Epilogue

9.2K 290 19
                                    

1 month later...

Third Person's POV

"Keziah..."

Isang mahinang boses ng babae ang narinig ni Keziah mula sakanyang likuran. Agad syang lumingon ngunit wala syang makitang ibang tao kundi sya lang.

Asan ako? tanong nya sa sarili. Hindi sya pamilyar sa lugar kung nasaan sya. Madilim na kalsada at nababalot ng hamog ang paligid kaya di makita ang hangganan nito, ang tanging nagbibigay liwanag ay ang bilog na buwan.

"Keziah..." muling tawag sakanya. Hindi nya alam kung bakit tila kumikirot ang puso nya habang hinahanap ang boses na iyon. May kakaiba dito, parang may parte sakanya na kilala nya ang tumatawag sakanya.

"Keziah..."nalilito na sya kung san nagmumula ang boses na iyon, bigla din lumakas ang ihip ng hangin

"Nasaan ka? Magpakita ka sakin."malakas na sabi nya habang paikot ikot sya sa mahamog na kalsada.

Nakakaramdam sya ng takot ngunit hindi sya nagpapatinag.

"Magpakita ka saakin!"sigaw nya. Bigla syang may nakita na nakakasilaw na puting liwanag at lalong lumakas ang hangin, napansin nyang kumikilos ito papalapit sakanya.

"Keziah..."Unti unti syang umatras dahil patuloy na lumalapit sakanya ang puting ilaw hanggang sa namalayan nya nalang na bumibilis ang paglapit nito sakanya.

"Tigilan mo ako! Umalis ka!"sigaw nya habang tumatakbo. Nakakaramdam na sya ng pagod ngunit tila ayaw tumigil ng liwanag na habulin sya..

"Keziah..."isang dipa na lamang at aabutan na sya nito dahil sa pagbagal nyang tumakbo. Hinihingal na sya sa pagod.

"Pakiusap tigilan mo n--aaahhhk!!"

"Keziah!!"

Keziah's POV

"Keziah!!"agad akong napamulagat, hinihingal at pinagpapawisan ng malamig.

"Lucas, Lucas.."paulit ulit nyang tawag.

"Hey, I'm here my Queen calm down."hinawakan ako sa pisngi nito at pinatingin sakanya. Naluluha ako at di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"It's just a dream. I'm here okay?"niyakap ko sya at tsaka napaiyak.

Niyakap nya din ako ng mahigpit habang pinapakalma at hinayaan na umiyak sa dibdib nya. Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

"Can you tell me what was your dream about?"tanong ni Lucas.

Huminga ako ng malalim bago bumaklas sa yakap sakanya at umayos ng upo. Hinawakan naman ni Lucas ang kamay ko at tsaka ko sakanya kwinento ang nangyari sa panaginip ko.

"Do you think you know her?"tanong nya sakin.

"Hindi ko alam Lucas... Doon ko palang narinig ang boses nya ngunit pakiramdam ko ay matagal ko na syang kilala."sagot ko at hanggang ngayon, isa itong malaking katanungan saakin.

"Alright. We can talk about this in the morning. Don't stress yourself it's not healthy for you."sabi naman nito at hinaplos ang aking tiyan. Inalalayan nya akong makahiga ulit, niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Doon ay nakaramdam ako ng ginhawa agad naman akong inantok at tuluyan ng nakatulog.

Kinaumagahan ay binisita ako ng inang Reyna kinumusta ang aking lagay.

"Kumusta hija? Maayos ba ang iyong pakiramdam?"tanong nito sakin. Ngumiti ako at sumagot.

"Maayos naman po, minsan ay nakakaramdam ako ng hirap sa paghinga dahil sa likot nya."natatawang sabi ko habang hinihimas ang aking tyan.

Oo buntis ako, at malapit na akong manganak.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon