Chapter 30

5.5K 223 57
                                    

Chapter 30

"Ay bonga! Sasama kami diyan!"

Lalong napalapad ang ngiti ni Kenjie ng tumili ang mame dora niya. Tuwang tuwa kasi ito sa ibinigay ni Kenjie ang mga passport nilang may tatak na ng canada visa!

Nagtatatalon pa sa tuwa ang dalawang mame niya. Pati na rin ang katulong ng anak niya na kasalukuyan nitong karga karga.

Tila tuwang tuwa rin si Kenjie sa reaksyon ng mga mame niya.

Napakunot naman ang nuo niya sa biglaan nitong pagsama sakanila sa Canada. Birthday daw kasi ng tatay nito at gustong makasama sila ni Kendra sa espesyal na araw nito.

Hindi pa naman siya nakakarating sa malayong lugar katulad ng Canada kaya naman hindi niya maiwasan ang mag alala para sa anak nila.

"H-Hindi mo muna ako tinanong kung gusto kong sumama? Napakabata pa ni Kendra para sumakay ng eroplano--"

"Pogi huwag mong intindihin tong junakis ko. Takot lang to sa eroplano eh"

Tinakpan agad ng mame dora niya ang kanyang bibig.

"Pero mame--"

"Good. Sa friday na ang flight natin"

"Ha?!" Sabay sabay silang nagulat sa sinabi ni Kenjie. Umiyak tuloy si Kendra dahil pati ito ay nagulat sa mga reaksyon nila

"N-Nababaliw kana ba Kenjie? Friday na bukas!" Kinarga niya si Kendra upang tumigil ito sa pag-iyak

"Oo nga pogi wala pa kaming mga isusuot na damit pang lamig. Bakit naman biglaan?"

"Don't worry."

"Anong don't worry ka diyan--" Mag rereklamo pa sana siya ngunit nagsalita ulit si Kenjie

"Mang nestor paki sabi ipasok na yung mga maleta nila"

Sinunod agad ni mang nestor si Kenjie at anim na lalakeng naka-uniporme ng katulad kay mang nestor ang pumasok sa kanilang beauty salon house na may bitbit na sampung malalakeng maleta. May kanya kanyang pangalan na ang nga maleta na iyon

"Ay taray! Mga bagong gamit itech?!" Sabik na nilapitan agad ni mame dora ang maletang nakapangalan dito

"Opo" Magalang na sagot naman ni Kenjie. Panay ang tingin nito sakanya habang karga niya si Kendra

"Hinanda na po ni Sir Kenjie ang lahat ng kailangan niyo papuntang canada kaya wala na po kayong poproblemahin" Sabi naman ni mang nestor

"Pakiramdam ko nananaginip akech! makakakita na rin ako sa wakas ng snow!" Sobrang tuwa ng mame dondey niya at lumapit rin ito sa maleta nito

Matagal ng pangarap ng mga mame niya ang makapunta sa amerika o kaya naman sa japan o canada.

Napabuntong hininga siya. Ibinigay niya si Kendra sa taga alaga nito bago siya lumapit kay Kenjie.

Pasimple niyang na-amoy ang perfume ng mokong. Napakabango talaga nito kahit kailan.

"Pwede ba tayong mag-usap Kenjie?" Seryosong sabi niya kay Kenjie

"Yeah" Napapangiti naman nitong pagsang-ayon sakanya

"Sumunod ka sakin" Lumabas siya sa kanilang salon ngunit marami palang mga kapit bahay nila ang nakiki-usyoso sa labas ng salon nila. Nakita siguro ng mga ito ang mga kotseng itim na nakaparada sa harap ng salon nila

"Casandra nagkabalikan na kayo?" Pasigaw na tanong ng kapitbahay nila bago nag tilian ang mga ito dahil ngumiti si Kenjie

"Saan ang kotse mo?" Imbis na sagutin niya ang kanilang kapit bahay ay tinanong nalang niya si Kenjie

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now