Chapter 39

10.2K 254 9
                                    

Keziah's POV

Ilang minuto bago umalis ang reyna ay may pumasok na dalawang babae sa kwarto, at laking tuwa ko na ang isa doon ay si Grace.

"Keziah."sabi nito at kami'y nagyakapan, nang maghiwalay kami ay nakita kong pinupunasan nito ang kanyang mga luha.

"Bakit ka umiiyak?"nagtatakang tanong ko.



"Buong akala ko talaga ay wala kana. Patawad Keziah kung wala akong nagawa para ipagtanggol ka."sabi nito habang umiiyak.

"Wala ka namang kasalanan."ngiting saad ko at muli ako nitong niyakap. Nang mahimasmasan ito ay humarap ito saakin at inayos ang sarili.

"Oo nga pala, nandito kami upang samahan kang bumalik sa dati mong silid. Ipinag utos ng reyna na bantayan ka namin."sabi nito at ngayon ko lang napansin na ang isang babae ay nagsisimula ng ilagay sa isang cart ang aking ilang damit.

"Buti nalang at hindi pa lahat nailalagay ang mga gamit mo dito. Hindi tayo mahihirapan sa pagbabalik ng mga iyan."sabi ni Grace at tumulong sa babae. Sinundan ko naman sila kung nasaan ang lagayan ng mga damit.

"Kumusta pala ang iyong pakiramdam? May masakit ba sayo?"dugtong nito.

"Maliban sa konting hapdi na nararamdaman ko sa aking binti ay wala na... Mabisa ang mga panggamot ni Punong Lauro."tugon ko naman. Kapag nakita ko ang punong manggagamot ay magpapasalamat ako sakanya.

"Mabuti naman kung ganon."sabi nito. Nais ko silang tulungan ngunit pinigilan ako ni Grace. Mabilis din naman silang natanpos nang muling nagsalita ang huli.

"Oo nga pala Keziah, ito nga pala si Lora. Sya ang iyong magiging tagapagsilbi mula ngayon."aniya. Teka...

"Tama ba ang aking narinig? T-tagapagsilbi? Ako ay may tagapagsilbi?"hindi ko makapaniwalang tanong kay Grace.

"Oo Keziah, nasabi na saamin ng Luna na ikaw ang nakatakda sa prinsipe kaya normal lang na magkaroon ka ng tagapagsilbi."ika nito at ngumiti.

"Pero hindi ko naman kailangan ng tagapagsilbi Grace."pagtutol ko.

"Keziah, kakailanganin mo ng tagapagsilbi. Lahat ng nasa mataas na posisyon ay may naninilbihan sakanila."saad naman nya.

"Ngunit isa lang din akong tagapagsilbi ng reyna."totoo naman e, bakit ako magkakaroon ng tagapagsilbi kung isa din naman ako sakanila? Atsaka kaya kong alagaan ang sarili ko.

"Hindi kana tagapagsilbi Keziah, isa ka ng mahalagang babae sa buong palasyo."pagpupumilit nya din.

"Pero nagkakamali lang kayo. Hindi talaga ako ang nakatakda sa prinsipe at hinding hindi iyon mangyayari katulad ng sinasabi nyo."sabi ko pa.

"Tama nga ang sabi ng Luna... Hindi mo pa tinatanggap ang pagtatakda."malungkot itong ngumiti. Tumingin naman ako sa isang babae na si Lora at ganun din ito.


Nauna silang lumabas at naiwan ako sa loob ng kwarto. Para kasing may nagsasabi saakin sa wag akong umalis sa kwartong ito.

Kailan kaya ako muling makakapasok dito?

Ano ka ba Keziah? Nagsisimula na naman ang kahibangan mo.

"Keziah, tara na."natauhan ako nang marinig ang boses ni Grace, kinuha ko muna ang bulaklak ba binigay saakin ni Paul bago naglakad palapit sakanya. At bago tuluyang maisara ang pinto ay muli akong lumingon doon sa huling pagkakataon...

Nagsimula na kaming maglakad at mayroon pa kaming kasamang dalawang kawal. Ang babae naman kanina ay may ibang tinahak na daan dahil sa dala nitong cart, hindi naman kasi iyon maidadaan sa hagdanan.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon