Chapter 23

10.5K 265 2
                                    

Keziah's POV


Papunta ako ngayon sa isang silid kung nasaan ang reyna kasama sina Coleen at Grace. Ngayong araw kasi ay mamimili daw kami ng susuotin namin para sa dadating na okasyon dalawang araw mula ngayon.

Nagtaka pa nga ako nung una dahil lahat ng tagapagsilbi ay abala.



Habang naglalakad kami ay nag uusap ang dalawa at ako nama'y lumulutang ang isip sa nangyari kahapon...




Hanggang ngayon ay sariwa pa din saakin ang nangyari sa silid kasama ang prinsipe.






"Keziah, ayos ka lang ba? Bakit namumula ang iyong mukha?"bigla akong natauhan sa tanong ni Coleen at napagtantong huminto kami sa paglalakad.






"H-ha? Ahh wala."pagtatanggi ko. Pero nakita ko ang malawak na ngiti ng dalawa. Pakiramdam ko ay nagsi-akyatan ang dugo ko sa mukha.








"May crush ka siguro noh? Yiiiieee"pangangantyaw ni Coleen.



"Maaari ba naming malaman kung sino yan?"panggagatong pa ni Grace.





"Ano ba kayo, wala akong crush. Bilisan nalang natin dahil naghihintay ang reyna."pag iiba ko ng usapan. Mukha namang sumang-ayon sila dahil nagsimula na ulit kaming maglakad.


Nakaramdam ako ng ginhawa dahil hindi na nila ako muling inasar pa.




"Ano bang klaseng okasyon iyon?"bigla kong naitanong.



"Ahh, nalimutan namin sabihin sayo. Isa iyong malaking kasiyahan sa palasyo. Pinagdiriwang ito kapag malapit na ang full moon."paliwanag ni Grace. Nabatid nito ang aking pagtataka kaya mas pinaliwanag pa niya itong mabuti.






"Isa kasi iyong tradisyon ng palasyo. Pinagdiriwang ito kapag full moon dahil yon ang araw na natatag ang palasyo, iyon ang sabi sa mga sinaunang libro. Hindi mo pa ba yon nabasa?"ika nito.





"Hindi pa.  Siguro ay dapat kong unahin basahin iyon."sabi ko.





"Bilisan natin, excited na akong makita ang mga damit."masayang sabi ni Coleen.


Nang makapasok kami ay napatulala ako dahil sa dami ng mannequin doon at sa ganda ng mga damit na nakasuot dito.










Bakit hindi namin ito napuntahan ni Victoria noon? Pinilig ko na lamang ang alaala na yon at mas tinutukang pagmasdan ang mga damit.





"Nandyan na pala kayo."dinig kong sabi ng reyna kaya napalingon ako kung nasan sya.





May kasama itong tatlong babae. Ang dalawa ay tagapagsilbi at ang isa naman ay magandang babae. Naalala ko na isa ito sa mga kasabay naming kumain.





Kayumanngi ang kulay nito ngunit isa iyon sa nagpaganda sakanya. Maikli lang ang buhok nito na hanggang balikat at kulay itim. Napansin kong wala itong ayos sa mukha at hindi iyon nakabawas sa kagandahan nya. Napakasimple lamang nito.




"Nasukat ko na ang susuotin ko. Kayo na lamang tatlo. Keziah hija, kahit anong magustuhan mo ay maaari mong suotin. Nandito si Margaux para tulungan kang pumili."nakangiting sabi ng reyna. Nais kong magpasalamat ngunit naalala ko ang usapan namin dati kaya yumuko na lamang ako bago tumingin muli sa babaeng maganda.


"Iiwan ko na kayo dito. Magkakaroon pa ng pagpupulong ang council. Kayo na ang bahala."sabi nito bago lumabas ng silid.










Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon