Chapter 23

4.6K 234 28
                                    

Chapter 23

Hawak hawak ni Casandra ang isang boquet ng red roses habang nakasakay siya sa elevator ng opisina ni Kenjie Hoffman.

Isang linggo simula ng magkita sila sa isla ng palawan ay nagpalakas muna siya ng katawan bago niya ito puntahan. Masaya siya sa ibinabalita ni Selena sakanya na bumalik na si Kenjie sa dating buhay nito at pinamamahalaan na nitong muli ang business nito.

Hinaplos niya ang kanyang tiyan para bigyan siya ng swerte ng kanyang anak. Sana ay masuyo na niya ang supladong puso ni Kenjie

Masaya siya dahil madali siyang nakapasok sa building ng opisina nito. Ang receptionist kasi na nag asikaso sakanya ay ang dating receptionist na nakilala niya rin dito sa opisina ni Kenjie.

Nagpaganda talaga siya ngayong araw na ito dahil gusto niyang manumbalik ang atraksyon sakanya ni Kenjie kahit malaking malaki na ang kanyang tiyan

Pag bukas ng elevator nakita niya agad si Kenjie sa loob ng opisina nito.

Nakayuko ito at halatang busy sa mga papel na nasa table nito.

Napalunok siya ng makita ang dating Kenjie na nakilala niya. Nagpagupit na ito ng buhok at nag shave narin ng bigote at balbas. Bumalik muli ang dati nitong itsura. Para bang maiiyak na agad siya dahil miss na miss niya ito .

Muntik pa siyang maipit sa pinto ng elevator dahil nakatulala lamang siya kay Kenjie

Napatalon tuloy siya palabas ng elevator.

Napa-angat naman ang tingin ni Kenjie sakanya at nakita nito ang muntikan na niyang pagkaipit sa pinto ng elevator

Ngumiti agad siya kahit kahihiyan na agad ang naging bungad niya.

Kumunot lanh ang nuo nito ngunit nakatingin ito sakanya habang papalapit siya sa opisina nito.

Muntik nanaman siyang mauntog sa salamin na pintuan ng opisina nito. Mukha kasing walang pinto doon dahil sobrang transparent ng mga salamin

Dahan dahan nalang niyang binuksan ang pinto.

"H-Hi K-Kenjie" Kinakabahang bati niya

"What are you doing here?" Tanong nito sa pormal na tono ng boses nito. Hindi naman nakakunot ang nuo nito ngunit masyado itong pormal at tila ibang tao na ang tingin nito sakanya

"N-Nagdala ako ng bulaklak para sayo--"

"I'm not a girl" Putol nito sa pagsasalita niya. Ngunit tumayo ito upang kuhain ang isang boquet ng bulaklak na hawak niya

Napalunok tuloy siya

"Hindi ka dapat nagbubuhat ng ganito kabigat" Sabi nito ng ilapag nito ang bulaklak sa desk nito.

"K-Keri lang naman. Magaan naman"

Seryoso parin ang napakagwapong mukha nito bago ito muling bumalik sa kina-uupuan nito

"I'm busy right now. My meeting will start in 5 minutes" Sabi nito habang nakayuko sa mga papel na nasa harapan nito. Panay folder iyo at pinipirmahan nito ang iba sa mga iyon.

Napalunok siya. Ibig sabihin may limang minuto lamang siya upang magpaliwanag?

"G-Gusto ko lang sana magpaliwanag sayo about sa nakaraan--"

"Past is past" Muling putol nito sa sinasabi niya

Napalunok tuloy siyang muli
 
"P-Pero gusto ko pa rin sana magpaliwanag--"

"Sir Kenjie the meeting will start now" Sabay silang napatingin sa isang matandang lalakeng pumasok sa loob ng private office ni Kenjie

Tumayo agad si Kenjie at pinagpag pa nito ang coat nitong suot suot

"Alright. I'll be there"

Lumabas agad ang matandang lalake na nakasuot din ng executive suit.

"Thanks for coming Casandra but i'm really busy." Seryoso nitong pagtataboy sakanya bago nito binuksan ang pinto
 
Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit natatameme siya sa harapan ni Kenjie. Anim na buwan niya itong pinaghandaan kausapin at heto siya ngayon hindi makahanap ng salitang sasabihin sa harapan nito

"P-Pwede ba kitang hintayin? M-Maghihintay ako sayo--"

"Nope. I don't have time to talk to you. Kung tungkol sa anak natin yung pinunta mo dito. Don't worry i got you covered. That baby will have 50 million pesos kapag napatunayan kong sakin ang bata"

Nasaktan siya sa sinabi ni Kenjie at mukhang napansin naman nito iyon dahil namula agad ang kanyang mga mata at nagbabadyang pumatak na agad ang kanyang luha

"Damn" mahinang mura nito sa sarili nito.

"H-Hindi naman iyon ang pinunta ko dito. G-Gusto ko lang sana ayusin yung relasyon natin"

Seryoso itong nakatingin sakanya.

"What do you expect Casandra? Look, I'm trying to be nice to you dahil hindi ka pwedeng ma-stress. Kaya sana tigilan mo nalang lumapit sakin"

"B-Bakit di ka lumaban para sa relasyon natin kahit konti lang?" Lumapit siya kay Kenjie hangang sa isang hakbang nalang ang layo nito sakanya

Mukhang tinamaan naman ito sa kanyang sinabi dahil napalunok ito

"B-Bakit napakadali sayong sumuko at iwan ako?" Tanong parin niya

Doon na tumulo ng tuluyan ang kanyang luha

"I don't want to talk about us anymore--"

Naputol ang pagsasalita ni Kenjie ng tumingkayad siya at halikan ito sa mga labi nito. Napapikit siya habang umiiyak siya. Hawak niya ang magkabilang pisngi ni Kenjie

Hindi naman ito umangal o gumalaw habang nakalapat ang kanyang labi sa labi nito.

Ramdam niya ang mainit nitong labi ngunit hindi na ito ang labi na mapusok kung humalik katulad noon dahil ngayon para na iyong walang pakiramdam na nakadampi lamang sa kanyang labi. Walang kabuhay buhay ang halik na iyon.

Ngunit para kay Casandra buong pagmamahal niya itong hinalikan. Sana sa pamamagitan ng kanyang halik at muling tumibok ang naging bato nitong puso.

Dahan dahan siyang humiwalay kay Kenjie. Hindi niya alam kung anong reaksyon nito dahil seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sakanya

"Sir the meeting is about to start" Singit ng matandang lalakeng naghihintay kay Kenjie sa harap ng elevator

Huminga ng malalim si Kenjie at tumalikod na sakanya. Wala itong sinabi na kahit ano kaya naman parang nadurog nanaman ang kanyang puso.

Wala na ba talaga?

Wala na ba talaga siyang pwesto sa puso nito?

Hinaplos niya agad ang kanyang tiyan dahil baka maapektuhan nanaman ito. Huminga rin siya ng malalim upang pigilan niya ang kanyang sarili na mapahagulgol

Ito na siguro yung oras na kailangan na niyang bitawan si Kenjie---

"Coffee shop after 30 minutes"

Naputol ang pag iisip niya ng magsalita si Kenjie bago ito sumakay sa elevator. Seryoso parin at pormal ang gwapong mukha nito.

Tumango lang siya at parang nabuhayan siya ng loob.

"Hindi ka ba sasabay pababa?" Pukaw sakanya ni Kenjie dahil hindi parin siya kumilos sa kanyang kinatatayuan

Naiiyak namaman tuloy siya ngunit yung pag iyak niya ngayon ay parang nagkakaroon pa siya ng pag asang manumbalik ang pagmamahal nito sakanya.

Agad siyang sumunod pasakay sa elevator. Tumabi pa siya kay Kenjie habang umiiyak siya. Hindi niya kasi mapigilan umiyak

Napapatingin lamang ang matanda sakanila ni Kenjie samantalang seryoso parin ito at tahimik lamang

Ngunit parang nabuhayan lalo siya ng loob ng haplusin ni Kenjie ang likod niya. Para bang pinapatahan siya nito sa kanyang pag iyak

Tumingin siya kay Kenjie at hindi naman ito makatingin sakanya. Seryoso parin ang mukha nito habang hinahagod ang likod niya upang tumigil na siya sa pag iyak

Lalo naman tuloy siyang napaiyak. Sa totoo lang gusto niya itong yakapin ngunit nahihiya na siya. Kanina nga hinalikan niya ito ay para itong bato na walang pakiramdam.

Napatingin naman siya sa matandang lalake dahil inabutan siya nito ng tissue na pang solo pack. Hindi pa gamit iyon.

"S-Salamat po" Tinangap niya ang tissue at pinunasan niya ang kanyang luha

Kahit papano nakaramdam siya ng pag asa dahil sa munting pag haplos ni Kenjie sa kanyang likuran. Ibig sabihin mayroon parin ito kahit konting pag aalala sakanya.

Nang makarating na sila sa floor kung saan ito bababa muli itong nagsalita

"Hintayin mo ko sa coffee shop. I'll be there after 30 minutes" Iyon lang ang sinabi nito bago ito lumabas ng elevator

Napaiyak siyang muli sa loob ng elevator. Hindi niya kasi mapigilan mapaiyak. Sana ay bigyan siya ni Kenjie ng pagkakataon na magkabalikan silang muli.

Nakita niya ang coffee shop sa mismong building ng opisina ni Kenjie. Iyon siguro ang tinutukoy ni Kenjie na coffee shop.

Naupo muna siya sa isa sa mga tables doon. Pinili niya iyon malapit lamang sa pinto upang matanaw siya agad ni Kenjie kapag pumasok ito doon

Tinext niya agad si Selena at Heidi sa mga naging kaganapan sakanila ni Kenjie. Nangako kasi siya na babalitaan niya ang mga ito. Nag aalala kasi ang mga ito sakanya dahil baka duguin nanaman siya

Napapatingin sakanya ang ibang tao sa coffee shop lalo na ang mga staff ng coffee shop marahil ang iba sa mga ito ay nakikilala parin siya. Ikaw ba naman ang maging nobya ng pinakasikat na Hoffman. Lalo na't naging kontrobersyal pa ang love story nilang dalawa ni Kenjie.

Wala pang kinse minuto ng pumasok doon si Kenjie at nakita agad siya nitong naghihintay

"K-Kenjie" Ngumiti agad siya kahit namamaga parin ang kanyang mga mata. Masaya siya dahil pag bibigyan siya nitong makausap

Tumingin ito sa ice coffee na hindi pa niya naiinom dahil kaka-order palang niya ng ice coffee niya

Umupo ito sa katapat niyang upuan at kinuha nito ang ice coffee niya

"Coffee is bad for pregnant women" Ito na rin ang uminom ng kanyang iced coffee pagkatapos nitong sabihin iyon sakanya

"A-Ah ganon ba?"
Natatameme parin siya dahil hindi niya alam kung anong gusto niyang sabihin kay Kenjie

"Talk"
 
Napalunok siya dahil tumingin ito sa orasan nito.

"I only have ten minutes for you." Duktong pa nito

Huminga siya ng malalim

"S-Sorry kung nagsinungaling ako sayo dati" Panimula niya. Samantalang ito naman ay nakikinig lang sakanya habang umiinom ito ng iced coffee

"Sorry kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayong sasamahan ko si Julian dahil birthday niya.
Alam kong magseselos ka kaya nag-aliby lang ako sayo. Pero bilang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Julian. Bumalik lang siya sa hotel dahil naiwan niya daw yung wallet niya. Nagpasama siya sakin dahil ako nag bayad ng kinain namin para mabalik niya daw agad ang binayad ko. Pero wala talagang nangyari samin at wala rin akong balak lokohin ka"

"You're done?" Naiinip nitong tanong

Napalunok siya dahil parang balewala dito ang kanyang pagpapaliwanag

Napayuko nalang tuloy siya at tumango. Sa tingin niya hindi naman ito naniniwala sa paliwanag niya.

"Fine let's be friends. Kahit para lang sa anak natin"

Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito.

"F-Friends na lang ba talaga Kenjie--"

"Yeah" Seryosong sagot nito

Napalunok siya dahil parang may nakabara nanaman sa kanyang lalamunan. Para na rin nitong sinabi na maging magkaibigan lang sila dahil hindi na siya nito gusto

"M-May girlfriend kana ba?"

"None of your business Casandra."

Napayuko siya.

"P-Pasensya na"

"Kung hindi ako galit sayo ngayon ibig sabihin wala akong naramdamang pagmamahal sayo. I gotta go. Thanks for the coffee"

Tumayo na si Kenjie at iniwan siya sa coffee shop bitbit pa nito ang iced coffee niya

Anong ibig nitong sabihin sa huling sinabi nito?! Umasa nanaman tuloy ang puso niya.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now