Chapter 8

11.9K 331 0
                                    

Keziah's POV

"Hija, kumain ka ng marami."sambit ng reyna dahil siguro ay napansin nyang wala pa sa kalahati ang aking nakakain.

Tumango lamang ako. Hindi ko alam kung bakit malakasang kabog ng aking dibdib.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?"tanong nito. Agad naman akong napa angat ng tingin at umiling.

"Kung ganon ay kumain ka ng marami para bumalik ang iyong lakas."sabi ng reyna at hinaplos ang aking buhok. Napatingin ako sa paligid dahil sa tinuran ng reyna.

Nasalubong ko ang tingin ng mga tao na nagtataka dahil sa trato sakin ng reyna kaya agad din akong napayuko at kumain na lamang. Bahagya pa akong nanginginig dahil sa lakas ng presensya ng mga tao dito lalo na sa aking harapan kung saan nandoon ang ginoo at tahimik lamang na kumakain.

Lumipas ang mahigit isang oras ay natapos nang kumain ang lahat ngunit wala pa ding tumatayo upang lisanin ang kwarto.

Tinanggal ng mga tagapagsilbi ang mga pinagkainan at pinalitan ng mga magandang uri ng baso. Isa isa nila itong sinalinan ng kulay pulang tubig.

Nang malagyan ang lahat ay inangat ng hari ang kanyang kanang kamay kung nasan ang baso. Sumunod ang ibang nakaupo ganun din sina Grace kaya itinaas ko din ang aking baso.

Ibinaba din nila ito at ininom ngunit ako'y pinanonood lamang sila. Ganito pala sa palasyo... Siguro para sakanila ay isa lamang itong normal na hapunan. Pakiramdam ko ako ang pinakamababang uri dito.

Naramdaman kong may humawak sa aking balikat kaya napatingin ako kung sino ito. Ang reyna.

"Hija, bakit hindi mo pa inumin ang sayo? Ang pag inom nito ay simbolo ng pagrespeto sa ating hari."nakangiting sabi ng reyna.

Agad naman akong natauhan at napagtantong ako nalang pala ang hindi umiinom nito. Kaya inilapit ko sa aking bibig ang baso ngunit bago ko ito inumin ay inamoy ko ito... Amoy ubas.

Nang mainom ko ito ay nalasahan kong matamis ito ngunit parang may gumuguhit na mainit sa aking lalamunan, pero di ko pinansin iyon.

Nang maubos ko ito ay ibinaba ko ang baso at tumingin sakanila. Nagtataka ako kung bakit lahat sila ay nakatingin saakin.

"Is your new lady in waiting is alcoholic Luna?"natatawang tanong ng lalaki na sa pagkakaalala ko ay si Nikolai. Tumawa din naman ang iba. Namula ang aking pisngi ng maintindihan ko kung anong gusto nyang iparating.

"Dinner is done. You may all now take a rest."sabi ng hari at tumayo na, ganun din ang iba. Nang tumayo ang reyna ay tumayo na din ako. Lumapit na din saamin sina Coleen.

Lumabas kami na pinangungunahan ng reyna at umakyat muli sa malawak na hagdanan. Nang makatungtong kami sa huling hagdan ay nahagip ng aking mata ang ginoo na kausap ang hari sa kabilang pasilyo.



Maya maya habang patuloy na naglalakad ay may nasilayan muli akong hagdan. Umakyat kami doon, nakaramdam ako nang panlalamig at napag alamang panibagong palapag na naman ito. Katulad lang ito sa ibaba, mayroong mga ilaw at paintings na nakasabit at napakatahimik din dito. Ngunit ang kakaiba ay malamig dito, naninikip ang dibdib ko at parang may tumitingin sa bawat galaw mo.


"Keziah halika na." natauhan ako ng marining ang boses ni Grace, napagtanto kong napatigil akong maglakad dahil sa pagmamasid sa paligid. Tumingin silang lahat saakin kaya ako ay napayuko at lumapit sakanila.


Nagpatuloy kaming maglakad sa pasilyo hanggang sa huminto sa isang malaking pinto. Binuksan ito ni Grace at tumambad saamin ang napakagandang kwarto. Pumasok kami doon at napanganga nalang ako sa ganda nito.


"Ito ang tulugan ng ating Alpha at Luna."nagulat ako ng may bumulong saakin, si Coleen pala. Ngumiti ito saakin.

"Keziah, maupo ka nalang muna at panuorin ang kanilang mga gagawin."sambit ng reyna para ako'y mapatingin sakanya. Tumango na lamang ako at umupo sa pinakamalapit na upuan.

Pinagmamasdan ko sina Grace kung paano nila tulungan ang reyna na hubarin ang damit na suot nito. Nang isang manipis na tela na lamang ang suot ng reyna ay pumasok ito at si Victoria sa isang pinto siguro ay paliguan, habang sina Coleen at Grace ay hinahanda ang susuoting pantulog ng reyna.

Nanatili lamang akong nagmamasid hanggang sa mabihisan na nila ang reyna, umupo ito sa harap ng salamin.

"Halika Keziah, suklayin mo ang aking buhok."nakangiting sabi ng reyna. Agad naman akong lumapit at inabot nya saaking ang isang suklay. Sinimulan kong suklayin ang buhok nya ng dahan dahan, nag iingat na masaktan sya. Naamoy ko ang buhok ng reyna, mabango ito at malambot. Itim na itim ang buhok nito na umaabot hanggang bewang nya.

Nang matapos ko itong suklayin ay nagpasalamat ang reyna saakin.

"Maaari na kayong magpahinga. Keziah, bukas ay tuturuan ka ni Coleen sa mga maaari mong gawin."tumango kami at lumabas na. Pagkalabas ay ibang daan ang tinahak ni Victoria, magtatanong sana ako ngunit mahinang hinila ako ni Grace sa nilakaran namin kanina upang bumaba na.

Nang makababa kami ay tinanong ko agad si Grace.

"Bakit doon pumunta si Victoria?"tanong ko habang patuloy pa ding naglalakad.

"May gagawin pa sya."sabi lang ni Grace.

"Ngunit sabi ng reyna ay magpahinga na tayo diba? Atsaka ramdam nyo rin ba yon? Na mabigat ang presensya sa itaas?"usisa ko.

Bumuntong hininga si Grace bago humarap saakin kaya napahinto ako.



"Ang palapag na iyon ay silid tulugan ng mga may mataas na katungkulan dito sa palasyo. Wag kang aakyat doon ng walang pahintulot."sabi nito at naglakad ng muli.

"K-kung ganon ba ay nasa mas mataas na katungkulan si Victoria kaya doon sya pumunta?"tanong ko uli.

Ngunit sa pagkakataong ito ay si Coleen na ang sumagot.

"Dito rin sa palapag na ito ang kwarto ni Victoria. Gusto nya kasing mapabilang sa matataas at nandun sya upang makipag--"

"Coleen!" nagulat ako ng humarap saamin si Grace at may pagbabanta sa boses nito.

Halata namang may gusto pang sabihin si Coleen ngunit pinanatili na lamang nitong nakatikom ang bibig at nakabusangot. Anong gusto nitong sabihin?

Nakarating kami sa aking silid. Pumasok kami doon at naupo ako sa gilid ng kama.

"Magpalit ka na ng damit Keziah. Kailangan mo ng magpahinga."sabi ni Grace.

"Ngunit kakapalit ko lamang. Ayos na saakin itong pantulog."tutol ko. Nakakahiya naman sa maglalaba ng damit.

Bahagyang tumawa ito sa aking turan.

"Magpalit kana. Hindi iyan pantulog. Atsaka bukas ay dadalhin ko dito ang bago mong damit para marami kang pagpipilian."sabi nito bago ako hilahin patayo.

Tumayo na din si Coleen.

"Doon ang iyong silid liguan at may aparador doon na lagayan ng iyong damit. Nandoon ang mga kakailanganin mo. Aalis na kami at magpapahinga na din." tinuro ni Grace ang isang pinto.

"Nais ka pa naming makilala ng mabuti Keziah. Magandang gabi."nakangiting sambit ni Coleen bago sila tuluyang lumabas. Napabuntong hininga ako. Bakit ba ang bait nila saakin?


Imbis na mag muni muni ay pumasok na lamang ako sa tinurong pinto ni Grace at napatulala sa ganda nito.

Kulay puti ang paligid at maliwanag. Sa dulo ay mayroong malaking salamin na sa tingin ko ay doon ang liguan. Sa gilid nito ay mayroon ding malaking palanggana na medyo mas maliit doon sa dati kong pinaliguan at ito ay kulay puti.

Napatingin naman ako sa kanan at nandoon nga ang isang malaking kulay puting aparador. Lumapit ako doon at binuksan, nakita ko ang isang kulay puting bestida doon, kinuha ko iyon at inihanda para suotin.


Itutuloy.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon