Chapter 26

4.8K 219 25
                                    

Chapter 26

"Bitiwan mo nga ako. Hindi ako magpapahatid sayo--"

Inalis niya ang kamay ni Kenjie na nakahawak sa kanyang braso. Sakto naman may taxi na paparating at pinara niya iyon

"Ihahatid kita!" Matapang naman na sagot ni Kenjie sakanya at muli nitong hinawakan ang braso niya

"Anu ba! Ano bang problema mo Kenjie? Wala kang karapatan pigilan ako dahil ikaw na mismo ang pumutol ng relasyon natin noon"

Wala itong nasabi sa kanyang sinabi kaya sinamantala niya iyon para sumakay siya sa loob ng taxi. Sinaraduhan niya ng pinto si Kenjie.

"Casandra!" Pilit pang binubuksan ni Kenjie ang pinto ng taxi.

"Manong sa mega mall po bilis manong"

"Okay po ma'am." Agad naman pina-andar ng driver ang taxi nito.

Panigurado nagagalit si Kenjie ngayon. Hindi niya ito maintindihan bakit naman siya nito pagbabawalan? imposible namang nagseselos ito? O baka naman ayaw lang nitong sumaya siya dahil sa sobrang galit parin nito sakanya?

Napabuntong hininga nalang siya.

Ilang minuto lang ng dumating na siya sa mega mall. Nagbayad siya ng extra sa driver dahil mabait ito. Tuwang tuwa naman ito sa tip niya.

Pagdating niya sa mega mall dumiretso na agad siya sa restaurant kung saan sila mag lulunch ng kanyang ka-blind date

Magandang restaurant iyon at kaunti lang ang kumakain.

"Hello ma'am mister Pier Buena is waiting for you at table number seven" Nakangiting bati sakanya ng staff doon

"O-Okay thanks"

Ginabayan pa siya ng babaeng staff papunta sa table number seven. Tumayo agad ang isang gwapong lalake ng makita siya nitong papalapit.

Kahit papano natuwa siya dahil gwapo ito at mukhang ka-level nito si Kenjie sa pormahan nito.

Kaya naman pala excited na excited si Heidi ipakilala sakanya ang lalakeng ito dahil napakagwapo rin nito. Lamang lang talaga ng kaunti si Kenjie dahil kakaiba talaga ang karisma ng mokong na iyon.

Iniwan na siya ng babaeng staff ng makarating sila sa table number seven. Ngumiti agad siya kay Pier

"H-Hi" Natatamemeng pag bati sakanya ni Pier

"Hello" Nahihiya tuloy siya dahil nakipag beso beso agad ito sakanya. Mabuti nalang at nag pabango siya. Makinis ang pisngi nito na dumampi sa kanyang magkabilang pisngi.

"Maganda ka na sa picture pero mas maganda ka pala sa personal" Pag puri agad sakanya nito.

"Bolero ka pala" Nakangiting sagot niya

Matagal tagal na rin simula ng mapangiti siya ng ganito. Matagal na rin kasi simula ng may nagsabi sakanyang maganda siya

Well bigla niya tuloy naalala si Kenjie noong sinabihan siya nitong maganda siya

"Napakaganda mo..." Sambit ni Kenjie bago siya nito halikan ng napakasarap---

She shook her head. Ano ba naman tong nangyayari sakanya? Bakit niya ba iniisip ang mokong na iyon sa gitna ng date niya?!

"Have a sit" Inalalayan pa siya nitong makaupo

"T-Thanks"

"What do you want to eat Casandra?"

"Ikaw na ang bahala. First time ko dito sa restaurant na to eh"

"Are you sure?"

Tumango siya

"Sige ipapatikim ko sayo yung paborito ko dito"

Ngumiti siya dahil mukhang mabait ito. Maganda rin ang mga ngipin nito kaya kahit papano ay pasado ito sa kanyang taste. Panahon na rin siguro talaga para ibaling niya sa ibang lalake ang kanyang puso dahil bugbog sarado na ang puso niya kay Kenjie.

Tinawag nito ang waiter. Nag-order ito ng mga pagkain para sakanilang dalawa.

"Heidi already told me some stuffs about you"

"Alam ko. Madaldal yun eh"

Nagkangitian silang dalawa ni Pier.

"Matagal ko ng gustong makilala ka. Finally nag karoon ka rin ng oras para sakin"

"Sorry buntis pa kasi ako kaya ayoko munang makipagkilala kahit kanino noon"

"I understand. Kamusta pala yung baby mo?"

"Ayos naman siya. Kasama niya yung mga mame ko sa bahay ngayon kaya nakagala ako"

Ngumiti si Pier. "I see. Thanks sa mga mommy mo"

"Sa tingin ko kinuwento na rin sayo ni Heidi ang tungkol sa mga nagpalaki sakin?"

Tumawa naman si Pier dahil naikwento na nga talaga ni Heidi dito ang lahat

"Nakakatuwa nga eh maganda yung family mo masaya kayo palagi sabi ni Heidi"

Ngumiti siya

"Ang ganda mo lalo pag ngumingiti ka." Bola pa nito sakanya

"Talaga ba? Binobola mo lang ako eh"

Naging maayos ang kanilang first date. Maayos kausap si Pier at nag enjoy rin siya sa kanilang pinanuod sa sine.  

Hinatid siya nito sa kanilang bahay.

"Uhmm may second date pa ba tayo Casandra?" Tanong ni Pier sakanya bago siya bumababa ng kotse nito

"Oo naman pero ischedule ko muna kasi nahihiya ako sa mga mame ko kung babantayan nila si baby palagi para lang mag date ako"

Ngumiti si Pier "Gusto mo isama natin si baby? Para palagi kitang makasama"

"Hindi pa pwedeng ilabas si baby eh. Masyado pa siyang baby"

"I understand. I will wait for your call"

"Don't worry Pier nag enjoy ako sa date natin ngayon"

"Uhmm. Tayo na ba?"

Napalunok siya sa tanong nito

"D-Dahan dahanin lang natin Pier. Kung ayos lang sayo. Ayoko rin kasing pumasok agad sa relasyon basta basta. Kilalanin muna natin ang isat-isa"

"Sure. Slowly but surely"

Sabay silang napangiti.
 
"Sige mauna nako. Salamat sa date natin--"

"Can i kiss you?"

"Ha?"

"Kahit sa pisngi lang. Uhm just good night kiss"

Huminga siya ng malalim. Wala naman sigurong masama kung hahalikan siya nito

"S-Sige" Pumikit siya na ibig sabihin ay hinihintay nalang niya itong halikan siya

Unti unti naman nilapit ni Pier ang mukha nito palapit sakanya

Ngunit ng halos isang dangkal nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha isang malakas na pagkatok sa bintana ng kotse nito ang nagpatigil sa kanilang kamuntikang paghahalikan

Sabay silang nagulat dahil galit na galit ang pagkatok ni Kenjie sa bintana ng kotse ni Pier

"What the hell?" Nakakunot nuong tanong ni Pier ng makita nito si Kenjie na halos sirain ang kotse nito

"A-Ako ng bahala sakanya Pier. Huwag kana lumabas dahil nambabasag ng mukha yang loko na yan"

Napalunok naman si Pier at mukhang natakot sa sinabi niya.

Bumaba siya sa kotse ni Pier at agad niyang sinarado ang pinto.

"Kenji ano bang problema mo?!" Galit niyang tanong kay Kenjie pagbaba niya ng kotse ni Pier

Pinaharurot naman palayo ni Pier ang kotse nito

"Duwag pala eh." Parang inis na inis ito

"Ano bang problema mo?!"

Hinawakan ni Kenjie ang braso niya
 
"Hahayaan mo talagang halikan ka ng lalakeng yun? Kakakilala niyo palang! Ang tagal mong nakipag date para kang walang anak!"

Tinulak niya si Kenjie dahil sumosobra na ito.

"Ano bang problema mo Kenjie?! Ano namang paki-alam mo kung makipaghalikan ako---"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil hinapit na ni Kenjie ang kanyang bewang at agad nitong siniil ng halik ang kanyang labi

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa ginawa ni Kenjie. Mapag-parusa ang paraan ng paghalik nito at halos nakakagat na nito ang kanyang labi

"K-Kenjie ano ba!" Tinulak niya si Kenjie ngunit muli lang siya nitong hinalikan sa kanyang labi

Ngunit sa pagkakataong ito naging marahan na ang paghalik nito sakanya at mas malalim.

Dahil sa sobrang pagmamahal parin niya kay Kenjie ay napatugon siya unti unti sa halik nito.

Napaungol pa ito ng tugunin niya ang paghalik nito. Mas lumalim ang kanilang paghahalikan at mas humigpit ang pagyakap nito sakanya

Hingal na hingal sila pareho ng matapos ang kanilang paghahalikan

"Ako lang ang pwedeng humalik sayo"

Muli nanaman siyang hinalikan ni Kenjie na tila ba sabik na sabik itong halikan siya. Bumaba pa ang mga halik nito sa kanyang leeg kaya naman napaungol siya

"Uhmm Casandra.."

"K-kenjie..." Napapaungol niyang sagot sa pag ungol ni Kenjie

Muling bumalik sa kanyang mga labi ang mapang-angkin at mapusok nitong halik. Napakasarap talaga nitong humalik dahil palagi iyong may pang gigigil at pananabik.

"Uhmm" Ungol niya dahil mas sumasarap pa ang paghahalikan nila

"Mga anak baka magkaroon na kayo ng scandal bukas dito pa talaga kayo sa kalye naglampungan"

Naputol ang paghahalikan nila dahil sa boses ni Mame dora na nasa gilid na pala nilang dalawa. Para tuloy silang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagsulpot nito.

Nawala kasi sila sa kanilang tamang pag iisip at nakalimutan nilang nasa gitna sila ng kalsada naghahalikan

Nakakawala kasi ng ulirat ang paghalik ni Kenjie sakanya

Marahan niyang itinulak si Kenjie dahil hiyang hiya siya sa paghahalikan nilang dalawa. Mabilis siyang pumasok sa loob ng salon nila.

Sinundan siya ni mame dora

"Anak kayo na ulit?"

napalunok siya

"H-Hindi ko rin alam mame. B-Bigla nalang siyang nanghalik eh"

"Baka nagselos anak. Simula ng umalis ka sinundan ka niyan pero nawala ata yung taxi mo at di na niya nahanap kung nasaan ka. Narinig ko tinawagan pa si Heidi para alamin kung nasaan ka. Kanina pa nga yan nakabantay jan sa labas eh"

Napalunok siya. Ibig bang sabihin may feelings parin ang mokong na to sakanya?

Pumasok rin si Kenjie sa loob ng salon. Bakit parang masaya na ang mokong?

"I'm going home. Hahalik lang ako kay Kendra"

Pinaringan ba siya nito sa salitang halik? Parang napapangiti kasi ito ng pilyong ngiti. Dumaan ito sa harap niya at tumingin pa ito ng pa-fall na tingin sakanya habang naglalakad ito pa-akyat sa bahay nila. 

Tinukso naman siya ni mame dora ng mapang asar nitong ngiti at sinundot pa nito ang bewang niya. Mas kinikilig pa ito kaysa sakanya.

"Ayieee parang may naaamoy akong pagbabalikan" Bulong ni mame dora sakanya

"Shhh mame baka marinig ka"  Pero aaminin niya namiss niya ng husto ang napakasarap nitong halik. Halatang bitin na bitin rin ito sa naging paghahalikan nilang dalawa.





Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon