Chapter 4

4.4K 208 13
                                    

Chapter 4

"Come here"

"Akala ko ba magbibihis kana?" Napapataas na kilay na tanong niya kay Kenjie. Hindi rin niya mapigilan panghinaan ng tuhod. Paano ba naman siya hindi manghihina eh nakakapanghina ang bodylicious nito.

Nagtaka si Cassy ng hindi dumiretso si Kenjie Hoffman sa kwarto nito bagkus lumakad ito papunta sa malaking salamin na bintana at binuksan nito ng husto ang itim na kurtinang tumatakip doon.

"Basta lumapit kana dito. Ang dami mo palaging tanong" Pilit ang ngiti sa gwapong mukha nito. Mukhang wala itong kapasenpasensya sakanya

Huminga muna siya ng malalim bago sinunod ang utos nito. Dahan dahan siyang lumakad papunta sa kinakatayuan nito.

"Closer" Kakaiba ang titig nito sakanya. Pakiramdam niya tinititigan nito ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"A-Ano ba kasi itech trip mo?" Lumapit pa siya ng isa pang hakbang

"I said closer" Seryoso nitong sabi sakanya.

Habang papalapit siya ng husto kay Kenjie doon niya narerealize na mas gwapo ito ng isang daang libong beses kapag sa malapitan!

Napalunok siya bago siya humakbang muli. Dalawang hakbang nalang at maglalapit na ang kanilang katawan.

Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya naiilang rin siya. Nagsusumigaw kasi ang kakisigan nito. Iniisip niyang mabuti kung bakit pa ito pinagpalit ng ex-wife nito? Eh napakaperpekto na nito.

"O-Oh ayan eklaboo ka ha. Ang lapit ko na sayo" Kinakabahan siya dahil ngumiti ito

"Smile. Maraming reporters ang kumukuha ng pictures natin ngayon sa kabilang building. Believe me hindi mo magugustuhan ang pictures mo kung ganyan ang itsura mo" Napapangiti nitong pang-aasar sakanya

Agad tuloy siyang lumingon sa labas ng salamin na bintana. Buong syudad ay nakikita niya mula sa bintana ng condo unit ni Kenjie. Napansin niya nga sa kabilang building may mga nagkikislapan na ilaw at mukhang mga camera iyon.

"Oh my gee.. Kalerky!" Nanlaki agad ang kanyang mga mata at napatakip siya sa kanyang bibig at ilong. Agad siyang tumalikod upang hindi siya makuhaan ng pictures

"Bakit di mo agad sinabi?! Nakakahiya itech!"

Napapangiti si Kenjie habang nakatingin sakanya. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagkawili sa pang aasar sakanya.

"Patikim palang natin yan sa social media" Muli nitong isinara ang kurtina ng bintana.

Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa bilis ng pag tibok ng kanyang puso.
 
Napatingin tuloy si Kenjie sa dibdib niya

"Nice boobs" Malokong sambit nito kaya agad niyang niyakap ang kanyang sarili at pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa tapat ng dibdib niya na para bang tinatakpan niya ang malulusog niyang dibdib.

Namula tuloy ng husto ang pisngi niya.

Natawa si Kenjie sa naging reaksyon niya. Napapantastikuhan ito sa kakaibang kilos niya.

"Hintayin mo ko magbibihis lang ako" Napapa-iling pa ito habang papasok ito sa kwarto nito. Natutuwa lang ito sakanya ngunit wala itong nararamdaman na atraksyon sakanya. Sa dami ba naman ng babae nito at higit sa lahat napakagaganda pa kaysa sakanya.

Hindi naman kasi siya maganda ngunit hindi rin naman siya pangit. Nasa gitna lang ang itsura niya. Nagpapasalamat nalang din siya dahil maganda ang mga ngipin niya at matangos ang ilong niya.

Nakahinga siya ng maluwang ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto nito.

"Jusko tong boylalush na to. Maloloka ako ng maaga." Pinaypayan niya tuloy ang kanyang sarili dahil natense siya sa mga naganap.

Nakakatense na nga makaharap ito sa malapitan at pupurihin pa nito ang boobs niya kaya tuloy nagdoble doble ang epekto sa kanyang inosenteng katawan.

Habang nag bibihis ito doon ay di niya mapigilan pagmasdan ang buong condo unit nito. Kahit lalake ito ay malinis ito sa kagamitan. Halatang maayos ang nakatira doon at hindi burara.

Hindi katulad sa kwarto niya kung saan saan nakasabit ang bra niya kung minsan nasa ilalim na pala ng kama niya kaya ilang buwan niyang hindi nakikita. Minsan lang kasi siya maglinis kaya naman minsan lang niya nakikita ang mga damit o bagay na hinahanap niya.

Namangha siya sa loob ng condo unit nito. Mukhang mahilig rin ito sa pagkain dahil panay paintings ng mga pagkain sa kusina nito. Tatlong two doors fridge rin ang naroon. Maubos kaya nito ang mga pagkain sa loob ng ref nito?

Lumakad pa siya ng kaunti at nakita niya ang isang piano sa bandang dulo.

Sa gilid ng itim na piano mayroon isang itim na picture frame ang nakapatong doon

Basag na ang salamin ng picture frame ngunit nakilala niya parin kung sino ang babaeng iyon.

His ex-wife!

Napakaganda nito sa litratong iyon. Kaya hindi niya mapigilan hawakan ang picture frame at pagkatitigan ito.

Napakasimple lamang ng mala-anghel na mukha nito. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot dahil ito ang babaeng nakakuha ng puso ni Kenjie. Kaya ngayon palang alam na niyang wala talaga siyang pag asa.

"Put it down"

Ang malamig na boses ni Kenjie ang nagpatigil sakanya sa pagtitig sa ex-wife nito.

Nataranta tuloy siya at muntikan pa niyang mabitawan ang picture frame. Mabuti nalang at nasalo agad niya

"Oopps sorry" Nakangiwi niyang paumanhin kay Kenjie dahil kumunot ang nuo nito.

Agad niyang ibinalik sa dating pwesto ang picture frame.

"Follow me" Utos nito sakanya. Nakapagbihis na rin ito ng pajama at puting tshirt.

He looks so cute in that pajamas! Parang ang sarap nitong makatabi sa pagtulog. Hindi niya tuloy maiwasan mangarap na balang araw makakatabi niya rin ito sa pagtulog

"Tatayo ka lang ba diyan?" Masungit nitong untag sakanya

Ipinilig niya ang kanyang ulo upang hindi kung ano ano ang mga naiisip niya

Sinundan niya ito hangang sa living room. Umupo ito sa itim na sofa kaya naman ginaya niya ito. Umupo rin siya sa sofa ngunit sa katapat nito.

May hawak itong kulang asul na folder at inilapag iyon sa harapan niya.

"This is our contract"

"A-Ay taray naman may ganyan pa talaga?"

"Yes. So read it now. Isinulat ko talaga yan ng tagalog para madali mong maintindihan"

Napataas ang kilay niya

"Kalerky ka Kenjie marunong naman akech mag english no"

Walang reaksyon ang gwapong mukha nito.

"Read" Utos muli nito sakanya

Kinuha niya ang blue folder na pinatong nito sa center table sa kanyang harapan.

She read the contract.

"Read it loud. I want to hear it" utos ni Kenjie

Napasimangot siya ngunit sinunod niya muli ang utos nito. Sinimulan niyang basahin ng malakas ang kontrata. 

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now