Chapter 30

10.5K 264 6
                                    

Third Person's POV

Hindi nakatulog si Keziah sa kulungan... Masyado itong tuliro sa mga kaganapan sakanyang buhay. Nag uumapaw ang damdamin nya dahil sa sakit.

Samantala, ang mga kawal sa labas ng palasyo ay naatasan sa pagtayo ng isang maliit
na entablado kung saan binabalak na sunugin ang katawan ng dalaga.

Lingid sa kaalaman ni Keziah na ganon ang ipapataw na kamatayan sakanya ngunit hindi nya iniisip iyon. Pagmatindi na ang sikat ng araw... Ay papatayin na sya.

~~~

Grace's POV

Kinakabahan ako.

Natatakot ako para kay Keziah dahil wala itong alam. Kahit naman kasi may kakaiba itong anyo ay hindi ito nagbalak na saktan kami.

"Nais kong bantayan mong maigi si Stella. Hindi sya maaaring lumabas ng palasyo, naiintindihan mo ba ako Grace?"natauhan ako ng marinig ko ang seryosong boses ng Alpha.

"O-opo Alpha."tugon ko.

"Mabuti kung ganon. Nakahanda na ang lahat para sa magaganap mamaya, ayokong mayrong maging hadlang doon."tumayo ito at lalabas na ng magsalita ako.

"A-alpha... Kailangan po ba talagang p-patayin sya?"kinakabahan kong tanong. Lumingon ito saakin ng nakakunot.

"Iyon ang nararapat."matigas nitong tugon at tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Naiwan akong tulala. Naluluha akong lumabas papunta sa silid ng Luna, habang naglalakad ay bumabalik saaking isipan ang masasayang alaala ko kasama si Keziah.

Kahit sa maikling panahon ko lamang sya nakasama ay magaan ang loob ko sakanya. Naging mabuti rin syang tagapagsilbi ng Luna at kaibigan saamin ni Coleen.

Hindi kakikitaan ng poot ang mga mata nito dahil sa napaka among mukha na taglay nya. Minsan nga ay hindi ko maiwasang mainggit sakanya dahil sa mga papuri at pagtrato sakanya ng Luna. Dati kasi ay normal lang ang pakikitungo saamin ng Luna noong wala pa sya... Ngunit nang maging ganap na din syang tagapagsilbi ay mas nabigyan ng kulay ang buhay ng Luna.

Kung pakitunguhan kasi nila ang isa't isa ay para silang mag-ina. Maraming nagbago simula nang dumating si Keziah at yun ang pinasasalamatan ko.

Nang nasa harap na ako ng pinto ng silid ng Luna ay pinunasan ko muna ang tumulo kong luha.

Pagkabukas ko non ay agad na hinanap ng aking mata ang bulto ng Luna. Mahimbing itong natutulog... Simula ng mawalan ito ng malay kagabi ay hindi pa ito gumigising. Mas maigi na din sigurong tulog ito kaysa nakikita kong tuliro ito dahil sa prinsipe.

Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay.

Luna, sana ay mapatawad mo ako dahil wala akong magawa upang ipagtanggol si Keziah.

Tumulo na naman ang aking luha.

Patawad Keziah...

~~~

Keziah's POV

Mahigpit akong nakatali sa isang makapal na kawayan. Ang maliit na entablado kung saan ako nakatayo ay napapaligiran ng mga dayami.

Napangiti ako ng mapait ng mapagtanto ang gusto nilang mangyari... Susunugin nila ako ng buhay.

Tumingin ako sa mga taong nakapaligid...

Madami silang naghihintay sa mangyayari at hindi alintana ang binibigay na init ng araw. Ngunit wala ang presensya ng reyna. Kumusta na kaya ito? May alam kaya ito sa nangyayari? Kaya ba ito wala dito ay kinasusuklaman na din ako nito? Tumingin akong muli sa mga tao... Wala dito sina Tiya Yolly, siguro nga ay ayaw na nila akong makita.


Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon