Chapter 43

9.7K 262 2
                                    

Keziah's POV

"P-prinsipe..."iyon ang una kong nasabi nang bumungad ang mukha nito na sobrang lapit at ang kaninang inaantok kong katawan ay biglang nabuhayan. Anong binabalak nito?


"How are you?"seryoso itong nakatingin saakin at heto na naman ang nakakalunod na titig nya. Umayos ako ng upo pati nadin ang sarili ko, kinapa ko din ang gilid ng aking labi dahil baka may natuyong laway doon. Nakakahiya.

Nang sa tingin ko ay maayos na ako ay tsaka ko lang sinagot ang tanong ng prinsipe.


"Ayos lang po ako."huminga ito ng malalim bago umiwas ng tingin.

"When will you accept the bond Keziah?"hindi ito nakatingin saakin ngunit ramdam ko ang bigat sa katanungan nya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi pa ako sigurado kung dapat bang ako ang maging kabiyak nya. Naliwanagan na ako sa lahat ng mga sinabi nila dahil sa mga nabasa ko sa libro, at talaga namang hindi sila nagsisinungaling. Ang kaso... Ayokong madaliin ang pagkakaroon ng kapareha dahil na din sa mga napagdaanan ko.

"K-kamahalan... Kung a-ko po talaga ang nakatakda sa-sainyo, maaari bang bigyan nyo pa ako ng ilang araw para... Para pag isipan yon?"kainin na sana ako ng lupa dito sa kinauupuan ko dahil sa sobrang hiya.

Hindi ito sumagot bagkus ay nagulat ako nang hawakan nito ang aking kamay at ipinatong sa lamesa. Para akong naging bato at ninakawan ng hininga samantalang sya, ay inihiga nya ang kanyang ulo, nakaunan ang isa nyang braso dito at pumikit. Hindi ko mabawi ang kamay ko dahil mahigpit nya itong hinahawakan na parang natatakot syang bibitawan ko sya.

Malaya kong natitigan ang mukha nito... Hindi talaga maipagkakaila ang kagwapuhang taglay ng prinsipe. Ngunit, ang malas nya dahil ako ang itinakda sakanya at kung tutuusin ay isa lamang akong hamak na tagapagsilbi.



"Don't make it too long Keziah... Baka hindi ko kayanin."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. At... Anong ibig nyang sabihin na baka hindi nya kayanin? Ang daming pumasok na sagot sa isipan ko ngunit hindi ko alam kung alin ba ang tama doon.

Ilang minuto na kaming nasa ganong posisyon at nanatiling nakapikit ang prinsipe, natutulog ba ito? Napatingin ako sa kamay ko na hawak nya pa din, aaminin ko... Ang mainit nyang palad ay pinapanatag ang loob ko na pag nandito sya ay ligtas ako, kakaiba itong nararamdaman ko kaya hindi ko alam ang dapat kong gawin.


Napansin ko ang baso na may laman na gatas, naalala ko na pinagtimpla ako ni Lora. Nako, nakita nya kaya na magkalapit ang mukha namin ng prinsipe? Baka kung anong isipin nya. Nasaan na nga pala yon? Palinga linga ako sa paligid ngunit hindi ko naman ito makita.

Siguro ay dapat na bumalik na ako sa aking silid. Anong oras na ba?

Dahan dahan kong tinatanggal ang nakahawak na kamay saakin ng prinsipe. Kung tulog sya ay malamang nahihimbing na ito, subalit nang maalis ko na ay bigla na lamang gumalaw ang prinsipe at pinagsiklop ang aming kamay.

"Stay... Let's stay like this for a while."hindi pala ito tulog at hindi ko na mabawi ang kamay ko.

At dahil wala naman akong magawa ay pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa. Siguro naman ay maya maya lang ay aalis na din ang prinsipe.

~~~

Naglalakad ako pabalik sa kwarto, at kasama ko ang prinsipe. Nasa likuran ko lang sya at tahimik na sumusunod, nang nasa harap na kami ng silid ay humarap ako dito para magpaalam.

"Salamat sa paghatid prinsipe Lucas."sabi ko at yuyuko sana nang pigilan ako nito, pagtingin ko naman sa mukha nya ay nakasimangot ito.

"You don't need to do that."seryosong saad nya at ako naman ay napipilan. Papasok na sana ako nang magsalita ulit ito.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon