Chapter 20

4.4K 196 18
                                    

Chapter 20

Napapasayaw pa mag isa si Kenjie habang nagluluto siya ng kanilang kakainin ni Casandra. He is just so happy to be with her. Masaya siya dahil kay Casandra.

Napapasayaw siya sa kanta na nang-gagaling sa radio na mukhang mas matanda pa sa lolo at lola niya.

Ang lumang bahay na ito ay kakabili pa lamang niya. Nagustuhan niya ito dahil malayo ito sa bayan at higit sa lahat walang mga reporters ang makakarating dito dahil liblib ang lugar na dadaanan.

"I love you baby so don't be shy. I love you baby" Napapakanta na rin siya habang nagluluto siya ng spagetti paborito iyon ni Casandra

Namimis na niya agad si Casandra. Napapangiti siya pag napapatingin siya sa lumang kama na nasira nila dahil sa tindi ng kanilang pag-love making kahapon.

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakuntento sa iisang babae lamang. Ito na talaga ang hinahanap niyang babae na magpapatino sakanya.

She's very sexy and her curves makes him crazy. Pero hindi iyon ang nagpapasarap sa mga mainit na sandali na kanilang pinagsasaluhan. It's the "Love". Kapag pala mahal mo ang isang tao ay walang kasing sarap na itoy maka-isang katawan mo. Hindi niya iyon naranasan kahit kay Cassy noon.

Nakakagigil rin ang katawan ni Casandra na napakalambot. Lalo na ng mga malulusog nitong dibdib kaya naman halos hindi niya ito tantanan.

Miss na miss na niya ito ngunit sabi nito mayroon daw ito lakad kasama ang mga mame nito. Kahit namimis na niya ito ay hinayaan niya muna itong makabonding ang mga mame nito.

Napatigil siya sa pagluluto ng may kumatok sa pinto. Wala naman siyang inaasahang bisita? Sino naman ang kakatok doon?

Pinatay muna niya ang stove dahil tapos na rin naman siyang magluto bago siya lumakad papunta sa pintuan.

"Hi Kenjie!" Todo ngiti si Cassy ng pagbuksan niya ito ng pinto

Napakunot agad ang kanyang nuo pagkakita niya dito. Anong ginagawa nito doon? At higit sa lahat paano nito nahanap ang lumang bahay niya.

"What are you doing here?" Galit niyang tanong kay Cassy

"Binibisita ang asawa ko. Ilang araw kana di umuuwi sa condo--"

"Shut up. I know everything"

Ngumiti lang si Cassy at mukhang inaasahan na nitong alam niya ang lahat ng totoo

"Ang bilis naman magbalita ni Selena. Nakakatawa--"

"Actually it's Luke. Si Luke ang nagsabi sakin"

Mababakas sa mukha ni Cassy ang pagkabigla. Hindi nito inaasahan na si Luke ang nakaka-alam ng lahat

"R-Really? Chismoso talaga yang kapatid mo." Napapa-iling nalang si Cassy

"Bakit mo nagawa yun? I trusted you Cassy. Sinayang mo ang tiwala ko sayo. Don't expect me to believe in you anymore lalo na tungkol sa pinagbubuntis mo"

Tumawa ng malakas si Cassy na para bang nababaliw na ito.

"I'm sorry natatawa lang talaga ako--"

"What so funny?" Kunot nuong tanong niya

"Natatawa ako dahil gagamitin mo ulit ang linya na yan sa jowa mo" Muli itong tumawa

"What do you mean?"

"Bakit mo nagawa yun? I trusted you cassy. Sinayang mo ang tiwala ko sayo" Pang gagaya ni Cassy sa sinabi niya kanina at muli itong tumawa ng malakas

Napatiim bagang siya sa sobrang inis

"You're crazy--" Pagsasaraduhan niya sana ito ng pinto ngunit pinigilan nito

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon