Hello guys. Maraming salamat po sa lahat ng mga nag subs sakin sa youtube 😍 Kahit waley ang vlog namin ng asawa ko ✌️ Pasensya na kayo guys. Sa susunod na vlog ko about hoffmans at mga books ko. Kung may tanong po kayo sasagutin ko sa vlog ko mag comment lang po kayo ng tanong :) For example kung sino ang paborito kong Hoffman? mga ganon guys :)
Chapter 6
"Anak baka mabura na yang mukha mo kakakiskis mo diyan?"
Natawa lamang si Casandra ng sitahin siya ni Mame dondey habang kinikiskis niya sa kanyang mukha ang bulak na may eskinol. Nais niya kasing pumiti ang kanyang balat
"May date ako bukas mame kaya dapat pretty ako"
"Totoo bang jowabells mo na talaga yang si pogi?" Usisa ni mame dondey at umupo pa ito sa tabi niya
"O-Oo nga po mame. Kami na talaga ni jowa" Pagsisinungaling niya. Nais man niyang sabihin ang tungkol sa kontrata nila ngunit pagagalitan lamang siya ng mga mame niya. At higit sa lahat rule number one iyon ng kontrata nila bawa niyang sabihin kahit kanino ang tungkol doon.
Well nasabi na niya kay Heidi bago pa man siya pag bawalan kaya hindi counted ang pagkakamali niya. Nangako naman ang best friend niya na walang makakalam niyon
"O basta huwag ibaba ang panty ha?"
Napahagikgik siya
"Mame naman. Wala pa sa isip namin yan"
Kinurot siya nito ng pabiro
"Gaga"
"Jokz lang po mame. Opo good girl akesh"
"Very good eklaboo good night na matulog kana baka magka-eyebags ka pa bukas" Hinalikan siya ng beso beso ng kanyang mame dondey bago ito lumabas ng kwarto niya
Napatingin siya sa kanyang instagram ng mag message muli si Kenjie doon. Kahapon lamang ay nagulat siya ng i-follow back siya nito sa instagram! Saglit sila nga chat kahapon kaya naman sobrang saya niya
Their convo yesterday
Kenjie Hoffman : Casandra
Her : Buong name talaga? 🤪
Kenjie Hoffman : Sabi mo gusto mong itawag ko sau Casandra?
Her : Ay oo nga pala! Thank for follow back jowa
Kenjie Hoffman : Kung di ko pa hinanap IG mo hindi pa kita makakausap.
Her: Bakit may pag uusapan ba tayo jowa?
Kenjie Hoffman : About our date.
Kinilig siya sa reply nito. Excited na nga siya para sa sabado!
Her : Oo nga pala naforget ko na
Kenjie Hoffman : 😐
Her : Jokez! 😅
Kenjie Hoffman : 🙄🙄🙄
Her : Oo na naalala ko naman ang kontrata natin
Kenjie Hoffman: Isasama ko si Harold sa date natin
Napakunot ang kanyang nuo.
Her : Sino naman si Harold? Sinech itey?
Kenjie Hoffman : My best friend
Her : Bakit natin siya isasama?
Kenjie Hoffman : He is cassy's brother
Matagal bago siya nakapag reply. Nawala kasi ang gana niya sa kanilang date. Muntik na kasi niyang makalimutan na ginagawa lamang nila ito upang pagselosin ang ex-wife nito
Kenjie Hoffman : 🥱🥱🥱 gising ka pa?
Her : Sorry chores lang. Sige sama mo siya
Kenjie Hoffman: Yeah i already told him.
Her : Okay see yah!
Kenjie Hoffman : Susunduin ka namin sa saturday
Her : Okidokey jowa
Kenjie Hoffman : Wear something sexy. Alam ni Harold ang type ko sa babae
Her : 🙄🙄🙄 Wala akong ganech
Kenjie Hoffman : Bumili ka
Her : Try ko
Kenjie Hoffman : But don't show too much skin
Her : Akala ko ba sexy dapat?
Kenjie Hoffman : Basta medyo sexy pwede na un
Her : Alright jowa
Hindi na ito nagreply kahit hinitay niya magdamag ang reply nito
Kaya naman ngayong nag message uli ito sa kanyang cellphone ay nakaramdam agad siya ng pananabik
Tinapon muna niya ang bulak sa basurahan bago niya binuksan ang new message nito sa kanyang instagram
Kenjie Hoffman : We're having a double date tomorrow
Her : Okay sige jowa 😘
Kenjie Hoffman : Selena is my wife's best friend for sure sasabihin niya lahat kay cassy kaya mag ingat tayo
Her : Nakakakaba naman 🥺
Kenjie Hoffman : Don't worry it's just two days
Her: Overnight?!
Kenjie Hoffman : Harold wants romantic yatch date.
Her: Naku di ako papayagan nila mame
Kenjie Hoffman : Anu ka teenager? 😂
Napangiti siya sa reply ni Kenjie.
Her : Osige na nga mag papaalam akech kila mame
Kenjie Hoffman : You're safe with me.
Her : Alam ko naman di mo akech type kaya safe talaga akech sayo 😆
Kenjie Hoffman : Yeah.
Her : Magdadala akech ng extrang damit?
Kenjie Hoffman : Swimsuit too
Her : Jusko kalerky makikita mo bilbil ko 🤣
Kenjie Hoffman : 🤣
Her: Anong oras pala bukas?
Kenjie Hoffman : Around 10am
Her : Okay sige mag ready nakech before 10am
Kenjie : Good
Her : Good night jowa see you tom
Kenjie: Antok kana?
Nanlaki ang mata niya sa tanong ni Kenjie. Akala niya pa naman ayaw na siya nitong kausapin ngunit para bang gusto pa nitong makipag chikahan sakanya
Her : Hindi pa naman
Kenjie : Ako rin
Hindi tuloy siya makapag isip ng isasagot kay kenjie dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin
Kenjie Hoffman is typing...
Hinintay niyang mag chat ito ngunit hindi naman ito nag chat ilang segundo na ang nakalipas. Kaya naisipan nalang niyang lakasan ang kanyang loob para tanungin ito
Her : Kumain kana ba jowa?
Kenjie Hoffman : Hindi pa nga eh. Ikaw ba?
Napakagat labi siya dahil tinanong rin siya nito. Pinigilan niyang kiligin dahil unti unti siyang umaasa.
Her : Oo kanina pa. Bakit nagpapagutom ka? Anong oras na oh baka magkasakit ka nanaman niyan
Kenjie Hoffman : I'm fine. Thanks pala
Her : Saan?
Kenjie Hoffman : For taking care of me last time
Her : Welcomezzz. Magaling kana ba?
Kenjie Hoffman : Yeah.
Her : Mabuti naman kung ganech. Kumain kana para di ka nalilipasan ng gutom
Kenjie Hoffman : Ipag luto mo ko?
Nanlaki ang kanyang mata sa chat nito.
Her : Nyek paano gabing gabi na
Kenjie Hoffman : kidding
Her : Basta kumain kana jan
Kenjie Hoffman : Yeah i'm cooking right now
Her : Marunong kang magluto?
Kenjie Hoffman : Yep. I love cooking
Naalala niya ang mga paintings ng pagkain sa kusina nito at higit sa lahat kumpletong mga sangkap ang nandoon.
Her : Wow talented ka pala jowa
Kenjie Hoffman : Thanks.
Her : Anong niluluto mo? Maluluto na ba?
Kenjie Hoffman : I'm cooking poulet and baking cookies
Her : Anech yung poulet?
Kenjie Hoffman : Chicken
Her: Jusko kalerky manok lang pala 🤣
Kenjie Hoffman : Para sosyal
Her : Osige kumain kana jan
Kenjie Hoffman : Kausap pa kita e
Her : Edi sige babush. See you tom
Kenjie Hoffman is typing...
Mayamaya pa di nanaman nito sinend ang sasabihin nito kaya nainip siya
Her : Good night jowa 😘
Kenjie Hoffman : I'm eating now. Do you want cookies?
Her : Ay sige patikim
Kenjie Hoffman : Okay. I'll bring some tom
Her : Okay sige jowa salamat 🥰
Kenjie Hoffman : Good nyt jowa
Napangiti siya ng husto sa chat nito. Nagpagulong gulong pa tuloy siya sa kanyang kama
Her : 😍😍😍
Hindi na ito nag reply ngunit nakita niyang naseen nito ang huling chat niya. Sapat na iyon para makatulog siya ng mahimbing.
![](https://img.wattpad.com/cover/292019925-288-k774160.jpg)
JE LEEST
Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)
RomantiekPretend Girlfriend. Iyon ang naging kasunduan ni Cassandra at Kenjie simula ng maging kontrobersyal ang pagsagip niya sa binata mula sa ex-wife nitong si Cassy sa isang okasyon. Kapangalan niya ang dating asawa nito kaya naman nagkaroon siya ng pagk...