Chapter 22

4.3K 207 4
                                    

Chapter 22

"Dahan dahan sis.." Inalalayan siya ni Selena pababa sa speed boat na nagdala sakanila sa pinakatagong isla ng Palawan.

Nakakaramdam siya ng pagod at pagkahapo ng hininga ngunit hindi niya iyon alintana. Gustong gusto na niyang makita si Kenjie. Marami siyang gustong sabihin kay Kenjie at nangungulila na talaga siya sa pagmamahal nito

"Careful sis. Madulas ang daan" Pag-aalala ni Selena sakanya. Naging kaibigan na niya ito simula ng tulungan siya nitong hanapin si Kenjie six months ago. Ito ang naging sandalan niya sa mga panahon na kailangan niya ng kakapitang pag asa

"Thank you sis.."

Inaalalayan siya nito kasama ang personal assistant nitong si Paula.

"Oo nga po miss Casandra mag iingat po kayo dahil magiging bingot ang anak niyo pag nadulas kayo" Sabi ni paula sakanya

Kaya naman nagdoble ingat siya sa pagbaba ng speed boat.

Mag aanim na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. Malaki na rin ang kanyang tiyan at siguradong matutuwa si Kenjie kapag nalaman nitong magkakaroon na sila ng anak.

Sabay sabay silang lumakad papunta sa liblib na bahay sa bandang dulo ng isla. Malayo layo rin ang kanilang nilakad ngunit palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso

Kamusta na kaya si Kenjie? Galit parin ba ito sakanya? Sana ay pag bigyan siya nito na magkabalikan silang muli.

Extra careful naman sakanya si Selena habang lumalakad sila kahit nararamdaman niyang naasiwa ito sa putik na tinatapakan nila.

Napatigil sila sa paglalakad ng makasalubong nila ang lalakeng dahilan kung bakit sila naroon ngayon.

Mukhang inaabangan na sila nito dahil nakatingin ito ng deretso sakanya. Kunot ang nuo nito na para bang siya ang pinakamasamang taong nakilala nito

"What are you doing here?"

"K-Kenjie"

Malaki ang ipinagbago ng itsura nito. Humaba na ang buhok nito at napakasimple lamang ng suot suot nitong damit. Stress na stress din ang itsura nito ngayon kahit nag uumapaw parin ang kagwapuhan nito. Mayroon na rin itong bigote at kaunting balbas.

"H-Hello Kenjie sinamahan lang namin si Casandra para makausap ka-"

"Umalis na kayo" Galit nitong pagtaboy sakanila

Napansin niyang napatingin ito sa kanyang nakaumbok na tiyan. Mas lalong kumunot ang nuo nito

"Kenjie p-pwede ba tayong mag usap?" Nanginginig na tanong niya kay Kenjie

"Wala tayong pag uusapan. Umuwi na kayo" Tumalikod na si Kenjie at lumakad ito palayo sakanila

Ngunit nakaka-ilang hakbang palang ito ng sumigaw siya

"Mag-kakaanak na tayo Kenjie!" Sigaw niya kaya napatigil ito sa paglalakad

Galit itong lumingon sakanya

"Do you think maniniwala pa ako sayo?"

"P-Pakingan mo muna sana ako Kenjie. Anak natin tong pinag-bubuntis ko"

Kahit malayo ito sakanila ay kitang kita niya ang kalungkutan sa gwapo nitong mukha. Nawala na ang masayahin at pilyo nitong mga ngiti na noon ay taglay nito.

"Hindi lang pala kayo pareho ng pangalan ni Cassy tss! pareho rin kayong manloloko. Wala na ba kayong maisip na bagong modus para lokohin ako?"

Tagos sa kanyang puso ang mga salitang binitawan ni Kenjie. Gusto niyang tumakbo palapit dito at yakapin ito ng mahigpit. Ramdam niya ang galit at hinanakit nito sa mga salitang sinabi nito sakanya.

Hindi niya ito masisisi kung hindi ito maniniwala sakanya. Labis na kalungkutan rin ang kanyang nararamdaman ngayon at hindi na niya mapagilan unti unting mapahagulgol sa iyak lalo na ng tumalikod itong muli.

"Umalis na kayo. I'm not stupid Kenjie anymore" Sabi nito bago ito tumalikod at lumakad palayo sakanya

"Kenjie.. Hindi kita niloloko--Aww" Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil bigla iyong sumakit. Marahil sa matinding emosyong nararamdaman niya ngayon

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon