Chapter 12

4.7K 229 26
                                    

Chapter 12

Magkahawak kamay na pumunta si Kenjie at Casandra kung saan naroon nagtitipon tipon ang mga bisita ni Harold.

Pinapalibutan ng mga ito ang isang bonfire dahil lumalamig na ang simoy ng hangin kapag gumagabi.

"Wala na bang L.Q lovebirds?" Panunukso ni Harold sakanilang dalawa ni Kenjie

Napangisi lang si Kenjie sa pang aasar ng bestfriend nito samantalang tipid na ngiti lang ang nakayanan niya. Lahat kasi ng mga bisita ay nakatingin sakanila ni Kenjie lalo na ang ex-wife nito

Nag iwas nalang siya ng tingin kay cassy dahil parang gusto siya nitong sabunutan ng bongang bonga sa mga oras na iyon

Nang makalapit sila sa groupo ay kung ano anong panunukso ang natangap nila mula sa mga kaibigan ni Kenjie. Mukhang pabor ang mga ito sa lovelife nilang dalawa.

Napatingin siya kay Cassy at masama parin ang tingin nito sakanilang dalawa ni Kenjie habang katabi nito ang bagong jowa nito. Napakasexy pala talaga nito dahil naka two piece swimsuit lang ito at hindi na siya lalaban pa. Alam niyang maganda rin ang hubog ng kanyang katawan ngunit mahina ang self confidence niya. Sa katunayan nakasuot lang siya ng simpleng tshirt at maiksing shorts. Hindi na kasi ibinalik ni Kenjie ang swimsuit niya.

Habang nakikipag usap si Kenjie sa mga kaibigan nito ay hindi parin nito binibitiwan ang kanyang kamay.

Dumaan sa kanilang harap si Cassy habang magkahawak kamay rin ang mga ito. Napansin niya ang kissmark sa leeg nito.

Ano bang problema nito? Kung talagang nagseselos ito sakanila ni Kenjie ay bakit pinagpalit pa nito si Kenjie sa lalakeng kahawak kamay nito?

Tinignan niya kung anong reaksyon ni Kenjie. Hindi nito pinansin ang ex wife nito bagkus ay masaya pa itong nakikipag usap sa mga kaibigan nito

Napansin ni Kenjie na nakatingin siya sa mukha nito kaya nagtatanong ang mata nito kung bakit

Umiling lang siya at ngumiti ng tipid

"Jowa why?" Bulong ni Kenjie sakanya

"Waley napopogian lang ako sayo" Biro niya

Ngumiti naman ang loko at halatang nagpagwapo pa lalo sakanya

"Kenjie come here for a second.." Tawag ni Harold kay Kenjie

Lalapit sana si Kenjie habang hawak parin ang kanyang kamay. Ngunit sinenyasan ito ni Harold na ito lang ang gusto nitong makausap sa di kalayuan

"Wait for me.." Hinalikan pa ni Kenjie ang ulo niya bago ito lumakad papunta kay Harold.

Nag usap ang mga ito at patingin tingin pa sakanya ang dalawa. Sa tingin niya tinutukso ni Harold si Kenjie sa mga oras na iyon sakanya at parang kinikilig naman ang loko.

"Kenj, Lots of sexy women are here.. Ano sama ka mamaya?" Tanong ni Harold kay Kenjie

"No bro." Nakangiting tangi ni Kenjie

"Whoa. Whoa. Wait wait. Ano ng nangyari sa side chicks natin? Dati naman kay cassy marami parin side chicks ah?"

Ngumiti lang si Kenjie kaya mas lalo naman natuwa si Harold

"I just don't want her to feel alone here."

"Are you sure? Baka iba na yan?"

Hindi naman sumagot si Kenjie at pabiro pa nitong sinuntok ang braso ni Harold. Matalik na magkaibigan talaga ang dalawang ito.

"Nakakapanibago ka Kenj. Anyway let's start the party mukhang nandito na lahat"

Bumalik na si Kenjie sa kanyang tabi at hinawakan agad nitong muli ang kanyang kamay. Hindi naman nila narinig ang pinag-usapan ng mag best friend.

"Okay guys let's start the party!" Sigaw ni Harold

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon