Chapter 20

10.7K 299 5
                                    

Keziah's POV






Hapon na at oras na para bumalik sa palasyo. Maghapon kaming naglaro ng mga bata sa bakuran. Hindi nga ako nagkamaling makakasundo ko sila.







Marami ding tao ang napapadaan doon at tumitingin saamin... Ang iba pa nga ay nagmamasid at nagbubulungan, ngunit hindi ko iyon pinansin at nakipaglaro lamang na parang bumalik ako sa pagkabata.





Hindi ko kasi iyon naranasan noong bata pa ako...sa bahay ampunan kasi ay nabubully ako pero hindi umaangal. Mas namulat akong buhayin ang sarili ko noong nakalabas ako doon.










"Ate Keziah, bumalik ka dito ha?"paglalambing saakin ni Cara. Napangiti ako. Lumuhod ako para magka-lebel kami ng tingin.





"Magpapaalam ako sa reyna para makabalik dito."sabi ko dahil hindi naman ako sigurado kung papayagan ako ng reyna.







"Sana ay payagan ka ng Luna."singit naman ni Paul.






Luna? Ang reyna yon hindi ba? Bat ba nila tinatawag na Luna ang reyna? Pangalan din ba yon ng reyna?








"Sana nga Paul. Gusto ko ulit kayong makasama."sambit ko.








Niyakap nila ako pareho dahilan para mawalan ako ng balanse at napahiga sa damuhan. Nagtawanan kami dahil doon.







"Kailangan na nating bumalik."bigkas ni Julio.







Tumayo na ako at lumapit sakanya bago humarap sa dalawang bata at sa papalapit nilang ina at Coleen.






"Salamat sa pagdalaw sa aming munting tahanan Keziah."sabi ng ginang.





"Salamat din ho, Tiya Yolly."tugon ko. Kanina habang kumakain kami ng pananghalian ay sabi nyang Tiya ang itawag ko sakanya. Mabait si tiya Yolly saakin at mapagmahal sa mga anak. Bigla tuloy akong nainggit kay Coleen.







"Osige, bumalik na kayo sa palasyo. Coleen anak, wag mong kakalimutan ang lagi kong bilin sayo."sabi nito at niyakap ang anak. Ako naman ay nakamasid lang sakanila.






"Opo, Mama. Mag iingat din po kayo dito. Pasabi nalang kay Papa na dumalaw ako. Sayang at wala sya dito."malungkot na sabi ni Coleen. Niyakap din nito ang mga kapatid bago lumapit saamin.






"Halika na."sabi saakin ni Coleen at tumalikod na para umalis.







"Sandali ate Keziah!"napatigil kaming lahat ng magsalita si Paul.






Lumapit ito saakin at may inabot... Isang kumpol ng bulalak, dilaw na daisy.






"Mama si Kuya pinitas yung mga bulaklak oh!"pagsusumbong ni Cara. Napatawa kami ni Coleen. Nakita ko namang muling namula ang mga pisngi ni Paul.









"Salamat Paul. Paalam."sabi ko at bahagyang kinurot ang pisngi nya. Mataba kasi ang pisngi nito at ang sarap pisilin.




Inalis nya ang pagkakahawak ko sa kanyang mukha at tumakbo pabalik kina Tiya Yolly.







Kumaway kami bilang pagpapaalam bago tuluyang umalis.






~~~






Gabi na at nandidito ako ngayon sa harap ng hapag kainan. Nandito ang lahat at tahimik na kumakain. Ang prinsipe...



Nandito din sya.... Nakatingin lamang ako sakanya ngunit ng magsalubong ang aming mata ay napaiwas agad ako at yumuko. Nakakahiya.




Ngayon ko nalang ulit sya nakita at napansin kong parang may kakaiba sakanya.




Napapansin ko din na minsay pinupukol saakin ang atensyon ng ibang naroroon ngunit hinahayaan ko nalang.



Tinuruan ako ng reyna na wag papaapekto sa kahit anong negatibong ibabato saakin ng mga tao. At paunti unti'y natututunan ko iyon.














"Kumusta ang pagpasyal mo kina Yolly, Keziah?"basag sa katahimikan ng reyna. Napahinto ako sa pagkain at ngumiti sakanya.







"Mabuti ho, mahal na reyna."sabi ko. Katulad ng dati ay katabi nya ako. Sya ay nasa kaliwa ko at ang nasa kanan naman ay si Coleen na at si Grace. Ginawa iyon ng reyna para maging komportable akong kumain.






"Mapapadalas ang paglabas natin sa palasyo ngayon at sa mga susunod na linggo. Alam mo naman siguro kung bakit."sabi ng reyna.





"Opo, wala pong problema reyna."magalang na saad ko. Tumango ito bilang tugon.






Nagpatuloy kami sa pagkain. Mahigit tatlongpung minuto bago matapos ang lahat na kumain. Iba't ibang direksyon ang tinahak ng iba at kami naman ay nagtungo sa silid ng reyna.



Tinulungan namin ang reyna na mag ayos para matulog. Si Grace ang tumutulong sakanya sa paglilinis ng katawan samantalang si Coleen ang bahala sa susuotin nito at ako naman sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Minsan ay nagpapamasahe pa ito saakin kapag nakakaramdam ito ng pagod.








"Sige na at magpahinga na din kayo."sabi ng reyna hudyat para lumabas na kami ng silid. Sakto namang nandon na ang hari. Yumuko kami sakanya bago tuluyang umalis.







Nagpaalam sina Coleen at Grace saakin dahil mas mauuna ang silid nila at ako naman ay bandang dulo na. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay unang bumungad saakin ang bulaklak na binigay ni Paul na nakapatong sa aking higaan.







Kinuha ko iyon at inamoy. Napagpasyahan kong ilagay ito sa vase sa gilid ng kama nang may kumatok.








Agad akong lumapit doon dahil baka si Coleen o Grace yon dahil sila lang naman ang madalas pumasok dito sa kwarto.








Malawak kong binuksan ang pinto at isang malapad na bulto ang bumungad saakin. At nang tumingala ako para tignan kung sino ito ay halos mapanganga ako.














Ang prinsipe...





Nang magtagpo ang aming mata ay parang kumislap ang mga ito.










Bumaba ang tingin nito saaking kamay at nangungunot ang noong tumingin saakin.







"Saan galing ang bulaklak na yan?"pagalit na tanong nito kaya bahagya akong napaatras.








"I'm asking you."sabi pa ulit nito.








"K-kay Paul po, p-prinsipe."utal na sabi ko at tinago saaking likuran ang bulaklak. Nakita kong kinuyom nito ang kanyang kamao at nagpipigil ng galit.







"So you have an admirer huh?Tch."nanunuyang sabi nito.





Bakit sya nagagalit? Anong ginawa ko?







"H-Hindi po pri---"hindi ko na naituloy ang pagpapaliwanag ko dahil umalis na kaagad ito.








Anong problema ng prinsipe?








Ayaw nya ba ng bulaklak? Bakit sya nagalit dahil doon?






Hindi naman siguro ako mapaparusahan dahil lang sa bulaklak diba?








Ahhh! Ewan. Sana lang ay hindi na lumaki ito.






Kailangan kong magpaliwanag sakanya bukas.










Tbc...









Don't forget to vote and comment! Lovelots.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon