Chapter 19

4.6K 179 13
                                    

Chapter 19

"Mame kausapin niyo po ako please?"

Nanatiling tahimik ang dalawang mame niya. Simula ng umuwi siya sa kanilang bahay kagabi ay hindi na siya pinapansin ng mga ito.

Hangang ngayong umaga kahit nakapag bukas na ang mga ito ng salon ay hindi parin siya pinapansin o kinakausap ng mga ito.

Halatang nagtatampo ang dalawang mame niya dahil buong araw silang magkasama ni Kenjie kahapon sa lumang bahay.

Hindi nagustuhan ng mga ito ang kanyang ginawa

"Mame dora? Mame dondey?" Nilapitan niya si mame dora at mame dondey ngunit umiwas lang ang mga ito sakanya at parang nagdadabog pa

"Mga mame naman eh. Huwag na kayong magtampo sakin oh?"

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyang Casandra"

Napalunok siya sa tono ng boses ni mame dondey. Seryosong seryoso ito at may halong hinanakit ang boses.

"Mame--"

"Ilang beses ka namin pinagsabihan na mali yan diba? Itigil niyo yan dahil kasalanan sa diyos ang maki-apid sa asawa ng iba! Hindi namin matangap na nagawa mo kaming suwayin--"

"Mame makinig muna kayo sakin. Please?" Putol niya sa lintanya ni Mame dora

"Ginagawa namin ang lahat Casandra para mapabuti ka. Wala kaming ibang hangad sayo kundi ang maging maayos ang buhay mo--"

"Mame! Tama na po sermon. Opo naiintindihan ko kayo pero let me explain po!"

Natahimik naman ang mga ito dahil lumakas na ng konti ang boses niya

"Sinisigawan na tayo ng junakis mo." Mukhang iiyak na si Mame dora at napatalikod pa ito. Kung makapag-emote ito ay para bang nasasaktan talaga ito.

"Mame hindi po sa ganoon. Ganito po kasi yan. Peke ang kasal ni Kenjie at Cassy. Wala pong asawa si Kenjie kaya hindi po ako kabit. Malinaw rin po na hindi pa sila nagkakabalikan."

Napatingin naman agad ang mga ito sakanya

"Paano ang ipinag-bubuntis ng babaeng iyon?"

"Hindi rin po sigurado si Kenjie kung kanya yung bata. Pina-iimbestigahan pa ng kapatid niya"

"Kakapanuod ko lang sa interview sakanya kahapon. Pinagsisigawan niya sa buong mundo na anak ni pogi ang anak niya"

"So meaning hindi sila mag-asawa?"

"Opo mame. At matagal na silang hiwalay. Naghahabol lang po si Cassy dahil buntis po siya. Kung sakali man buntis talaga siya handa naman akong maging nanay ng bata--"

"Gaga!" Sabay na sabay pang sabi ng mga mame niya

"Mame dora mame dondey, Gaga na kung gaga pero ganoon ko po kamahal si Kenjie--"

"Anak wala ka pang alam sa pagmamahal. Iyang nararamdaman mo atraksyon palang iyan lalo na ilang buwan mo palang nakikilala yang si pogi"

"Ang pagmamahal anak hindi yan madalian na katulad sa mga pelikula na nagkabunguan lang eh nagmamahalan na. Anak marahil kayong dalawa ngayon ni Kenjie ay sabik sa isat-isa ngunit di niyo pa masasabing mahal niyo na ang isat-isa kung kaunting panahon palang kayo nagkakakilala"

"Tama ang mame dondey mo anak. Huwag kang magdesisyon agad. Kilalanin mo muna yang si pogi. Malaking responsibilidad ang gagampanan mo kung aakoin mo agad ang magiging anak niya sa ibang babae. Hindi namin iyan pinangarap para sayo anak. Gusto namin ng maayos na buhay para sayo"

Napayuko siya. Ano bang alam ng mga mame niya sa nararamdaman niya? Alam niya sa puso niya na mahal na niya si Kenjie at ipaglalaban niya ito sa buong mundo

"Mga mame please bigyan niyo sana ng chance yung relasyon namin ni Kenjie. Ngayon lang ako sumaya ng ganito"

Nagkatinginan ang dalawang mame niya at sabay pang napabuntong hininga

"Osiya sige anak. Kung iyan talaga ang magpapasaya sayo. Pero sana dahan dahan lang anak huwag kang masyadong magpapadala sa emosyon mo anak napakabata mo pa"

"Opo mame dora.."

"At saka  anak pakisabi naman diyan kay pogi huwag papakin ang leeg mo namumula e"

Napahawak tuloy siya sa leeg niya. Panay kiss mark nga iyon ni Kenjie kaya namumula-mula

"Opo mame" Nakangiwing sagot niya. Nahihiya tuloy siya sa mame niya dahil alam niyang may kutob na ang mga ito sa mga pinag gagagawa nila ni Kenjie

"Hello good morning"

Sabay sabay silang napalingon sa pumasok sa kanilang salon.

Nakangiti itong pumasok doon.

"Julian?"

"Hi Cas.."

Napataas naman ang kilay ng dalawang mame niya.

"Sino naman yang pogi na yan anak?" Tanong ng mame dora niya

"Kaibigan ko po mame." Sagot niya kay mame dora bago siya lumapit kay Julian

"Uy anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya. Nabigla kasi siya sa pag punta nito

"Magpapagupit?"

Nag-unahan naman ang dalawang mame niya sa paglapit kay Julian

"Ay ako ang mag gupit sayo pogi--"

"Anong ikaw? Ako nalang mag gupit kay pogi"

Napangiti si Julian kaya kinilig naman ang dalawang mame niya.

"Kahit sino po"

"Kaming dalawa nalang!"

Pati tuloy siya ay napapangiti.

"Sige po" Magalang na sagot ni Julian habang nakangiti

Inasikaso agad ito ng mga mame niya at inumpisahan ng gupitan ng buhok. Nagustuhan naman nito ang serbisyo ng mga mame niya dahil maganda ang pagkakagupit ng buhok nito. Mas lalo tuloy itong naging pogi

"Nga pala Cas.. May gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Julian habang nagbabayad ito

"Oo.. Bakit?"

"Hmm magpapasama lang sana"

"Saan?"

"Oh em gee birthday mo ngayon?" Biglang sabi ng mame dora niya habang nakatingin sa card na inabot ni Julian. Nagkamali kasi ito ng abot ng card imbis na visa card ang iabot nito at ID nito ang naibigay

Nahihiya itong napangiti

"Happy birthday pogi.." Sabay na pagbati ng mga mame niya

"Thanks po"

Tumingin si Julian sakanya. Napopogian ang mga mame niya dito ngunit para sakanya wala itong dating. Purkit napakagwapo ni Kenjie para tuloy sakanya wala ng iba pang mas gagwapo dito

"Saan mo ulit ako aayain?"

"Huwag na Cas. Mukhang busy ka--"

"Sige sasamahan na kita dahil birthday mo naman eh"

"Talaga?!" Mukhang natuwa ito sa kanyang sinabi kaya ngumiti siya

"Basta ba libre mo ako"

"Oo naman! Ofcourse!" Todo ngiti si Julian

"Osige hintayin mo ako maliligo lang ako"

"Sure. Salamat Cas.."

Naligo na agad siya dahil naaawa siya kay Julian. Mukhang dumayo pa talaga ito upang ayain lang siya sa birthday nito

Ngunit napatingin siya sa kanyang cellphone habang nagbibihis siya. Nakadalawang missed calls na pala sakanya ang pogi niyang nobyo

Sakto naman tumatawag itong muli kaya sinagot niya agad ang tawag nito

"Hello kenj--"

"Hello jowa busy ka?"

"Sorry po. Nag-asikaso lang sa salon."

"Papunta na diyan si mang nestor jowa susunduin ka niya. Miss na miss na kita kanina pa sana kita susunduin--"

"N-Naku kenj pwede mamaya nalang hapon? M-May pupuntahan kasi kami ni--" Bigla siyang napaisip na baka magselos si Kenjie kung sasabihin niyang si Julian ang sasamahan niya

"Ni-Ni-Nila mame dora at mame dondey" Palusot niya

"I thought mag date tayo ngayon? Pero sige jowa i understand. Just call me after para masundo kana ni mang nestor"

"S-Sure jowa!" Hindi niya mapigilan kabahan. Kahit wala naman siyang gagawin masama ay pakiramdam niya mali ang pagsisinungaling niya kay Kenjie

"Okay. I love you so much."

"S-Sige jowa. I love you more"

"Bilisan niyo lang please? Miss na kita e"

Napangiti siya sa paglalambing ni Kenjie sakanya

"Ako rin miss na miss na kita. Opo mabilis lang po tatawagan agad kita"

"Okay. Take care. I love you"

"I love you too"

Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil ang bilis ng tibok ng kanyang puso

Pagbibigyan niya lang si Julian ngayon dahil birthday nito. Hinding hindi na niya ito uulitin dahil baka magselos pa si Kenjie.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon