Chapter 57

9K 268 69
                                    


Edward's POV


"Don't leave the borders, make sure everything is fine."sabi ko sa mga kawal na papunta na sa hangganan ng palasyo.

"Opo, beta."sagot nila at umalis na. Ako naman ay bumalik sa loob ng bulwagan kung saan lumalabas na ang mga naroon. Ang iba ay ginising pa dahil nakatulog na sa kakahintay.

Nakasalubong ko ang mga Alpha at Luna ng kabilang palasyo.


"Edward, mabuti na ba ang lahat?"tanong ng kapatid ni Marga.




"We're still not sure. Dito na muna kayo sa loob ng palasyo para masiguro ang kaligtasan nyo."sagot ko.


"Narinig namin sainyong kawal na patay na ang lapastangan."saad naman ni Savannah.


Tumango ako bilang tugon. Pagkatapos naming mag usap ay pinasamahan ko na sila sa tagapagsilbi upang ihatid sila sakanilang pansamantalang tulugan at ako naman ay pumunta sa kinaroroonan ni Marga.


"You should get some sleep."sabi ko nang makalapit.


Tipid itong ngumiti saakin at umiling.



"No, they need us here and I'm fine really."sabi nya. Tanging buntong hininga na lamang ang nagawa ko. Ganito sya palagi kapag sinabi nya, yun talaga ang gagawin nya and I can't say no to her, but I admire her for being like that.


"Pupuntahan ko si Luna Keziah upang i-check ang kalagayan nya."paalam nito.



"I'll come with you."sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.


Nasa hagdanan kami nang makasalubong namin ang pababang Luna, nang makita ko ang kalagayan nito ay agad akong lumapit dahil pakiramdam ko ay babagsak ito.

Pinapahinga na ni Marga ang tagapagsilbi ng Luna at sinabing kami ng bahala dito, at agad namang sumunod.



"Gusto ko ng makita si Lucas, Edward. Dalahin nyo ako sakanya..."mahinang pakikiusap ng Luna.




"Masusunod Luna Keziah."sagot ko at ngumiti bago sya binuhat. Nabigla ata ito sa ginawa ko dahil napahigpit ang hawak nya sa balikat ko.


"K-kaya ko namang maglakad..."nauutal na sabi nito at pinamulahan ng mukha kaya nangingiting napailing ako.



"Mas mabilis tayong makakapunta don Luna kung bubuhatin kita."sabi ko sabay kindat kaya lalong namula ang mukha nito. Biglang hinampas naman ako ni Marga sa braso kaya natawa ako.




"Kahit kailan ay puro ka kalokohan."sabi sakin ni Marga gamit ang mindlink.


"Hindi na mauulit Marga mahal."sabi ko naman na ikinairap ng mata nito kaya napangiti ako.


Alam kong mayayari ako kay Lucas pag nalaman nyang kinindatan ko si Luna Keziah. Knowing him, nako patayin pa ako nun pag nakita nyang buhat ko ang Luna.



Speaking of Lucas...



Sana maayos na ang lagay nya. Pati na rin ang dating Haring Marcus.







~~~



Keziah's POV





Ilang minuto lang ay nandito na kami sa harap ng silid pagamutan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit sa silid na ito.



Gusto ko ng makita si Lucas pero may parte saakin na natatakot pag nalaman ko ang kalagayan nya.


"Pumasok na tayo."biglang pagsasalita ni Marga. Hahawakan pa lamang sana nito ang buksanan ng pinto ay may nagbukas non sa loob ng silid.




Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon