Chapter 7

4.2K 203 8
                                    

Chapter 7

Kenjie Hoffman : Malapit na kami

Nataranta si Casandra sa pag wiwisik ng pabango at muntik niya pa iyong mabitawan ng mabasa niya ang chat message ni Kenjie. Kay mame dondey pa naman ang perfume na iyon at panigurado pagagalitan siya nito kung sakaling nabasag niya iyon

"Jusko kalerky nakakatense naman kasi itech!" Muli niyang winisikan ng perfume ang kanyang leeg bago niya iyon sinauli sa lagayan nito

Gustong gusto niya kasi ang pabango na iyon dahil mild lang sa pang amoy at hindi masakit sa ilong. Kumbaga amoy fresh lamang siya.

Hinayaan niya ang kanyang rebonded na buhok na nakalugay. Napili niyang suotin ang kanyang simpleng  deep V-Neck mini party black dress long sleeve with sequin glitter. Her dress is nice and stretchy. Bagay na bagay iyon sa yatch date nila ni Kenjie Hoffman. Hapit na hapit sa kurba ng kanyang katawan. Hangang ibabaw ng tuhod niya lang ang haba nito.

"Bongeycouis! Pak na pak naman ang anak ko!"

Napalingon tuloy siya kay mame dora ng sumilip ito sa kwarto niya

"Tenkyu mame" Nag pacute pa siya lalo at nagpose pose na para bang model sa harap ng mame dora niya

Napapalakpak pa ito sa tuwa habang nakatingin sakanya. As usual gandang ganda sakanya ang kanyang mame dora.

"Bongang-bonga anak! Ang pretty mo and so sexy!"

"Tenkyu ulit mame. Siyempre kanino pa ba akesh magmamana?"

"Ofcourse saakin dehinds kay mame dondey!" Natawa sila ng sabay dahil nasa likod lang nito si mame dondey

"Kaloka ka. Sakin nagmana ang junakis natin no. Diba anak?" Singit naman ni mame dondey

"Sainyo pong dalawey. Kayo ang pinagmanahan ng beauty ko!"

Niyakap siya ng dalawang mame niya

"Inubos mo nanaman ang perfume kech anak ha?" Biro ng mame dondey niya sakanya kaya naman napahagikgik siya

"Sowee mame. Ang bango kasi eh"

"Charot lang. Gusto mo dalhin mo pa sa date niyo anak"

"Ay sige mame! Tenkyu"

Kinuha agad niya ang perfume nito at ipinasok niya iyon sa maliit niyang maleta

"Mame dora may naghahanap po kay cassy! Nasa baba po ang popogi!"

Sabay sabay silang napalingon sa salon staff nila. Si ate rina. Baklush din ito at matagal na nilang kasama sa bahay. Inampon lang ito ng mga mame niya at dati itong pakalat kalat lamang sa kalsada. Sinasahuran ito ng mga mame niya at tanging ginagawa lang nito ay mag ligpit sa salon nila. Minsan winawalis lang nito ang mga buhok na nagupit nila mame dora.

"Oh em gee! Nandiyan na si pogi!" Sabay pang tili ng mga mame niya.

Nag unahan pang bumaba sa salon ang mga ito. Sa second floor kasi ang bahay nila at ang first floor naman ay ang kanilang salon

Huminga muna siya ng saglit bago niya binuhat ang kanyang maliit na maleta. Pinahiram lang sakanya ni mame dora ang bag na iyon. Mabuti nga at pinayagan siya ng mga ito mag overnight kasama ang kanyang jowa

Habang pababa siya ng hagdanan naririnig niya ang mga mame niya na kanya kanyang nagpapakilala kay kenjie.

"Hilaloo! Ako nga pala ang mame ng jowabells mo. I'm your mame dora" Pakilala ni mame dora kay Kenjie

"Hello po" Magalang na sagot ni Kenjie habang nakangiti ito. Mukhang natutuwa naman ito sa kakulitan ng mga mame niya

"Akesh naman si mame dondey. Call me mame dons for short"

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now