagbabasa ng mga lumang aklat. Sa mga nagdaang araw ay iyon lang ang ginagawa ko at kahit nahihirapan ako sa una ay nakakaya ko namang gawin at tapusin ang mga pinagagawa ng reyna.




Nangyari pa ngang kinilatis ng mga opisyal ang talas ng aking pag iisip at pang unawa, at syempre hindi naman ako pinabayaan ng reyna at ni Marga. Sa lumipas na araw din ay madalas lang kaming magkita ng prinsipe dahil sya ay sumasailalim din sa mga pagsubok at pagsusulit. Nagtatagpo lang ang landas namin tuwing hapunan at matutulog na ngunit kahit na ganon, mas lalong napapalapit ang loob namin sa isa't isa. Nakakaya ko ng sabayan ang malalim nyang pagtitig saakin at ako naman ay naging bukas sakanya.





Sa iisang kwarto nalang kasi kami natutulog ngunit hindi kami magkatabi, sa mahabang sofa sya natutulog samantalang ako ay sa kama nya. Nung una ay kinausap ko sya na ako nalang ang matulog don dahil kumpara sakanya, mas maliit ang pigura ko at tiyak na komportable akong makakatulog don ngunit hindi sya pumayag.




Ngayon ay nandito ako sa isang malawak na silid kasama sina Cara at Paul, araw araw na silang dumadalaw dito para bisitahin ako. Si Coleen nga pala ay nakabalik na sa paglilingkod sa reyna ngunit madalas ko lang din itong makita dahil sya na ang naatasan na bumisita sa mga pasilidad sa labas ng palasyo.





"Ate Keziah, kapag ikaw na ang naging Luna namin ay hindi ka na namin maaaring tawaging ate."biglang sabi ni Cara.

"Bakit naman?"pagtataka ko.


"Kasi ikaw na ang Luna. Magagalit sila kapag di ka namin tinawag na ganun."paliwanag nya, ngunit bakit sila magagalit?




"Tama si Cara ate Keziah, pagbibigay respeto yun sayo."singit naman ni Paul. Hinaplos ko ang buhok ni Cara at ngumiti.





"Kahit na ako na ang susunod na Luna, maaari nyo pa din akong tawaging ate."saad ko, nakita ko naman ang pag aalangan sa mga mukha nito.





"Pero ate..."pagtutol ni Cara pero may naisip na akong paraan.


"Ganito nalang, dahil ako ang susunod na Luna... Inuutusan ko kayong ate lang ang itawag sakin. Nagkakaintindihan ba tayo?"kunware ay seryoso ko silang tinignan at halata sa kanilang mukha ang takot dahil don, pinipigilan kong tumawa.




"O-opo ate.."sabay na sabi nila. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila.




"Ano ba kayo, biro lang yun. Pero ito seryoso, gusto ko na ate lang ang tawag nyo sakin dahil para ko na kayong mga kapatid. Mahal ko kayong dalawa pati na si Tiya Yolly."sabi ko habang yakap sila, naramdaman ko naman ang pagyakap sakin ng dalawa.





"Mahal ka din namin ate."






Mabilis na dumating ang gabi at ngayon ay nasa kwarto lang ako kasama si Lora, inaayusan nya ako para sa hapunan.


Saktong pagtapos ni Lora ay bumukas ang pinto at pumasok don ang prinsipe. Agad kaming nagkatitigan nito ngunit ako ang unang umiwas dahil bumibilis ang tibok ng puso ko.




Umalis na din si Lora nang matapos nya akong ayusan kaya kami nalang ng prinsipe ang nandon. Lumapit ito saakin at nabigla ako ng yakapin nya ako.

"I missed you."naramdaman ko na inaamoy nya ang leeg ko na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam saakin ngunit hindi ko sya magawang matulak dahil para na akong estatwa don epekto ng ginagawa nya.


Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon