Chapter 12

11.9K 312 3
                                    

Keziah's POV



Tatlong araw na ang lumipas ng mangyari yon... Pero bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin ako?


Hindi dahil sa takot ko sa malaking tao kundi sa paghawak saakin ng prinsipe... Para akong nanlambot sa hindi malamang dahilan.


Tatlong araw na din akong nananatili sa loob ng aking kwarto. Simula ng mangyari yoon ay hindi na ako pinapalabas ni Coleen na kautusan daw ng reyna. Tinanong ko siya kung nasaan ang reyna at sabi niya ay lumisan daw ito kahapon ng umaga patungo sa syudad kasama si Grace. Ngunit sabi naman nya ay uuwi na din ang mga ito ngayon.



Nakaharap ako sa salamin at sinusuklay ang aking mahabang buhok dahil katatapos ko lamang maligo. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Coleen na may tulak na de-gulong na lalagyan.

"Keziah, ito ang iyong mga magiging damit at sapatos. Lahat ng iyan ay bago pa at hindi ko pa nasusuot. Kahit ano ay maaari mong suotin." sabi nito. Agad akong tumayo at lumapit ng isa isa nyang ilagay ang mga damit sa aking kama. Ang gaganda...

"Ang dami nito Coleen. At sobrang gaganda... Sigurado ka bang saakin ito?"tanong ko na namamangha pa din.




"Maganda ka din naman Keziah kaya paniguradong babagay ang lahat ng iyan sayo. Mamili ka na ng iyong susuotin ngayon, para mailagay na natin iyan sa iyong damitan."masayang sabi nito.

Hindi muna ako nagsalita at namili. Labing lima lahat ng damit at nahihirapan akong makapili dahil lahat iyon ay magaganda. Ang mga sapatos naman ay may anim na pares at pati iyon ay magaganda. Ang dalawa dito ay may takong at ang apat ay wala.


Pinili ko na lamang kung ano ang pinakasimple at pumasok na sa  liguan at agad iyong sinuot.




Sa loob ay may puting damit na kita ang aking balikat ngunit may mahabang manggas, at pinapatungan ito ng itim at pula sa itaas na may tali sa gitna. Ang pang ibaba naman ay kulay itim na mabuka.


Lumabas ako at tinignan ako ni Coleen na may malawak na ngiti sa labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumabas ako at tinignan ako ni Coleen na may malawak na ngiti sa labi.


"Bagay saiyo ang kasuotan na yan Keziah. Napapansin ko din ang pagbabago ng kulay ng iyong balat. Mas pumuputi ka Keziah."puna nito.

"Salamat Coleen."pasasalamat ko naman.


"Mas dadami pa ang iyong damit sa mga susunod na araw. Mapupuno ang iyong damitan."pareho kaming natawa sa turan nya.


Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang kamay.


"Maraming salamat sainyo Coleen. Sa pagpapatuloy nyo saakin dito. Napakabuti nyo."sabi ko.


"Hindi mo kailangang magpasalamat Keziah. Gawain naming tulungan ang mga taong kagaya mo."sabi nito. Nagtaka ako sa sinabi nya ngunit hindi ko nalang pinansin iyon.

Tinulungan nya akong ilagay ang mga damit sa aparador pati na din sa paglagay ng mga sapatos sa katabing lalagyan niyo. At nang matapos kami ay nagpaalam na ito.

"Babalikan kita dito maya maya upang salubungin ang Luna sa labas. Aayusin ko lang din ang sarili ko."sabi nito kaya tumango ako at lumabas na sya.

Muli akong naupo at humarap sa salamin... Pinagmasdan ko ang aking mukha.


Tama nga si Coleen, pumuputi ang aking balat. Dahil siguro sa kulay puti na pinapahid ko sa aking katawan. Ang sabi saakin ni Grace dati ay araw araw kong gamitin yon at makakatulong iyon para mawala ang mga peklat ko. Lahat ng sugat ko ay naghilom na at nakakatuwang wala ng bakas na makikita doon na parang hindi nagkasugat ang parte na iyon ng aking katawan.




Napatingin ako sa aking buhok... Napansin kong hindi bagay na nakalugay lamang ito dahil hindi nakikita ang ganda ng aking damit. Kaya naisipan kong itali ito.

Mabuti na lamang ay may nakita akong mga panali sa maliit na kahon na nakapatong sa may salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabuti na lamang ay may nakita akong mga panali sa maliit na kahon na nakapatong sa may salamin. Mayroon ding mga pangkolorete sa mukha kaya naisipan ding magpulbos at maglagay ng konting pula sa aking labi.



Nang makuntento ako ay pinagmasdan ko muli ang aking hitsura... Sa tingin ko ay ayos na ito. Tumayo ako at pumunta sa harap ng bintana. Wala akong ibang makita kundi matataas na puno.



Siguro ay sampung minuto na din akong nakatayo doon ng muling bumukas ang pinto at pumasok si Coleen.

Medyo nagulat pa ito ng makita ako kaya napangiti ako.


Simple lang din ang ayos nito ngunit napakaganda na nya. Mahahalata mong bata pa talaga ito.



"Nakakatuwang natututo ka na ding mag ayos sayong sarili. Halika na Keziah maya maya ay darating na ang Luna."lumapit ito saakin at sinukbit ang braso nya sa braso ko tsaka naglakad papunta sa pinto.


Palabas na kami ng may maalala ako.


"Teka Coleen... Wala pa pala akong suot na sapin sa paa."sabi ko kaya huminto kami pareho sa paglalakad.

Natawa ito at binitawan ako kaya naman pumunta ako sa lagayan ng mga sapatos. Kinuha ko ang isang kulay itim na may manipis na itim na laso sa ibabaw. Agad kong sinuot iyon at muling bumalik kay Coleen.

Ngumiti ito kaya napangiti na din ako.


"Tara na."sabi ko at sabay kaming lumabas. Komportable talaga ako tuwing kasama ko silang dalawa ni Grace. Sa reyna ay medyo naiilang ako dahil napakabait nya saakin.


Hindi katulad kapag si Victoria ang kasama ko... Masyado akong nanliliit. Parang pinagsisigawan ng tindig nito na malayo ang agwat namin sa isa't isa kahit na pareho lang kaming tagapagsilbi ng reyna.

Napabuntong hininga ako. Napansin iyon ni Coleen.

"Ang lalim naman non. May problema kaba?"usisa nito.





"Wala naman... Hindi pa din kasi ako makapaniwala na nasa loob ako ng isang palasyo."palusot ko.


"Oo nga pala hindi mo pa nakikita ang labas ng palasyo. Para saakin kasi ay mas maganda ang labas ng palasyo kaya bilisan natin para malaman mo kung ano ang mas maganda para sa iyong palagay."sabi nito kaya binilisan namin ang paglalakad kaya nawala na sa isip ko ang iniisip ko kanina.



Itutuloy..

Vote and comment!

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon