Chapter 29

5.2K 213 17
                                    

Chapter 29

"Pasensya kana talaga Pier."

"It's okay Cas. Hindi naman masakit"

Napangiwi si Casandra sa sinabi ni Pier. Hindi raw masakit ang pagkakasuntok ni Kenjie dito ngunit namamaga naman ang isang mata nito.

Bwisit na Kenjie kasi yun bigla nalang sinugod ng suntok si Pier kanina sa restaurant habang nagde-date sila. Pwede naman sigurong magselos ng hindi nananakit diba? Pero talagang mainit ang ulo ni Kenjie sa mga lalakeng napapalapit sakanya.

Bakit noon kay Cassy hindi naman nito sinuntok ang lalakeng naging nobyo ni Cassy? Bakit kapag sakanya siguradong mababasag talaga ang mukha ng lalakeng lalapit sakanya.

Namamaga tuloy ang mata ni Pier at parang may dugo pa ito sa loob ng mata nito.

Sinamahan niya si Pier sa hospital upang gamutin ang mata nito na napuntirya talaga ng suntok ni Kenjie.

Ginabi na tuloy silang nakauwi ni Pier dahil matagal tagal ang naging gamutan sa mata nito.

"Sabi ko sayo nambabasag ng mukha yun eh"

"Bakit ba siya nagagalit? Nakikipagbalikan ba siya sayo?" Seryosong tanong ni Pier habang nasa tapat sila ng kanilang salon. Hinatid siya nito pagkatapos nilang ipagamot ang mata nito.

Napabuntong hininga siya.

"Siguro? Ewan ko ba sakanya. Pero sinabi ko naman sakanya na it's too late to apologize" Dinaan nalang niya sa biro dahil napakaseryoso magtanong ni Pier.

"You mean hindi mo na siya babalikan?"

Napalunok naman siya sa tanong ni Pier. Sa totoo lang gustong gusto niya naman talagang balikan si Kenjie. Mahal na mahal niya parin ito. Sino bang hindi gugustuhin maging nobyo ito? Yung garter nga ng kanyang panty marinig palang ang pangalan nito ay lumuluwang na. Hindi naman niya itatangi na patay na patay parin siya kay Kenjie hangang ngayon.

Hindi naman nawala si Kenjie sa puso niya kahit saglit.

ngunit naiinis pa rin siya dito sa mga pinagsasabi nito sakanya kaya ayaw niya munang balikan ito sa ngayon. Hangang ngayon kasi naniniwala parin itong manloloko siya. Hindi parin nito pinapaniwalaan ang mga paliwanag niya.

Paano magiging maayos ang relasyon nila kung sa isip naman nito ay niloko niya ito noon? Ayaw niya ng ganoon. Gusto niya maniwala muna itong wala siyang ginagawang masama noon. Ang tangi lang naman niyang naging kasalanan ay nagsinungaling siya.

"Hey.." Hinawakan ni Pier ang kanyang kamay kaya naputol ang pag iisip niya

Sasagot pa sana siya ng marinig nila ang boses ni Kenjie sa likod niya

"Let go of her hand or else i will break your bone"

Agad naman binitiwan ni Pier ang kanyang kamay ng marinig nito ang malamig na boses ni Kenjie sa kanyang likuran. Napatingin siya kay Kenjie at seryosong seryoso ang gwapong mukha nito

Mukhang mapapahamak nanaman si Pier kaya pumagitan siya sa mga ito at waring pinoprotektahan niya si Pier mula kay Kenjie

"K-Kenjie ano ba? Wala naman ginagawa si Pier sayo ha!" Pagalit niya kay Kenjie. Mukhang mas lalong kumunot ang nuo nito sa kanyang ginawang pag protekta kay Pier

"Lumaban ka ng patas. Nililigawan ko ng maayos si Cas.--"

"She's mine. Wala kang karapatang manligaw" Maangas na sagot ni Kenjie kay Pier.

Imbis na mainis siya ay tila kinilig pa talaga siya sa sinabi nito. Napakagaga talaga niya.

Napakagwapo naman kasi nito at namumula mula pa ang pisngi.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon