Chapter 33

4.8K 212 10
                                    

Chapter 33

"Grabe naman ang mga kaganapan doon! Talaga bang may anak pa si Mr.Hoffman sa iba?"

"Shhh ang lakas ng boses mo Heidi." Sita ni Casandra kay Heidi dahil sa naging reaksyon nito sa kanyang ikinuwento

Nasa isang fast food restaurant pa naman sila ngayon at maraming tao ang kumakain roon.

Ikinuwento niya kasi kay Heidi at Selena ang mga nangyari sa Canada.

"Oo teenager pa yung bata eh. Kahawig nga ni Kenjie"

"That's why trending nanaman sa twitter ang mga hoffman." Sabi naman ni Selena habang kumakain ito ng french fries. Habang tumatagal nagiging jologs na rin si Selena dahil kakabarkada nito sakanilang dalawa ni Heidi.

"Pero sis bonga yang balat mo ngayon lalong kuminis sa canada! Sayang naman di mo kami sinama ni Selena para naman nakakita na rin ako ng snow--"

"Bruha one week lang kami sa Canada kaya paanong kuminis ang balat ko ng ganoon kabilis?" Natatawang sagot niya kay Heidi

"Oo nga. I think kaya blooming ka dahil nagkabalikan na kayo ni Kenjie! I'm so happy for you sis" Tuwang tuwa naman na sabi ni Selena binigyan pa nito ng french fries si Heidi.

Noon hindi ito kumakain sa mga fast food pero ngayon kasama na nila ito pag magkakaroon sila ng girls hang outs.

"Kaya nga dilig pechay ka nanaman ano? Kaya blooming ka" Pangtutukso naman sakanya ni Heidi

"Shhh baka may makarinig sayo bruha" Natatawa naman siya sa dalawang kaibigan niya

"Naka-ilang rounds ba kayo doon sa Canada? Malamig pa naman doon"

Lalo siyang natawa sa sinabi ni Heidi.

"Hmm five?"

"Weh?" Sabay pang sabi ng dalawa

Tumawa siya bago sinabi ang totoo

"Two times a day three times at night sa buong week na nandon kami sa Canada di ako tinantanan eh"

Humalakhak naman ang dalawang kaibigan niya.

"Wala talagang kupas yang Kenjie na yan! Mukhang magkakaroon na ng kapatid ang inaanak ko"

"Sarap naman. Si Harold palagi na lang tulog ngayon eh. Kung kailan nag live in kami humina naman siya sa kama. Siguro sa isang linggo dalawang beses nalang kami ngayon"

"Ganyan talaga pag mag live in partner na nakakasanayan niyo na siguro ang isat isa"

"Yeah. Mas gusto pa namin minsan manuod lang ng netflix at magkayakap matulog. Pero gusto ko rin araw arawin niya ulit ako"

Naghalak-hakan silang tatlo sa pinag uusapan nila. Ganito sila mag usap pag silang tatlo at nagsama-sama.

"Pero wait ano yung drama ni fafa Kenjie sa event? Nabasa ko sa news last time" Tanong ni Selena sakanya

"Oo nga nabasa ko rin yun. Parang inakala ni fafa Kenjie na hindi siya anak ng dad niya?"

"Kaloka pala talaga ang mga kaganapan. Bakit naman din kasi naisip ni Kenjie na anak siya sa iba ng mom niya?"

Uminom muna siya ng softdrinks bago niya sinagot ang mga katanungan ng dalawa niyang kaibigan.

"Akala kasi ni Kenjie hindi siya tunay na anak ng dad niya. Narinig niyang nag aaway yung parents niya nung highschool palang siya. Simula nun dinibdib na niya ang mga narinig niya. Kaya pala siya babaero at pasaway kasi may pinagdadaanan siya. Pero nung birthday ng daddy niya nalaman na niya ang totoo. Anak pala talaga siya ni Mr.Hoffman pero dati kasi hindi iyon matangap ng daddy niya pinaghinalaan nito si Mrs.Hoffman. Matagal raw bago naniwala si Mr.Hoffman."

"Diyos ko kalerky nga no? Eh kamukhang kamukha niya nga ang anak niya."

"Kaya nga tapos habang tumatanda si Kenjie nagiging kamukha niya daddy niya. Doon palang siguro narealize ni Mr.Hoffman na anak niya talaga si Kenjie"

Napatingin si Casandra sa pinto ng fast food restaurant. May pumasok doon na isang lalaki na nakasuot ng cap at naka-face mask. Mata palang nito ay kilalang kilala na niya.

Si Kenjie!

Sinusundo na ba siya nito? Hindi talaga makapag hintay ang nobyo niya at mukhang namimis na agad siya nito. Wala pa ngang tatlong oras simula ng magpaalam siya dito na kakain lang sila sa labas nila Heidi at Selena

Ngumiti ang mga mata ni Kenjie ng magtama ang kanilang paningin. Nasa likod ito nila Heidi at Selena kaya di nakita ng mga ito si Kenjie.

Kakaway na sana siya kay Kenjie ngunit may biglang sinabi si Selena. Napahinto rin si Kenjie dahil narinig nito ang sinabi ni Selena.

"Hay naku! Manang mana talaga yan si Kenjie sa dad niya. Kailan niya marerealize yung pagdududa niya sainyo ng kuya Julian ko? Kailan niya pa paniniwalaan na sinet-up lang naman kayo ng Cassy na yon!"

Nagkatinginan sila ni Heidi dahil sa sinabi ni Selena. Agad naman tinakpan ni Selena ang sariling bibig nito at nanlalaki pa ang mata nito

"Anong ibig mong sabihin Selena?"

Napainom agad si Selena ng softdrinks at di na ito makatingin sakanya. Samantalang naging seryoso naman ang mga mata ni Kenjie sa likod nila Selena at Heidi

"W-Wala! N-Na saan ba yung bathroom--"

"Selena nasabi mo na. Nadulas kana eh!" Hinawakan naman ni Heidi si Selena upang hindi ito makaalis sa uupuan nito

"Selena anong ibig mong sabihin na sinet-up lang kami ni Cassy?"

Napalunok ng sunod sunod si Selena

"Ang daldal ko talaga. Pero siguro kailangan mo rin malaman ang katotohanan Casandra. Sorry kung di ko sinasabi sayo ang totoo kasi madadamay ang kuya ko."

Napayuko si Selana at umiyak ito sa kanyang harapan

"Ginawa ko ang lahat para pagbayaran yung kalokohan ng kuya ko. Gusto kong makabawi sayo Cas. Kaya tinulungan kitang mahanap si Kenjie noon  sa palawan kasi nakokonsensya ako kapag hindi kayo magkatuluyan dahil lang sa kuya ko at sa demonyitang babae na yun"

"Ano bang ginawa nila? Hindi ko maintindihan. Akala ko aksidente lang akong nakita ni Kenjie sa hotel"

"Sinundo ni cassy si Kenjie sa lumang bahay kaya nakita ka ni Kenjie. Everything was perfectly planned. Kakuntsaba ni Cassy ang kuya Julian ko. Hindi ka ba nagtaka kung bakit ka inaya kumain sa labas ng kuya Julian ko?"

Umiling siya "A-Akala ko kasi birthday ni Julian. Naawa ako sakanya kaya pinagbigyan ko siya--"

"Hindi niya birthday yun. Plano na nila ni Cassy ang lahat. Pati yung pagpasok niyo sa hotel pinag usapan na nila ng kuya ko iyon. Sobrang sorry Casandra. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang totoo dahil naging magkaibigan na tayo mas naging mahirap sabihin ang totoo. Please forgive me ayokong mawalan ng kaibigan na katulad niyo" Napahagulgol na si Selena. Napapatingin tuloy sakanila ang mga tao.

"Shhh.Selena naiintindihan kita. Nasa tabi naman kita all the way eh. Hindi siguro ako nakasurvive noon kung wala ka sa tabi ko" Hinawakan niya ang kamay ni Selena. Niyakap ni Heidi si Selena upang tumahan ito.

"Atleast now i know what happened" Seryosong sabi naman ni Kenjie sa likod nila Selena

Gulat na gulat si Selena ng magsalita si Kenjie sa likod nito.

"K-Kenjie s-sorry" Takot na takot naman si Selena dahil seryosong seryoso ang mga mata ni Kenjie.

"Thanks for telling the truth. Cassy needs to pay for everything." Lumapit si Kenjie kay Casandra at niyakap ito bago halikan ang ulo ni Casandra

"I'm so sorry Cas. It's my fault hindi ako naniwala sayo. I'm really mad to myself right now. Sa lahat ng may kasalanan yung sarili ko yung gusto kong sapakin ngayon eh. I'm stupid for letting you go. I'm stupid for making you suffer alone. From now on ikaw lang ang papaniwalaan ko. I'm so sorry"

Napaiyak siya sa sinabi ni Kenjie. Marami na pala ang nakakilala sakanila. Panay ang pag picture ng mga ito sakanila ni Kenjie habang yakap siya nito.

"H-Hindi naman natin pareho alam noon Kenjie eh. Kung alam mo yun panigurado di mo naman ako pababayaan. Naiintindihan kita dahil may pinagdadaanan ka rin kaya kulang ang tiwala mo sa mga tao sa paligid mo. Kakatapos ka lang lokohin ng asawa mo noon kaya akala mo ganon din ang ginawa ko sayo. Kaya di ka naniwala sakin kasi lahat ng mahal mo nagsisinungaling sayo. Kahit sino siguro matatakot at lalayo dahil sobrang sakit din ng naramdaman mo. Pinaglaruan tayo ni Cassy. Wala kang kasalanan Kenjie. Wala rin kasalanan si Selena."

"She will pay for this.. I'll make sure she will"

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now