Chapter 1

15.2K 330 8
                                    


Keziah's POV


Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at katulad ng dati ay binabalot ako ng dilim. Tanging ang sinag ng buwan sa labas ang nagsilbing ilaw sa madilim na kwarto.

Dahan dahan akong tumayo sa aking malamig na higaan.






Semento.






Ramdam ko ang sakit ng aking katawan dahil sa tigas ng aking higaan. Walang unan,kumot o kahit ano.

Iginala ko ang aking tingin sa maliit na kwarto ng matantya ng aking mata ang kadiliman...

Mga sira sirang gamit sa gamit katulad ng lamesa, upuan at marami pa. Merong isang makitid na hagdan papunta sa pinto palabas at isang maliit na bintana na nagsisilbing pasukan ng hangin upang makahinga.

Nasa basement ako ng headquarter ng Kapitan ng bayan. Ang Amo. Labing isang taon na nang magsilbi itong kwarto saakin o mas magandang sabihing... Ito'y nagsilbing kulungan.

Hindi ko alam kung ito ba ay isang bangungot. Ngunit hindi pa din ako makapaniwala na hindi ako isang ordinaryong tao...Hindi ko nga alam kung ako ba talaga ay tao.

Kung titignan ako mula ulo hanggang paa maliban sa butas butas na damit, mga pasa at sugat ay para akong isang tunay na tao. Ngunit tuwing sumasapit ang gabi kung san mas maraming tao sa perya...Oo,perya. Sapilitan nila akong pinagbabago ng anyo. Isang anyo na parang salamin ang dating ngunit sing-lamig ng yelo.


Hindi lang pala sing-lamig ng yelo... Ako ay talagang nagyeyelo.Sinasabi nilang ako ay halimaw, pinalilibutan nila ang aking kulungan doon upang insultuhin.


Halimaw, Salot, Malas, Demonyo, Anak ni Satanas at kung ano ano pang masasakit na salita.

Minsan ay pinagdarasal ko na sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito...

Tuwing sasapit ang gabi ay lagi akong nagkakaroon ng panibagong sugat, pasa, mga gasgas dahil tuwang tuwa ang mga tao sa paligid kapag ako ay pinahihirapan ng Amo.

Pinapakawalan nila ako sa kulungan at hahayaan ni Amo na saktan ako ng mga tao.Minsan naman ay ang Amo mismo ang bumubugbog sa akin kapag hindi ko nilalabas ang aking tunay na anyo.

Gabi-gabi akong nakakaramdam ng sakit.Ngunit nasisiyahan silang makita akong halos mawalan na ng malay sa pananakit nila sakin at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.

Labing isang taon na akong nagtitiis sa paulit ulit na nangyayari...Kukunin nila ako dito sa basement kapag gabi na at papakainin ng kakarampot na pagkain at ikukulong sa kwadradong bakal, paglumabas ay lalaitin, babatuhin ng kung ano ano, sasaktan at kapag sawa na sila ay ibabalik ako sa basement nang hindi ginagamot ang natamong sugat.

Hindi ko sila kayang saktan... Ayoko ng makapanakit pang muli.

Bumalik ulit sa aking isipan ang nangyari labing isang taon na ang lumipas...

Nakapatay ako.

Hindi ko sinasadya na mangyari yon.Hindi ko pa kontrolado ang sarili ko noon dahil ako ay bata pa lamang.


Habang inaalala ang nakaraan ay nakarinig ako ng tunog galing sa taas ng hagdan.


May nagbubukas ng pinto.

Maya maya pa ay isang taong may hawak na flashlight ang bumaba at lumapit saakin.


"Kailangan mo ng maghanda.Mas maraming tao ang maghihintay sayong paglalabas mamaya."sabi nito at hinila ako patayo.

Ako naman ay paika-ikang naglalakad dahil sa malaking sugat sa aking binti na nakuha ko kagabi.

Nang makalabas kami sa basement ay nasilaw ako sa maliwanag na kapaligiran kaya napahinto akong maglakad.

"Bilisan mong maglakad! Hindi dapat pinaghihintay ang Amo, tiyak na hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo pag sya ay nainip."sabi nya at hinila ulit ako.

Nang makuha kong matantya ang liwanag ay nakita kong papunta kami sa kinalalagyan ng aking kulungan.

Binuksan nya ito ng makalapit na kami at tinulak ako papasok, dahil paika-ika akong maglakad ay bumagsak ako dito kaya napadaing ako sa sakit.


May kinuha sya sa malapit na lamesa at padabog na binigay sa akin.

"Ito, kainin mo. Hindi gusto ng Amo na mawalan ka ng malay mamaya sa iyong palabas. Ubusin mo yan kung gusto mo pang mabuhay."sabi nito at naglakad palayo.


Agad ko naman iyong kinain dahil maghapon akong hindi kumain na sa tingin ko ay maaari akong mamatay kinabukasan...

Pagkatapos ay nakaupo lamang ako doon at naghihintay sa susunod na mangyayari.


Ang sabi kanina ng lalaki ay maraming tao ang nag aabang saakin, hinihiling kong sana ay mamatay na ako mamaya upang di na makaramdam pa ng sakit kailanman.



May lumapit saaking tatlong lalaki at binuhat ang aking kulungan. Inilabas nila ako sa headquarter at inilagay sa likod ng isang karwahe.

Maya maya pa ay nagsimula na itong umandar na tiyak akong dadalhin na ako sa perya...



Sa aking katapusan...



Itutuloy.

















Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon