Chapter 1

8.3K 262 21
                                    

Chapter 1


"Juskooo mameee! Masusunog na ang buhok ng junakis natin kakarebond mo!"

Napatili ang tatay slush nanay ni Cassandra na si Mame Dondey ng makita nitong nirerebond nanaman ng tatay slush nanay niyang si Mame Dora ang kanyang buhok

Dalawang lalakeng may pusong babae ang nagpalaki kay Cassandra. Mag-kalive-in parter ang mga ito at ito ang tumayong magulang niya mula pa noong maulila siya.

Kaibigan ng mga ito ang kanyang mga magulang na maagang umakyat sa langit. Hindi pa nga siya tinutubuan ng ngipin noon ng maaksidente ang magulang niya.

She's Cassandra Nuggets aka cassy for short. Yes nuggets ang kanyang apilyedo dahil half american ang kanyang lolo. She's twenty years old single and always ready to jingle.

"Makareact ka naman mameee wagas?" Taas kilay na sita ni Mame dora habang pinaplantsa nito ang kanyang mahabang buhok. Kasalukuyan silang nagrerebond ng kanyang buhok sakanilang mini salon sa ilalim ng kanilang bahay.

Pag mamay-ari ng mga ito ang salon na iyon. Maliit lamang ngunit malinis at aircondition na rin. Magaling mag gupit ng buhok ang kanyang mga Mameee kaya maraming tumatangkilik sa salon nila lalo na ang mga kapitbahay nila.

"Mame don't worry po. Matibay na po tong buhok ko" Nakangising sagot ni cassy sa Mame Dondey niya.

"Nako nako jusmiyo ka. Mapapanot ka ng maaga niyan baby!" Nag aalala parin ito habang nakatingin sa buhok niyang pinaplantsa ni Mame Dora. Amoy na amoy nito ang chemical na ginamit ni Mame Dora sa kanyang buhok.

Umuusok usok pa ang kanyang buhok. "Baby" parin ang tawag ng mga ito sakanya. Growing up with two beautiful gays is very wonderful. Napakasaya ng buong buhay niya dahil sa dalawang mame niya.

"Mama dalaga na ang junakis natin! Hindi mo ba knows ang balita?" Chika ni Mame Dora sa Mame Dondey niya

"Anong ganap?" Kunot nuong tanong tuloy ni Mame Dondey

"May instant jowa na itong junakis natin!" Kinikilig na pagbabalita ni mame dora kay mame dondey.

"Harujusko nakakaloka elaborate. Paano? Anyare?" Nalolokang tanong ni mame dondey

"Ganito kasi yan mame. Kahapon po mame diba may raket kami may inayusan kaming buhok si Miss Alime. Kasal po kasi ng isang fafalicious Hoffman diba?"

Nakikinig ng maayos si Mame Dondey.

"So anong ganap baby? Paano ka naman nagkanobyo ng instant aber?"

Pangiti-ngiti naman si Mame Dora habang pinaplantsa nito ang kanyang buhok

"Ganito nga po kasi mame. Sinama kasi kami ni Miss Alime sa kasal nung Kenzo Hoffman. Tapos mommy ang daming gwapo kalerky! Umuulan ng fafalicious! Nakita ko na sa personal lahat ng hoffman as in! May picture rin ako sakanilang lahat--"

"Anak naman ang dami mo ng chinika hindi mo na kinuwento kay mame yung nangyare" Singit ni mame dora

"Oo nga anak. Straight to the point mo na nga kaloka!"

"Okay okay sowie pows nakakakilig parin kasi! Ganito po talaga yun. Hindi ko po alam paano nangyari ang bilis kasi ng pangyayare---" Ikinuwento ni Cassy sa mga mame niya ang tunay na nangyari kagabi sa kasal ni Kenzo Hoffman.


Flashback last night.

 
"Huy Cassy ano yang nagbabalot ka pa talaga?"

Napahagikgik si Cassy ng mapansin ni Heidi ang kanyang ginagawang pagbalot ng mga cupcakes sa dessert table.

"Ngayon lang ako nakatikimz ng ganitech. Kaya ipapatikimz ko rin kila mame" Pasimple niyang ibinalot ang iba pang cupcakes sa ziplock na kanyang dala dala. Nakita niya lang naman ang ziplock na iyon sa bag niya kaya naisipan niyang dalhan ng pasalubong ang mga mame niya.

"Nakakahiya cassy anu ka ba. Singit nga lang tayo dito eh" Bulong pa ni Heidi sakanya habang kinukurot pa nito ang tagiliran niya.

Patingin tingin rin sakanila ang ibang bisita ngunit dedma lang iyon para kay Cassy. Ang mahalaga may balot siya!

Akmang kukunin niya ang redvelvet cupcake na nag iisa nalang ng bigla iyon kunin ng isang lalake

"Akin yan--"

Babawiin niya sana ang red velvet cupcake sa lalakeng kumuha nito ngunit napatulala nalang siya sa kagwapuhan nito.

Kanina pa siya nakakakita ng mga gwapong lalake sa paligid at busog na busog na talaga ang kanyang mata sa nagkikisigan at nag-gwagwapuhang nilalang na pinagsamasama sa kasal na iyon

Ngunit naiiba ang kagwapuhan ng isang ito! Mukhang ito ang pinakagwapong lalake para sakanya! Tinitigan niya pa ito ng husto bago niya ito makilala.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ito! Habang ngumunguya ito ng red velvet nakatingin ito sakanya. Napanganga lang siya sa harapan nito dahil sa pagkabigla.

Maski si Heidi ay natulala sa kagwapuhan nito.

Kulay asul ang mga mata nito na walang kaemosyon emosyon.

"Gate crasher kayo no?" Mayabang na tanong nito sakanilang dalawa ni Heidi habang kinakain nito sa harapan nila ang red velvet cupcake. Lumalabas pa ang dimple nito sa gilid ng mapulang labi nito habang ngumunguya ito.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon