Chapter 52

8K 205 1
                                    

Keziah's POV


Dahan dahan akong naglakad patungo sa teresa at sa lalaking nakapamulsa habang tahimik nyang pinagmamasdan ang tala.



"Lucas..."mahinang tawag ko dito. Hindi ito lumingon pero alam kong narinig ako nito, isang katangian ng mga lycans ang malakas na pandinig.



Tumabi ako dito at pinagmasdan din ang tala. Ito din yung lugar kung saan nakita ako ni Lucas noon... Napangiti ako sa alalang iyon.



Napakaliwanag ng buwan... Tila ba pinapanood din kami nito at nakikisama sa kasiyahan na nangyayari sa palasyo.





Moon Goddess...




Iyon ang tawag nila dito. Base sa nabasa ko sa libro noon, sina Sypolia at Vener pa lamang ang nakakita dito. Napakaganda daw nito, ngunit isang beses lang itong nagpakita sakanila para lang sabihin ang lahat ng tungkulin at misyon nila, kasama ang pagtayo ng palasyo. Magmula noon, ito na ang sinamba ng mga lycans dahil naniniwala silang ito ang naglikha sakanila.




Nagtataka lang talaga ako kung bakit ako ang pinili nitong maging Luna...




Bakit ako?





"Bakit mo ako sinundan?"nabalik ako sa aking wisyo nang magsalita si Lucas, napatingin ako sakanya ngunit sa iba pa din ito nakatuon.





Napatitig ako sa gwapong mukha nito, kahit na palaging walang emosyon ang mukha nito ay mayroon naman itong malambot na pag uugali. Tuwing magkasama kami ay madalas lang kami na tahimik ngunit alam kong pareho na kaming komportable sa isa't isa.


Isang beses nagising akong may mabigat na nakapatong sa bewang ko, at napagtantong nakayakap ang isa nyang braso saakin habang mahimbing na natutulog. Aaminin ko, masarap sa pakiramdam. Kaya sinulit ko iyon at muling bumalik sa pagtulog.




Masaya ako... Masaya ako dahil hindi nya ako minamadali sa kung anong mga ginagawa ng normal na mag-'mate'. Alam ko na kinokontrol nya ang sarili nya para lang maging komportable ako, madalas kong makita sakanya ang pagnanasa pero wala syang ginagawa. Sa pag aalaga nya saakin, ramdam ko na mahalaga ako sakanya.



Alam kong hindi sapat yung nakikita, nakakausap at nakakatabi nya lang ako sa pagtulog... Dapat ay natutugunan ko yung pangangailangan nya ngunit hindi ko alam kung pano ko sisimulan dahil pinangungunahan ako ng kaba. Paano kung madismaya ko lang sya? Wala akong ideya kung pano gawin ang mga bagay na ganon.




Gusto ko ding ipagtapat sakanya ang nararamdaman ko. Gusto ko sya... Hindi ko alam kung kailan to nagsimula pero kapag hindi ko sya nakikita ay para akong lantang gulay, at kapag nanjan naman sya ay sobrang saya ko. Hindi ko maintindihan tong pakiramdam nato, pero ang natitiyak ko lang ay gusto ko talaga sya.



Sakanya lang ako nakaramdam ng ganito... Yung nag uumapaw na saya kapag kasama ko sya at pagiging panatag ng kalooban ko.


Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Humarap ito saakin at huminga ng malalim.



"Bumalik kana don, hin--"hindi na ako nag atubili at niyakap sya. Bigla na lamang pumasok sa isip ko na gusto ko syang yakapin kaya naglakas loob akong gawin yon dahilan para maputol ang sasabihin nya.




Pareho kaming hindi nagsalita, sya ay nakatayo lamang habang ako ay yakap sya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung mga nais kong sabihin kaya sana sa paraang ito ay maramdaman nya kung gaano din sya kahalaga saakin.



Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon