Chapter 10

4.7K 228 20
                                    

Chapter 10

"Bakit nakasimangot ka diyan at ang haba ng nguso mo cassy ?" Tanong ni Heidi kay Casandra habang nag liligpit sila ng kanilang mga gamit. Kakatapos lang ng kanilang hairstyle services.

"Napagod lang ako Heids.." Matamlay niyang sagot

"Alam ko itsura mo pag pagod at pagmalungkot. May problema ba?"

Napabuntong hininga siya. Silang dalawa nalang ni Heidi sa loob ng dressing room kaya naman sinabi na niya dito kung bakit siya nalulungkot

"Tatlong araw na kasi hindi nagpaparamdam si jowa mula ng manuod kami ng sine"

Sumakit rin ang ulo ni Heidi dahil sa problema niya. Tinabihan siya nito sa kanyang inuupuan

"Ayan na nga ba sinasabi ko sayo eh. Alam mo naman kung bakit mo siya jowa jowaan diba? Para bumalik ang asawa niya. Dapat itatak mo sa isip mo na hindi totoo ang relasyon niyo para di ka umaasa ng ganyan. Sinabihan na kita noon cassy sabi ko naman sayo mahirap yang pinasok mo"

"Ang hirap kaya.." Reklamo niya habang naluluha na ang kanyang mga mata

Tatlong araw na simula ng manuod sila ng sine ni Kenjie. Nakipaghalikan ito sa kanya sa loob ng sinehan na para bang ayaw na nitong tantanan ang kanyang labi. Ihinatid naman siya nito sa bahay nila ngunit napansin niyang nagmamadali na itong umuwi ng gabing iyon. Hindi rin ito nag chat simula noon.

Hindi niya tuloy alam kung tuloy parin ba ang pagpapangap nila o bumalik na ba ang asawa nito? Wala siyang balita kay Kenjie ngayon. Nahihiya naman siyang pumunta sa condo unit nito. Tahimik rin ang mga balita tungkol kay Kenjie at ang date nila sa sinehan ang huling trending sa social media.

May nakapagpicture at video pa sakanila sa loob ng sinehan kaya naman sinermunan siya ng mga mame niya ng mapanuod ng mga ito sa balita ang kanilang paghahalikan ni Kenjie

"Hayaan mo na muna si Kenjie baka inaayos na niya yung relasyon nila ng asawa niya. Ngayon palang alisin mo na lahat ng nararamdaman mo para sakanya"

"Sana nga ganern lang kadali ang lahat eh"

"Halika ililibre nalang kita ng milk tea. Tska may chicka ako sayo about sa bagong korean drama na pinapanuod ko"

Napangiti siya. Alam talaga ni Heidi ang magpapasaya sakanya. Well sana nga sumaya siya sa milk tea katulad noon. Sana nga matakpan ng milk tea ang munting kirot sa puso niya

Ngayon palang kasi miss na miss na niya si Kenjie. Gabi gabi niya itong naiisip. Ilang beses na niya itong chinat sa instagram ngunit na- seen zone lamang nito ang mga chats niya

To Kenjie : Hello jowa kamusta? (Monday)

To Kenjie: Jowa busy ka? (Tuesday)

To Kenjie : Anong susunod natin drama jowa? Tuloy pa ba kontrata? (Wednesday)

Ngayon thrusday na ay wala parin itong reply sa mga chats niya.

Sinama siya ni Heidi sa isang mall pagkatapos nilang rumaket ng araw na iyon. Nilibre siya nito ng milk tea at dahil malungkot siya nilibre parin siya nito ng dinner nila

"Cassy huwag kana malungkot ha?.."

"Salamat Heidi.." Nakipag beso beso pa siya kay Heidi bago sila kanya kanyang umuwi. Sa ibang daan kasi ang bahay nito at malayo sa kanilang bahay. Sumakay ito ng MRT samantalang nag bus lamang siya.

Habang nasa bus siya ay hindi niya parin maiwasan isipin si Kenjie. Kamusta na kaya ito? Nagkabalikan na kaya ang mga ito?

Mababaliw ata siya kakaisip. Hindi niya akalain sa maiksing panahon ay ganito na ang magiging feelings niya para kay Kenjie.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now