Chapter 53

7.8K 215 3
                                    

Keziah's POV

Malalim na ang gabi ngunit patuloy pa din ang kasiyahan, kahit mga bata ay tila ba walang kapaguran.


Si Lucas ay kasama ng ibang mga alpha at beta na masinsinang nag uusap kaya pumunta sila sa tahimik na silid. Ako naman ay naiwan sa mga katulad kong luna at kay Marga. Walang tigil ang kwentuhan nila dahil madalas lang silang magkita, nakakatuwa isipin na ganto ang turingan nila sa isa't isa.



"Nako Keziah, baka maunahan mo pa kaming mabuntis."nabulunan ako sa sinabi ni Savannah. B-buntis agad? Pinamulahan naman ako sa isipan nayon.



"Knowing Lucas? Hmmm it's not impossible."natatawang sabi naman ni Loraine.


"Masanay kana sa dalawang yan Luna, may pagka-madumi talaga ang isip ng mga yan."mahinang sabi ni Margaux at tumawa.

"Hey, we heard that!"sabi ni Loraine kaya ako naman ang natawa.





"Nagsasabi lang naman kami ng totoo, kaya nga ang daming nagkakandarapa jan kay Lucas kasi magaling daw sa kama."umiwas ako sakanila ng tingin ng sabihin yon ni Savannah. Sandaling namayani ang katahimikan sa lamesa namin.




"Keziah, I'm sorry I didn't mean to hurt your feelings. Playboy kasi talaga yan si Lucas noon pa, pero siguro naman magbabago na sya 'cause he already found his mate, and it's you."dugtong naman nya.

Ibig sabihin, hindi lang si Victoria ang naging karelasyon nya? Parang winawasak ang dibdib ko sa isipan na nagkaroon sya ng relasyon sa iba't ibang babae.



"Kung ano ano kasing pinagsasabi mo Luna Savannah, ayan tuloy binigyan mo ng sakit ng ulo si Luna Keziah."sabi ni Margaux.

"A-ayos lang."sabi ko at tipid na ngumiti. Nagpaalam ako sakanila dahil kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko, gusto ko din munang mapag isa kaya napagpasyahan kong lumabas muna sa silid na yon. Ngunit papalabas palang ako nang makaramdam ako ng kakaiba... Bumilis ang tibok ng puso ko at sinimulang kabahan.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito? May masama bang mangyayari?

Doon rumehistro saaking isipan na ito rin yung naging pakiramdam ko noong nahanap ako ng tauhan ni amo sa gubat... Isa lang ang ibig nitong sabihin, may mangyayari talagang hindi maganda.


Tumingin ako sa paligid, sobrang nagkakasayahan ang mga lycans, sa hindi ko malaman ay may hinahanap ang mata ko at nang matagpuan ko iyon ay tila ako'y naging bato sa kinatatayuan ko at nagsisimulang kainin ng takot.


Hindi maaari...


Paano nangyari ito? Bakit hindi ko napansin?

Paano sya nakapasok sa palasyo?



Dahan dahan itong lumapit saakin, na may mala-demonyong ngiti. Walang nakakapansin sa nangyayari... Hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong dahil ang mga titig nito ay tila pinagbabawalan ako. Ang buong sistema ng katawan ko ay nilamon na ng takot, wala akong magawa ng tuluyan itong makalapit saakin.



"Kumusta ka Keziah?"untad nito at hinawakan ang hibla ng buhok na nakaharang saaking mukha.



"A-amo...?"doon ko palang nagawang magsalita.



"Marami tayong dapat pag usapan bata, sumunod ka saakin kung ayaw mong pasabugin ko ang buong silid na ito."nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito.

Anong ibig nyang sabihin?


"Naglagay ako ng apat na bomba sa silid na ito, kaya kung ako sayo sumama ka sakin kung ayaw mong madamay ang mga walang kwentang lycans na ito."siguro ay nabasa nya ang aking isipan.

Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon