Chapter 38

10.4K 263 1
                                    

Stella's POV

"Stella, can we talk?"hinawakan ni Marcus ang braso ko. Diretso ko itong tinignan gamit ang blankong ekspresyon, ngunit nang makita ko ang desperasyon sa mukha nito ay dinapuan ako ng habag. Pero hindi ko iyon pinakita, dahil galit pa din ako sakanya.


"May mga dapat pa akong unahing gawin, at alam kong ganon ka din."sabi ko dito.


"Please Stella, wag naman tayong ganito. I missed you so much."pagsusumamo naman nya.




"Marcus hindi ko kailangang sabihin sayo kung bat ganito ang pakikitungo ko sayo, alam mo na may pagkakamali ka."ika ko. Nahihirapan akong ipakita na galit ako dahil sa hitsura nito... Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na halatang walang maayos na tulog.




"Oo mali ako, kaya humihingi ako ng tawad sa nagawa ko. Sana naman ay magkaayos na tayo."pagpupumilit nito at habang nagtatagal na nakatitig ako sakanya ay lalo akong nahihirapan... I missed him too and seeing him like this, was torture.






"Hindi ito ang oras para sating dalawa Marcus, mas kailangan nating unahin ang problema ng palasyo."sabi ko bago naglakad palayo. Hindi ko gusto itong trato ko sakanya pero napipilitan akong gawin dahil sa mga pagkakamali nya na dapat sya mismo ang tumama.




Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nakasalubong ko ang aking anak at base sa nakikita ko sa mukha nya, ay galit ito.






"Lucas anak, is there something wrong?"tanong ko at hinawakan sya sa pisngi ngunit umiwas ito.





"Nothing"tipid nitong sagot at nilagpasan ako.




Sa pagkakaalam ko sa kwarto nya ito galing which is nandun si Keziah. I decided to go to Keziah at sya nalang ang tatanungin ko.

~~~

"Hindi ko po alam kung bakit bigla nalang syang nagalit, sinabi ko lang po ang opinyon ko kamahalan."may pag aalala ang boses nitong saad.

Napangiti ako dahil sa turan nito. Naikwento nya na saakin ang nangyari and it seems na kaya nagalit si Lucas ay hindi pa tanggap ni Keziah na maging mate sya nito.



"It's alright dear, kakausapin ko nalang sya. Alam ko na hindi madali para sayo na tanggapin yon pero Keziah... Iyon ang totoo."sabi ko.



"Pero kamahalan, i-isa lamang po akong t-tagapagsilbi ninyo... Hindi po ako nababagay para sakanya."ika naman nya kaya hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nito.




"Keziah, ang pagiging mate ng tulad naming taong-lobo ay walang pinipili estado sa buhay. Kung ang tao ay mayroong choice of freedom kung sino ang gusto nilang makatuluyan, saamin ay wala. Ang nagdedesisyon ng pagtatakda ay ang... Moo-"nahinto ko ang aking sasabihin ng maalala ko na... Ang ina ni Keziah ang aking tinutukoy.







Sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin iyon sakanya. Kailangan na mag-focus muna kami sa isang problema.




"Sino ho iyon kamahalan?"mukhang interesado rin syang malaman kung sino ang tinutukoy ko. Ngunit mas kailangan kong ipaliwanag sakanya ang ibig sabihin ng "mate" nang sa ganon ay lubusan nya itong maunawaan at tanggapin ng buo si Lucas bilang kabiyak. Siguro'y sasabihin ko nalang kung sino, ngunit hindi ang buong pagkatao ng kanyang ina.







"Ang Moon Goddess. Sya ang nagtatakda sa magiging kasintahan namin habang buhay."saad ko, mukha namang may malalim itong iniisip bago muling nagsalita.







Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon