Chapter 18

10.4K 307 2
                                    

N/A: Guys, sorry kung hindi ako nakapag-UD agad. Hindi ko alam kung minamalas ba ako o kung ano, dahil yung 6 chapters na ni-ready ko para ipublish ay naglaho nalang.

Jusme, pati chapters ngayon marunong ng mang iwan. T^T

So ayun... Sorry talaga. :'< uulitin ko lahat ng yon. And btw, unedited po lahat ng chapters na ginawa ko kaya kung may mga wrong grammars ay pagpasensyahan nyo na at I will be glad kung may mag-cocorrect.

Wag nyo po sanang kalimutang mag-vote ^_^
Enjoy reading!

~~~

Lucas's POV

"Kailangan na nating malaman ang dahilan ng gulo sa syudad sa lalong madaling panahon, ilang linggo na lang ay sisimulan na ang pangangalakal."sambit ni Ama.

Kauuwi ko lamang galing sa syudad at dito ako sa opisina ng Alpha dumiretso.

Pumunta ako don upang alamin kung ano ba talaga ang nangyayari. Ngunit tuwing magtatanong kami sa mga tao doon, ay tila mga balisa ang mga ito kaya wala kaming nakukuhang kongkretong impormasyon.

"Wag kayong mag alala Ama, nagpaiwan ako ng dalawang tauhan doon upang magmasid habang wala ako."sabi ko naman.

Naalala ko na may isang baliw na matandang lalaki kaming nakasalubong... Sabi nya ay 'babaeng demonyo'. May mga binubulong pa ito ngunit hindi ko na naintindihan dahil nakalayo na ito saamin.

Hindi ko naman iyon masabi sa Ama dahil paniguradong magagalit ito sa kakulangan ng impormasyong nakakalap ko.

I heaved a sigh.

"Lucas... Something strange to you this past few days. It seems you are exhausted everyday."puna ni Ama.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil doon. Akala ko ay hindi nito iyon mapapansin... I almost forgot he's an Alpha.

Yes, I feel like I'm exhausted everyday and it's because of the bond...

Fvck that bonding.



"I'm just tired Alpha."sabi ko nalang. Naniningkit ang mata nito na lagi nitong ginagawa kapag nang-uusisa kaya kinalma ko ang aking sarili upang wala na itong mahalata.

"Go, rest for now."he said and I sigh in relief.

Umalis na agad ako bago pa magbago ang isip nya. Agad ko namang tinahak ang daan papunta sa aking silid.

Nang makapasok ako doon ay hinubad ko ang aking kasuotan bago padapang sumalampak sa higaan. Sanay akong matulog ng nakahubad.

I shut my eyes but a sudden image came into my mind...

Keziah.

Iminulat ko ang aking mata at tumihaya ng higa. Minasahe ko ang aking sentido.

Tuwing matutulog ako ay laging ganito... Lagi ko syang nakikita tuwing pipikit ako, na nagpapahirap saaking matulog.

Everytime I see her I want to hug her... To kiss her. And it's because of that fvcking bond. The bond makes me weaker... Nararamdaman ko yon.

Her angelic face always bothering me. And I hate that feeling. Hindi dapat ako magpaapekto. I need to stop this shit.

My wolf growls in disagree.

"You need to know her! She's ours!"sigaw nito saakin.

"No. Don't be stupid." I said.

"She's our mate!"muling sigaw nito.

"Let's not talk 'bout this. Just sleep there."sabi ko nalang. At hindi ko na din sya narinig pang umangal.

I heaved a sigh to calm myself.

What should I do?

Muli kong naikuyom ang aking kamao. Pati sa pagdedesisyon ay nahihirapan ako when I was good at this before.

Hindi ko pa sya nakikita mula kanina and I kind of... Missing her.

What did you do to me Keziah? You keep on haunting me and it's making me insane.

And for the nth time... I heaved a sigh.

Because I can't sleep I rise up to the bed and took a shower. Afterward I went to my office... My past time place.

I took my whiskey and drink it.

I really need to do something. Lalo na't dito na sya titira sa palasyo and unfortunate of me, mas madalas ko syang makikita knowing that she's a lady in waiting.

Siguro ay dalawang oras na akong umiinom doon ng may kumatok. Hindi ko kailangang lumingon pa dahil pamilyar na saakin ang amoy nito.

"What do you need?" I said in cold voice.

"Lucas, the dinner is ready. Let's go down together."malambing na sabi nito making me smirks.

"Go down alone."

"Don't be rude to me Lucas. Let's go."utos nito. Humarap ako sakanya.

"Are you demanding me to obey you? Tsk. You really have no shame Victoria. Leave this room before I do something that will make you regret."matalim na sabi ko sakanya.

Halatang nagpipigil ito ng galit but I don't care. Padabog itong lumabas sa silid. Napailing na lamang ako sa turan nito.

Ayokong sumabay sakanila sa hapunan. Gusto kong kontrolin ang aking sarili sa pananabik...
Paniguradong nandoon si Keziah.

Ilang oras na din akong umiinom bago ako nakakaramdam na ng pamimigat ng talukap. Napagpasyahan kong matulog na at bumalik sa silid. Nakaramdam ako ng onting hilo dahil sa hindi ako kumain ng hapunan.

Naglalakad ako pabalik sa kwarto ko ng madaanan ko ang isang balkonahe... Bigla kong naalala yung gabing nakita ko si Keziah sa balkonahe sa ikalawang palapag.

Nang dumaan sya sa gilid ko non ay gusto ko syang pigilan at yakapin... Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko.

Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay patindi ng patindi ang nararamdaman ko para sakanya.

"Mukhang malalim ang iniisip ng prinsipe Lucas."isang baritonong boses ang nagsalita mula saaking likuran.

Humarap ako at sinalubong ang pilyong ngiti ni Edward. Kasama din nito si Margaux.

"Ahh, kaya pala hindi ka sumabay sa hapunan dahil nagsenti ka na naman."nang aasar na sabi nito.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito. Senti?

"Ano yong 'senti' Edward?"tanong ni Margaux. Mukhang maski ang kasintahan nito ay hindi alam ang takbo ng utak ng lalaking ito.

"Nagdrama."maikling sabi nito at tumawa ng malakas. Napailing na lamang ako. Kung hindi ko ito matalik na kaibigan ay baka tumilapon na ito palabas ng palasyo.

Ito lamang ang may kakayahang asarin ako. Kaya sa totoo lang ay ayokong makita ito dahil nasisira ang timpla ng araw ko.

Binatukan naman ito ni Margaux para tumigil ito sa kakatawa.

"Kung ano anong lumalabas jan sa bibig mo Edward. Galangin mo ang prinsipe."pagsaway sakanya ni Margaux dahilan para itikom nito ang kanyang bibig. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sometimes, I think I regretted making you my beta."malamig na sabi ko. Kinamot nito ang kanyang ulo at magsasalita pa sana ng tumalikod na ako at umalis.

Naririnig ko pang pinapagalitan ito ni Margaux.

"Don't do that again Edward. Grown up."rinig kong sabi nito. Inilagay ko na lamang ang aking kamay sa bulsa ng aking pantalon.

Naglakad na akong muli pabalik sa kwarto at sa pagkakataong yon ay nagawa ko ng makatulog.

Tbc..

Vote and comment!

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon