Chapter 2

13.5K 361 4
                                    

Keziah's POV

Naririnig ko mula sa likod ng isang malaki at makapal na kurtina ang hiyawan ng mga taong naghihintay sa aking paglabas.

Ang tatlong lalaki na magbubuhat ng aking kulungan ay naghihintay na lamang ng senyas upang ako ay tuluyang lumantad sa maraming tao.

Nalalapit na...

Maya maya pa ay binuhat na nila ang kulungan  kasabay ng pagbaba ng kurtina sa aming harapan.

Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag dito at tanging hiyawan ng mga tao ang aking naririnig.

"Ayan na sya!"

"Ang halimaw!"

"Nakakatakot sya!"

"Hindi sya dapat mabuhay sa mundo!"

Samut' saring insulto ang aking natatanggap.

Naramdaman kong tumigil ang nagbubuhat saakin. Minulat ko ang aking mga mata at tama nga ang sabi ng lalaki... Sobrang dami ng tao ngayon, nag aabang sa mangyayari.

"Mga kapatid! Muling nagbabalik, ang babaeng yelo!"Nakakabinging sigaw ng isang lalaki .

Nagsimula na ang mga taong batuhin ako ng kung ano ano. Napapadaing ako sa bawat tama ng mga bato o mga bagay sa aking katawan.

Tuwang tuwa sila at mga naghihiyawan.


"Ano pang hinihintay mo?! Baguhin mo na ang iyong anyo!"Sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay utusan ni Amo.


Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at nanatiling nakayuko.


Naramdaman kong may lumapit sa aking kulungan.

"Naririnig mo ba ako babae?! Ang sabi ko sayo ay baguhin mo na ang iyong anyo!"bulyaw nya ulit saakin, hindi pa din ako umiimik.

"Gag* kang babae ka! Gawin mo ang inuutos ko! Gusto mo bang gulpihin ka ulit ni Amo?!"sabi nito ngunit hindi ako nagsalita.

Bigla kong naalala yung mga panahon na binubugbog ako ni Amo dahil hindi ko sinusunod ang gusto nya.

Hinahampas nya ako ng makapal na kahoy kahit saan at minsan naman ay tubo. Ngunit mas madalas kung sampalin nya ako ng malakas at sikmuraan.

Maraming beses na nya akong binugbog sa tagal ng taon na sya ang nag mamay ari saakin. Ako ang nagsisilbing taga bigay ng pera sakanya dahil sa kinikita sa perya tuwing ako ay lumalabas... Kaya siguro hanggang ngayon ay di nya ako pinapatay.

Pero ngayon... Sisiguraduhin kong hindi na ako mabubuhay pa.

Napansin ko namang biglang tumahimik ang paligid.

"Ginalit mo si Amo... Ha! Lagot ka. Alam mo kung pano sya magalit."saad ng lalaki. Kaya naman pala.

Sa totoo lang ay nanginginig na ako sa takot. Ayoko na uling dumapo ang mga kamao nya sa akin, ngunit yun lang ang nakikita kong paraan upang patayin nya ako.

"Bakit hindi ka nagpapalit ng anyo?"isang baritono at maotoridad na boses ang nagsalita sa aking kanan.

Hindi ako nagsalita.

"Hindi mo gugustuhin ang magagawa ko kapag di ka nagpalit ng anyo.Naiintindihan mo ba ako?"sabi nito na tila binabalaan na ako na kailangan ko na talagang magpalit ng anyo.

Nakakatakot ang kanyang boses ngunit nanatili pa din akong tahimik.

Nagsimula na ding  magbulungan ang mga tao.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon