Chapter 26

10K 260 3
                                    


N/A: This is it mga bebe loves! Salamat sa paghihintay. Sorry sa slow updates. T^T  I will publish Chapter 27 and 28 later! Enjoy!

~~~

Keziah's POV

Dalawang araw nang walang malay ang prinsipe... Ganon pa din ang kondisyon nito ayon kay Ginoong Lauro. Nag aalala masyado ang reyna kaya pati ang kalusugan nya ay apektado. Dalawang araw na din akong walang maayos na tulog... Hindi ko alam kung bakit binabagabag ako sa nangyayari sa prinsipe.



Naging dahilan yon upang samin iatas ni Coleen ang pagbisita sa mga pasilidad sa labas ng palasyo. Sa mga nagdaan kasing linggo ay ako lagi ang kasama ng reyna sa pagbisita dito kaya naman nakakasiguro itong alam ko na ang gagawin.

May mangilan ngilang tao na pinagtitinginan pa din ako sa hindi ko malamang dahilan, ngunit dahil sa katagalan ko na dito ay marami na ding kumakausap saakin at nakakagaan yon ng loob. Nakakatuwa ding isipin na hindi na ako takot sa pakikipag kapwa dahil sa tulong ng reyna.

~~~

Alas-tres ng hapon nang kami ay natapos. Napagdesisyunan namin ni Coleen na dumaan muna sakanila upang mangamusta bago bumalik sa palasyo. Buti na lamang at walang nakabantay saaming kawal. Nang kami ay pumasok sa bahay nila ay tahimik kaya nagtaka kami.

"Mama? Nanjan ba kayo?"paghahanap ni Coleen kay Tiya Yolly. Agad naman itong lumabas galing sa kusina.

"Oh mga hija, napadalaw kayo. Hapon na ah."pambungad nito. Agad na lumapit ito saamin at niyakap kami.


"Bakit ang tahimik dito mama? Nasan po yung dalawang makulit?"tanong ni Coleen ng maghiwalay kami ng yakap.


"Nandon sila sa may lawa naliligo. Kanina pa nga yun doon."tugon ni Tiya Yolly.

"Osige mama dito po muna kayo at pupuntahan namin sila ni Keziah."paalam ni Coleen.



"Sige anak, dito nalang din kayo maghapunang dalawa. Hindi naman magagalit si Reyna Stella."sabi nito.

Lumabas na kami at pumunta sa may gubat. Halos dalawangpung minuto din kaming naglakad sa kagubatan bago natanaw ang lawa.




Wow.






Napatulala ako sa ganda doon... Mala-paraiso.




Malinaw ang tubig kaya makikitang puro maliliit na bato ang ilalim nito at napapalibutan ng mga puno ang lawa. Napakagandang tanawin. Payapa.



Ano pa kayang tinatagong kalikasang yaman ng palasyo? Napakalawak ng kanilang lupain.



Nakita kong kumaway ang dalawang batang naliligo doon. Napansin ko din namang kami lang ang tao.





"Keziah, gusto mo bang maligo din?"tanong ni Coleen sa gilid ko. Pagtingin ko dito ay nagsisimula na nitong tanggalin ang kanyang damit.


"M-maliligo ka?"tanong ko.


"Oo. Minsan na lang ako makaligo dito eh. Tara na sandali lang tayo."pang yayaya nito nang tuluyang mahubad ang kanyang damit at tanging pang ilalim na kasuotan ang natira.

Nakakaakit... Gusto ko ring maligo. Pero...




May pumipigil saakin. Pinapaalalang hindi dapat ako magsaya. Sa palasyo... Ang prinsipe.




"Dito nalang ako Coleen. Sige na maligo kana."bigla kong nasabi.




"Ikaw ang bahala."nakangiting saad nito at nagmamadaling pumunta sa lawa.






Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon