Chapter 2

5K 232 12
                                    

Chapter 2

Kahit may hair cap pa sa ulo ni Cassy ay dali-dali siyang lumabas ng salon nila.

Paano ba naman kasi dinumog na ng mga kapit bahay nila ang kotse ni Kenjie Hoffman.

"Padaan ho!"

Nakipagsiksikan pa siya sa mga usesero at useserang nakapalibot sa itim na kotse ni Kenjie Hoffman. Ang iba sa mga ito ay mga teen agers na babae at may pagtili tili pang nalalaman.

"Padaan ho. Ako ho yung jowa please padaanin niyo ako anu bey.." Hinila na niya ang damit ng isang matabang babaeng nakaharang sa pinto ng kotse ni Kenjie Hoffman

"Casandra totoo nga ang balita! Anak ng putsa. Sa itsura mong yan? Aba! Nakadale ka ng mayaman!" Sabi pa ng isang kapitbahay nila

Sinimangutan niya lang ito at nilagpasan. Marami pang kung ano anong sinasabi ng mga kapitbahay nila ngunit hindi na iyon mahalaga para sakanya.

"Bakla ang gwapo ng jowa mo!" Pabiro siyang sinabunutan ng isang kapitbahay nilang bakla na kaibigan rin niya. Natangal tuloy ang hair cap na suot niya

Ngumiti siya dahil nagtinginan ang mga kapitbahay niya sakanya

"Kaya padaanin niyo ako hinihintay nako ng jowa-erz ko!" Proud niya pang sabi sa mga ito

"Feel na feel di naman siya maganda ang baho pa ng ulo" Bulungan ng dalawang babae sa gilid naamoy kasi ng mga ito ang chemical na gamot sa kanyang buhok.

"Tse." Inismiran niya pa ang mga ito bago siya tuluyan nakalapit sa pinto ng kotse ni Kenjie Hoffman

Tinted ang salamin ng kotse ni Kenjie kaya hindi niya ito nakikita. Ngunit sigurado siyang nakikita sila nito.

Kinatok niya ang bintana ng kotse nito.

"Jowa it's me" Pilya niyang sabi habang kinakatok niya ang bintana

Maya maya pa narinig niyang nagbukas ang pagkakalock ng pinto. Nagmadali agad siyang pumasok sa loob ng kotse ni Kenjie bago pa man makasilip doon ang mga kapitbahay niyang mga chismoso at chismosa.

"Eww what's that smell!" Maarteng puna agad ng isang babae sa likod ng kotse ni Kenjie. Tila nasusuka pa ito ng maamoy nito ang gamot sa ulo niya.

Gamot iyon pang rebond at may sunog pa siyang buhok ng kaunti kaya naman talagang mangangamoy iyon sa loob ng kotse ni Kenjie dahil airconditioned ang loob.

Nagtaka siya kung sino ang napakagandang babaeng ito na naka-bra at panty nalang ata dahil sa iksi ng suot nitong damit

Napalunok siya ng makitang katabi ito ni Kenjie sa likod ng kotse nito habang ang isang kamay pa ni Kenjie ay nakapasok mismo sa loob ng maiksing palda ng babae

Nanlaki ang kanyang mata. Napatingin naman ito sakanya at napansin nito ang kanyang reaksyon

"What?" Maangas na tanong nito sakanya dahil nakatingin siya sa kamay nito na ginagalaw galaw nito.

Muli siya napalunok

"My Gosh Kenjie sino ba kasi yang babaeng yan! Ang baho niya super!" Maarte pa ulit na reklamo ng babae

"mag-drive kana mang-Nestor" Utos nito sa lolong driver nito. Agad naman iyon sinunod ng matandang driver. Binusinahan pa nito ang mga kapitbahay nilang nagkakagulo parin sa labas upang magsitabi ang mga ito.

Nata-meme ata siya dahil sa kanyang nakita. Akala pa naman niya si Kenjie lang ang naghihintay sakanya sa loob ng kotse ngunit may kasama pala itong ibang babae!

Higit sa lahat ang malikot nitong kamay ay nasa loob mismo ng palda ng babaeng nakabukaka pa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganitong sitwasyon kaya naman napatulala lang siya sa mga ito.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now