Chapter 24

10.3K 293 2
                                    

N/A: Yung image po above is yung gown na susuotin ni Keziah sa pagdiriwang ng full moon. Hindi na kasi ako nagfocus on explaining her looks kasi mas gusto kong i-focus tong chapter na to sa mangyayari. And sorry for slow update dahil si Author po ay may work. Yun lang thank you! Enjoy reading!

~~~

Third Person's POV

"You can't go to the party like that Lucas."iyon ang sabi ni Edward sa prinsipe. Kasabay non ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng reyna sa silid.

"Luna."nagbigay galang si Edward. Si Lucas naman ay nanatiling nakaupo at nakayuko na tila ba'y sobrang pagod. Agad naman itong nilapitan ng ina.



"Lucas anak, ano bang nangyayari sayo? May masakit ba sayo?"nag aalalang tanong nito habang pilit na pinapatingin ito sakanya.




"I'm fine. Don't mind me."sabi naman ni Lucas.



"Matagal ko ng napapansin ang panghihina mo. Mas mabuti pang wag ka nang pumunta sa okasyon at magpahinga ka na lamang."ika ng reyna.

"Magagalit si Ama kapag hindi ako dumalo doon."sabi naman nya.


"I'll go talk to him."

"No. Mom, I'm going."pagpupumilit pa din ng prinsipe kahit bakas na masama ang pakiramdam nito.



"But look at yourself Lucas! You're sick. I'm worried 'bout you."ika nito.

"Mom, you know you can't change my mind."malamig na sabi ng prinsipe kaya naman lalong nangangamba ang reyna. Ngunit katulad nga ng sabi nito... Walang magagawa ang kanyang ina dahil buo ang desisyon nyang dumalo sa okasyon.


Hindi sya maaaring mawala don at alam iyon ng kanyang ina. Inaasahan ng mga dadalo na nandon ito kaya marapat na sya ay pumunta.


Umalis na ang kanyang ina at naiwan sila ni Edward.

"Bro, bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin saamin kung sino ang susunod na magiging Luna? Edi sana hindi ka nagkakaganyan."ikaw ni Edward.


"Shut the fvck up Edward. I told you it's not the right time."matigas na tugon nito sa kanyang beta.


"Until when Lucas? For how long you will endure the pain because of the bond? And the full moon also. You will suffer so much pain."


"I can wait Edward. Don't underestimate me."matagal pa silang nag usap bago nagpasyang umalis na din si Edward. Kahit anong pilit nito ay hindi din nya makumbinsi ang prinsipe.

Mamaya na ang malaking okasyon...

~~~

Lucas's POV

Sa ilang araw naming pangangalap ng impormasyon sa syudad... Hindi pa din buo ang aming kaalaman.










Ngunit kahapon... Nang mapadaan ako sa isang bahay ampunan ay hindi ko alam kung anong ang tumulak saakin upang doon magtanong.


Isang matandang madre ang bumungad saakin. Hindi ako nagpaligoy pa at tinanong sakanya kung may kilala syang Keziah.





Nagulat ito at nang makabawi ay tumugon ito at kuwinento ang nangyari. Hanggang ngayon ay sariwa pa din saakin ang sinabi nito.



"Dito sya lumaki sa ampunan na ito... Kapapanganak pa lamang sakanya noon nang dinala sya dito ng isang nars dahil iniwan daw ito ng ina pagkatapos i-anak. Napakaliit nyang sanggol noon at sobrang puti. Mabait at masayahin ito, ngunit nang mag-limang taon... Na-bully sya ng ibang bata dito, at hindi lumalaban. Hanggang sa tumuntong ng pitong taon at hindi na kinayanan ang pangbubully sakanya at nagpasyang tumakas. Pinahanap namin sya ngunit bigo kami. Kaya itinigil na lamang namin ang paghahanap at pinagdasal na lamang sya."






Our Luna Is An Ice GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon