Chapter 32

5K 216 20
                                    


Chapter 32

Canada

Panay ang pisil ni Kenjie sa kanyang kamay. Ramdam niyang hindi ito mapakali at tila may iniisip itong malalim.

Kasalukuyan silang nasa magarbong pagdiriwang ng kaarawan ni Mr. Jerome Hoffman. Ang daddy ni Kenjie. Maraming bisita na galing pa sa ibat-ibang bansa. Karamihan sa mga iyon ay mga kamag-anak at kaibigan nito.

"Okay ka lang ba jowa?" Tanong niya kay Kenjie habang nakaupo sila sa isa sa mga tables sa loob ng hotel na iyon kung saan ipinagdiriwang ang kaarawan ng daddy nito

Ngumiti lang si Kenjie at hinalikan nito ang likod ng kanyang palad.

Naka-upo rin sa kanilang table ang dalawang mame niya. Samantalang iniwan muna nila si ate rina at ang taga pag-alaga kay Kendra sa hotel suite dahil oras na ng tulog ni Kendra at masyada pa itong bata para sa party na iyon.

Napakaganda ng mga suot nila. She's wearing a dark green long dress na hapit na hapit sa bawat kurba ng kanyang katawan. Samantalang naka business suit naman ang dalawang mame niya. Kahit mga beki ito ay pinili pa rin ng mga ito ang maging disente sa araw na iyon. Kahit pa nga binigyan naman ang mga ito ng gown na isusuot sa gabing iyon.

Kakarating lang nila sa Canada kaninang umaga at naging busy na agad sila sa pag asikaso ng kanilang susuotin para sa pagdiriwang.

Napapatingin si Casandra sa kabilang table. Narito ang lahat ng mag kakapatid na Hoffman. Walang itatapon kahit isa!

Napakagwapo ng mga ito at ang bunso naman sa mga ito ay napakaganda. Malambing rin si Michelle at winelcome pa sila nito kanina. Mukhang friendly ang bunsong kapatid ni Kenjie. Manang mana ito sa mga kuya nito. Napakasexy rin nito na para bang modelo ng victoria secret.

"Dad is going to announce something tonight. I don't know what is it. Pero may kutob nako" Bulong ni Kenjie sakanya. Kaya naman pala nanlalamig ang kamay nito.

Tinignan niya ang gwapong mukha ni Kenjie. Kung kaninang umaga ay hyper na hyper ito at parang ang saya saya nito habang kasama silang dalawa ni Kendra. Nag almusal kasi sila sa isang coffee shop kaninang umaga at pakiramdam daw nito nabuo na ang munting pamilya nila. Ganoon rin naman ang pakiramdam niya. Masayang masaya siya dahil ngayon nagkabalikan na silang dalawa ni Kenjie.

Ngunit ngayon puno ng kaba at takot ang mga mata nito. Marahil iniisip nito kung ano ang nais sabihin ng daddy nito.

Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ni Kenjie.

"Huminga ka ng malalim jowa. Nandito lang ako sa tabi mo" Bulong niya rin kay Kenjie

Maraming mga babae ang napapatingin sakanilang dalawa ni Kenjie. Nakikilala kasi siya ng mga ito. Sa pagkaka-alam ng mga ito ay siya yung ex girlfriend ni Kenjie na nahuli nitong may kasama sa isang hotel noon. Nagugulat siguro ang mga ito dahil sweet na sweet na silang muli ngayon ni Kenjie at sinama pa siya nito sa Canada

Napansin niya rin na halos lahat ng kapatid ni Kenjie ay may kanya kanyang girlfriend na bukod lamang kay Gabriel at Ram. Dahil si Angelo Miguel Zach Joshua Luke Kenzo at Cedric ay may kanya kanyang asawa na at mga anak na kasama sa tables ng mga ito. Marami nga ang naiingit sa mga asawa ng mga ito dahil panay simpleng babae ang napangasawa ng magkakapatid

Si Angelo Hoffman ay halatang masayang masaya habang kasama nito ang apat nitong anak at napakagandang asawa na medyo madaldal at palatawa

Si Miguel Hoffman naman ay nakakatuwang pagmasdan dahil boyish ang asawa nito na napakasexy rin. Ito pa ang nakaakbay sa asawa nito ngayon habang nakaupo ang mga ito. Naglalaro naman sa paligid ang tatlo nitong mga anak

Si Joshua at Zach naman ay kanya kanyang karga sa mga baby pa nitong anak. Si Zach ay nagkaroon ng kambal na anak kaya dalawa ang karga nito kaya ang misis nito ang nagpapakain sa mag aama

Si Joshua naman ay todo asikaso sa asawa nito. Napakasweet talaga ng mga munting pamilyadong hoffman brothers na ito.

Katabi naman ni Luke ang misis nitong napakaganda kahit simple lang. Kasama ng mga ito si Kenzo at ang asawa nito.

Samantalamg si Gabriel at Ram naman ay nag uusap usap sa kabilang table. Habang hinihintay ang kanilang daddy.

Ang alam niya may kanya kanyang controbersyal ring kinakaharap ang mga ito. Si Gabriel ay nag trending na pumatol ito sa isang pokpok. 

"Ang popogi ng mga kapatid mo no? pero bakit ikaw talaga ang kahawig ng daddy mo?" Bulong niya

Ngumiti si Kenjie.

"Kaya nga eh. Walang nakahalatang hindi niya ako anak" Bulong ni Kenjie sakanya. Napapatingin ang mga mame niya dahil panay ang bulungan nilang dalawa

Ingit na ingit naman ang mga nakakakita sakanila.

Nagtataka kasi si Casandra kung bakit sa dinami-dami ng mga anak ni Mr.Hoffman ay si Kenjie pa ang naging kahawig nito. Kamukha rin ni Kenjie si Zach Hoffman at kahawig rin ng mga ito si Luke.

Halos magkakamukha ang mga ito kaya nagtataka si Casandra kung paano ito hindi magiging anak ni Mr.Hoffman. Marahil may dapat pa siyang alamin. Mukhang mabait naman si Mrs.Abby hoffman sakanya kaya kukuha siya ng tiyempo sa susunod na makausap niya ito.

Tumahimik ang buong paligid ng dumating si Mr.Hoffman at umakyat ito ng stage kasama si Mrs.Abby Hoffman

"Good evening" Bati ni Mr.Jerome Hoffman sa kanilang lahat habang hawak nito ang microphone
 
"My birthday will be meaningful tonight.." Pasimula ni Mr. Jerome Hoffman

Tahimik lang ang lahat ng tao habang nakikinig ang mga ito sa iaanunsyo ni Mr.Hoffman

"I am with my wife and my children tonight. This will be a perfect time to tell the truth"

Napalunok si Casandra kasabay ng pagpisil ni Kenjie sa kanyang kamay. Ramdam niyang kabang kaba ito.

"Hindi ko na kayang itago pa ang katotohanan. Ako po ay may isa pang anak. Sa wakas nahanap ko na siya!"


Nagulat ang lahat ng tao sa inanunsyo ni Mr.Hoffman. Nag bulungan agad ang ibang mga tao at umingay ng kaunti sa paligid. Napakunot naman ang nuo ng magkakapatid. Hindi inasahan ng mga ito ang rebelasyon ni Mr.Hoffman

"Patawarin niyo ako mga anak.."

"Patawarin niyo ang papa niyo. Hindi niya sinasadya ang nangyari" Sabi naman ni Mrs.Hoffman habang naiiyak rin ito sa tabi ni Mr.Hoffman

Inakbayan ni Mr.Hoffman si Mrs.Hoffman

"My wife really suffer too much pain. Pero hindi niya ako iniwan. Tumatanda na kami at hindi namin alam kung paano sasabihin ang totoo sa mga anak namin. Ngunit sana tangapin niyo ang kapatid niyo. I want you to meet your brother. My son Noah Hoffman."

Nakayukong umakyat ng stage ang isang binatilyo na sobrang gwapo. Pero teka bakit kahawig rin ito ni Kenjie?

Gulat na gulat naman ang magkakapatid. Unang nag walk out si Michelle na sinundan naman ni Ram. Hindi matangap ng mga ito na nagloko ang daddy nito.
 
Umakyat naman sa stage si Angelo Miguel Zach Luke Gabriel Joshua at Cedric. Isa isang niyakap ng mga ito ang kapatid na ngayon lang nakilala

Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ngunit si Kenjie ay pulang pula ang mga mata at pinipigilan lamang ito ang sama ng loob.
 
"J-Jowa ayos ka lang?" Hinaplos niya ang pisngi ni Kenjie. Napakalungkot nito.

"I-I don't belong there--"

"Kenjie hindi yan totoo. Para sakanila isa kang hoffman"
 
Tumayo si Kenjie at umakyat rin ito ng stage

"Dad happy birthday. Wala ka na bang ibang sasabihin sakanila?"

Napakunot naman ang nuo ni Mr.Hoffman

"What do you mean son?" Tanong ni Mr.Hoffman

"About me"

Napalunok si Casandra dahil parang teleserye ang mga kaganapan sa loob ng party na ito.

"Kenj anong sinasabi mo diyan?" Inakbayan ni Angelo si Kenjie dahil nararamdaman ng mga ito na seryoso si Kenjie

"Anak wala akong sasabihin sa mga kapatid mo na tungkol sayo. Hindi kita maintindihan son--"

"Stop calling me son! Hindi mo ako anak diba? Tell them the truth dad."

Napalunok si Mr.Hoffman at nagulat ito sa sinabi ng anak. Agad naman lumapit si Mrs.Hoffman at hinawakan nito ang braso ni Kenjie

"Anak hindi yan totoo. Anak ka ng daddy mo--"

"I know the truth mom! Narinig ko kayo ni dad noon nag uusap tungkol sakin--"

"Anak look, Kailan pa iyon anak? Anak ka ng daddy Jerome mo. Matagal niya lang bago natangap dahil akala niya niloko ko siya. Pero anak ka niya. Walang ibang lalake ang nakakuha sakin maliban sa daddy mo."

Napasimangot si Casandra. Sinasabi na nga ba niya tunay na anak ni Mr.Jerome Hoffman si Kenjie! Impossible naman kasing hindi eh carbon copy nga ito ng ama!

"It's my fault son. Hindi agad ako naniwala sa mommy mo. Masyado kong pina-iral ang selos ko at pagdududa noon. Pero ikaw anak kita Kenjie. Bakit hindi mo sinabi samin na narinig mo kami? I'm so sorry anak"

Tahimik lang na umiiyak si Kenjie habang yakap ito ng parents nito.

Naisip ni Casandra na may pinagmanahan naman pala si Kenjie. Dahil sa pagiging seloso nito hindi agad ito naniwala sakanya na walang namagitan sakanila ni Julian noon.

"May pinag-manahal kalerky!" Naiiyak na sambit ni Casandra sa di kalayuan habang masaya siya dahil sa wakas nalinawan rin si Kenjie.

"I-Is it true dad? Anak niyo rin ba talaga ako?"

"Yes son anak kita kahit kailan ay hindi ako niloko ng mom niyo. I'm so sorry" Niyakap muli ni Mr.Hoffman si Kenjie.

"Korny mo Kenj! Ikaw nga lang kamukha ni daddy satin!" Ginulo ni Luke ang buhok ni Kenjie at niyakap rin ito ng magkakapatid.

"It's you asshole" Sabi naman ni Kenjie na napapangiti na rin.

Maganda ang pagmamahalan ng magkakapatid. Samantalamg tahimik lang si Noah sa gilid

"Pero dad pano mo naging anak to?" Inakbayan naman ni Joshua si Noah

"Nalasing ang daddy mo nakalimutan may asawa at maraming anak na"  sabi ni Mrs.Hoffman

"Sorry Abby. Sorry mga anak. Pero masaya ako kasi tangap niyo si Noah sa pamilya natin" Niyakap naman ni Mr.Hoffman si Mrs.Hoffman

Si Mich at Ram lang ang hindi natangap ang bagong kapatid ng mga ito. Marahil masyado pang bata ang mga ito para maunawaan ang mga nangyayari.

Ang tunay na pangyayari ay muntik ng mapikot noon si Mr.Jerome Hoffman may gusto pala dito ang isa sa mga empleyado nito sa kumpanya. Nilagyan ng droga ng babae ang iniinom ni Mr.Hoffman ang buong akala nito ay lasing na lasing lang ito ngunit may halo palang droga ang ininom nito at dahil doon sinamantala ng babae ang kahinaan nito. Hindi na nila iyon gustong sabihin dahil masasaktan lang si Noah kapag nalaman nitong ganoon ang ginawa ng desperadang nanay nito.
 




Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon