Chapter 7

12.4K 357 0
                                    

Keziah's POV

Nagising ako dahil sa pagbukas at pagsara ng pinto. Madilim ang paligid, wala akong makita maliban sa liwanag  ng buwan mula sa bintana...

Tumayo ako at bubuksan sana ang ilaw ngunit..

"Akala mo ba matatakasan mo ako Keziah?"isang baritonong boses ang gumulat saakin.

Kilala ko ang boses na yon...

Si Amo!

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. H-hindi maaari! Paanong? Lumabas ang isang bulto sa aking harapan. Isang nakangising lalaki. Pinanginginigan ako sa takot.

"H-hindi... Paano... Ang reyna..."hindi ko makuha ang aking sasabihin. Para akong nawawalan ng boses. Natatakot ako.

"Ang reyna ba? Pinatay ko na sila! Wala ka ng takas sa akin bata!"Tumawa ito ng malakas. Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa takot.

Lumapit ito... Humahakbang palapit, ako naman ay umaatras.

"W-wag kang lalapit... P-pakiusap."utal kong sabi. Patuloy pa din ako sa pag atras sana ay mayroon pa akong aatrasan.

Ngunit eto na ang kinakatakutan ko. Nakasandal nako sa pader. Wala na akong maatrasan. Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha.

"Ito na ang katapusan mo..."sabi ni Amo nang makalapit saakin at itinaas ang isang puro dugong punyal... Itutusok nya na saaking dibdib.

"HUWAAAAAG!"




"Keziah!! Gumising ka!"isang sigaw mula sa isang babae ang nagpagising saakin. Napatingin ako sakanya.

"R-reyna..."iyon lamang ang lumabas sa aking bibig at tinakpan ang aking mukha, humagugol ng iyak, naramdaman kong niyakap ako ng reyna.

Nanginginig ako... Isang masamang panaginip lamang pala... ngunit parang totoo.

"Tahan na hija. Walang mananakit sayo dito."pagpapatahan naman nya saakin habang hinahaplos ang aking buhok.

"Si... S-si Amo... N-nandito sya. P-pa-patayin nya a-ako... T-tayo.."sabi ko habang umiiyak pa din.

"Wala sya dito Keziah. Isa lamang yong masamang panaginip. Uminom ka muna ng tubig."pagpapakalma ng reyna at kumalas sa yakap. Inabutan naman nya ako ng isang basong tubig at agad kong naubos ang laman, para akong uhaw na uhaw.

Napatingin ako sa paligid, hinahanap kung may bakas ng isang Kapitan Hugo sa silid at baka nagmamatyag ito, naghahandang sumugod saakin...

Ngunit si Grace, Coleen, Victoria at Reyna Stella lamang ang nandidito. Napabuntong hininga ako dahil sa pag iisip ng kung ano ano.

Pinagpapawisan din ako. Nanginginig pa din ako hanggang ngayon.

"Pakalmahin mo ang sarili mo hija. Namumutla ka.... At masyado kang malamig."natauhan ako sa boses ng reyna. Hawak nya ang aking dalawang kamay.

Agad kong inalis ang pagkakahawak nya saakin at lumayo dahil... Dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko at lumabas kung ano ba talaga ang tunay kong anyo. Natatakot ako.

"Kumalma ka Keziah. Hindi ka namin sasaktan."sabi naman ni Coleen na nakatayo sa paanan ng kama.

Oo, alam kong hindi nyo ako sasaktan... Ngunit ako... Maaari kayong...

"Keziah, tignan mo ako sa mata. Sa akin mo lang ituon ang paningin mo."utos ng reyna. Hinawakan nya ang aking magkabilang pisngi at pinilit tumingin sakanya.

"Tumingin ka saaking mga mata Keziah... Wag kang mag isip ng mga bagay bagay. Ituon mo lang ang pansin saaking mata."sabi ulit nito. Sinunod ko ang sinabi nya at tumingin sa kulay kayumanggi nitong mga mata...

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon