Chapter 9

4.2K 219 16
                                    

Chapter 9

"Magmomotor lang tayo jowa?"

Ikinabit ni Kenjie ang kulay puting helmet sakanyang ulo habang maganda ang pagkakangiti nito.

"Hindi hindi" Loko nito sakanya habang inaayos ang helmet niya

"Echuzero ka jowa." Napapangiti nalang siya habang hinahayaan niya itong ikabit ang kanyang helmet

"Ayan mukha kanang alien" Biro nito sakanya

Kakalabas lang nila sa kanilang salon. Sinundo siya nito gamit lamang ang big ducati motor nito. Nakasilip pa sa pinto ng salon ang mga mame niya habang natatanaw pa sila ng mga ito

Marami rin silang mga kapitbahay na nakiki-usyoso ang iba pa sa mga ito ay kinukuhaan sila ng litrato

Pabirong hinampas niya ang braso ni Kenjie. Natawa lang ito bago siya alalayan sa pag sakay sa motor nito. Mabuti nalang at nakapantalon siya at rubber shoes.

Dahil nahihiya siyang yumakap sa bewang nito sa jacket lamang nito siya humawak.

"Kumapit kang maigi" Sabi nito sakanya bago nito paandarin ang motor nito

Napansin niyang pareho sila ng helmet para tuloy silang naka couple helmet kung pagmamasdan sila ng ibang tao

"Ay palaka!" Napakayakap na tuloy siya kay Kenjie dahil mabilis itong magpaandar ng motor

"Jowa dahan dahan naman!" Tili niya habang yakap na yakap siya sa bewang ni Kenjie.

Narinig niya lang ang pagtawa nito habang nagmamaneho parin ng mabilis

"Kalerky ayokong mategi ng maaga!" Sigaw pa niya kaya naman bumagal na ito ng kaunti at maayos na itong nagmaneho

"Ayaw mo kasing kumapit eh" Sabi nito paghinto nila sa stop light at hinaplos pa ang kanyang kamay na nakayakap sa bewang nito

Doon palang niya napansin ang kanyang pagkakayakap kay Kenjie. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang katawan dahil dikit na dikit siya sa likod nito. Naaamoy niya pa ang napakabangong perfume ni Kenjie para bang kay sarap maglambitin sa leeg nito

Natatakot siyang maramdaman nito ang bilis ng tibok ng kanyang puso kaya niluwangan niya ang pagkakayakap sa bewang nito

Ngunit agad naman nitong pinigilan ang kanyang kamay.

"Jowa hold me. Baka malaglag ka"

Pasimple siyang napangiti. Gustong gusto talaga niya sa tuwing tinatawag siyang jowa ni Kenjie. Feel na feel niya tuloy ang pagiging mag jowa nila

"O-Owkey" Pabebe niyang sagot. Hinigpitan niya tuloy ang pagyakap dito na para bang isa itong teddy bear

Sabay pa silang nagulat ng may bumusina sa likod nila

"Hoy go na!" Sigaw ng driver sakanila

Tumawa si Kenjie bago nito pina-andar ang motor nito. Namula ng husto ang kanyang pisngi. Mukhang nawala sa focus ang jowa niya dahil sa kanyang pagyakap?

Ayaw man niyang umasa ngunit hindi naman siya manhid upang hindi iyon mapansin

Pagdating nila sa parking lot ng isang sikat na mall inalalayan siya nito sa pagbaba sa motor nito at ito pa mismo ang nagtangal ng kanyang helmet

Inayos pa nito ang kanyang nagulong buhok

"Yung rebonded hair mo nagulo tsk tsk" Biro nito sakanya kaya napangiti siya habang inaayos nito ang kanyang buhok

"Salamat jowa" Pagpapasalamat niya kay Kenjie dahil sa pag-aayos nito ng kanyang buhok.

Tinangal rin nito ang sarili nitong helmet. Napatitig siya dahil nakakabighani talaga ang kagwapuhan nito.

"Pogi ko no?" Napansin kasi nito ang pagtitig niya kaya namula tuloy ang pisngi niya at nag iwas siya ng tingin

"Oo na." Napapangiti nalang niyang sagot

Bakit ba palagi nalang siyang napapangiti nito?

"Nagulo rin yung buhok ko, Can you please fix it?" Paglalambing nito sakanya. Napalingon tuloy siya sa paligid dahil baka may mga tao doon ngunit silang dalawa lang naman ang tao sa parking lot kaya bakit ito nag lalambing sakanya?

Aasa na sana siya ngunit naalala niya nga palang may cctv doon.

"Yumuko ka ng kaunti kasi ang tangkad mo eh" Utos niya kay Kenjie kaya naman yumuko ito upang magkapantay sila

"Ganyan po ma'am?" Tanong pa nito habang nagpapacute pa sa harap niya

"H-Huwag ka masyadong nagpapacute sakin baka mainlove ako sayo" Pagalit niya ng mahina kay Kenjie habang inaayos niya ang buhok nito. Pati buhok nito ay mabango!

Hindi niya inaasahan na pamumulahan ito ng pisngi at nag iwas na ng tingin sakanya. Napapangiti rin ito ng kaunti.

"Ayaw mo bang mainlove sakin?" Maya maya tanong nito habang naglalakad sila papasok sa mall.

"Kelerky syempre ayoko no. Kawawa naman ako kung mainlove sayo pagbumalik na si ate girlalu"

Natawa ito sa kanyang sinabi bago siya inakbayan.

"Malay mo di na yun bumalik?" Biro nito sakanya kaya kinurot niya nalang ito sa tagiliran nito

Maya maya pa marami ng mga tao ang nakakakilala sakanila.

"Uy si Kenjie Hoffman!" Tili ng isa

Naglapitan ang mga tao sakanila at panay ang pag picture ng mga tao sakanilang dalawa

Ngumiti lang si Kenjie habang naka-akbay sakanya patuloy lang silang naglakad papunta sa cinema

"What do you want to watch jowa?" Tanong ni Kenjie sa kanya ng makarating sila sa cinema ticket booth. Para talaga silang nag dedate dalawa ang pinagkaiba lang ay maraming sumusunod sakanila at halos lahat ng tao nakatingin sakanila

"K-Kahit ano jowa wag lang horror at patayan"

Bumili ng ticket si Kenjie Hoffman at napili nitong panuorin ay isang love story na pinamagatang Flight 914. Balita niya maganda ang storya na iyon at nakakakilig pa.

"Sir are you sure for block screening?"

"Yes please"

"Thank you Sir. Enjoy your movie"

Pagpasok nila sa loob ng cinema ay nagtaka si Casandra dahil sila lamang ang tao sa loob.

"Bakit walang tao jowa?" Tanong niya kay Kenjie ng makapasok na sila sa loob ng cinema. Kakaiba rin ang mga upuan doon. Para bang pang sosyal na movie theather ang loob nito hindi katulad ng mga cinema na napapanuoran niya noon.

Ngayon kasi parang malalaking sofa ang mga upuan doon at iilan lamang.

"Solo natin to. Saan mo gusto umupo?"

"Wow taray ang yaman naman ng jowabels ko"

Ngumiti lang si Kenjie habang naka-akbay parin ito sakanya.

"Doon tayo sa gitna"

Pag upo nila sa kanilang pwesto tinangal pa ni Kenjie ang bagay na pumapagitna sa kanilang mga upuan.

"Come here.." pinalapit siya nito at niyakap habang wala pa ang kanilang papanuorin

"J-Jowa wala naman tao kaya bakit mo pa ako niyayakap"

"Meron. May tao sa taas. Just enjoy the movie" Niyakap pa rin siya nito kaya naman sinamantala niya ring yakapin ito habang nakaupo sila sa malaking sofa na iyon

Maya maya pa nagsimula na ang movie. Ngunit hindi naman siya makapag focus dahil panay ang halik ni Kenjie sa kanyang ulo

Sumosobra naman ata ang pag acting nito? Pakiramdam tuloy niya gusto talaga nitong gawin iyon sakanya

Kasalukuyan naghahalikan ang mga bida sa pinapanuod nilang movie. Naka-isip siya ng kapilyan. Tumingin siya kay Kenjie kaya napatingin rin ito sakanya

"J-Jowa kiss mo rin ako?" Biro niya kay Kenjie

Ngumiti ito

"Ayoko nga"

Siya naman ang natawa. Muli nalang siya yumuko at niyakap ito.

"Jokes lang jowa. Ang ganda ng pinapanuod natin"

"May first kiss kana ba?" Maya maya tanong ni Kenjie sakanya kaya napatingin siya dito

"Waley pa nga eh--"

Nanlaki ang kanyang mata ng bigla nitong halikan ng mabilis ang kanyang labi. Smack lamang iyon ngunit ramdam na ramdam ng kanyang labi ang malambot at mainit init nitong labi!

"Ngayon meron na" Nakangiti ito habang nakatingin sa reaksyon niya

Napahawak siya sa kanyang labi at parang lalabas sa kanyang dibdib ang puso niya

Napakasarap ng halik nito kahit kasimbilis lang iyon ng kidlat!

Hindi siya nakapagsalita at yumuko lamang siya upang itago ang kilig na nararamdaman niya

"Ako naman ikiss mo" Hirit pa ni Kenjie

"H-Ha?"

"Kiss mo rin ako dahil kiniss kita?" paglalambing nito

"S-Sure ka jowa?"

"Yeah." Sumeryoso naman ang tingin nito sakanya at napapatingin ito sa kanyang labi

Dahil gusto niya ring halikan ito muli kaya dahan dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha nito upang halikan rin ito

Ngunit dahil ang bagal bagal niya at nahihiya pa siya ng kaunti ay hindi na ito nakapaghintay at ito na mismo ang humalik sa kanya

This time hindi lang smack ang ginawad nitong halik sakanya at para bang sabik na sabik itong halikan siya

Napanganga tuloy siya sa pagkabigla at mas lalo pa itong nagkaroon ng pagkakataon palalimin ang paghalik sakanya.

Hindi siya marunong humalik ngunit sinabayan niya ang pag galaw ng labi nito. Tila nagustuhan naman nito ang pag tugon niya at mas tumagal pa ang paghalik nito sakanya

Halos matangay na siya sa kakaibang mundo habang kahalikan niya si Kenjie Hoffman.

Kakaibang init sa kanyang katawan na ngayon palang niya naranasan sa buong buhay niya

Napahawak pa si Kenjie sa kanyang batok at halos ihiga na siya sa sofa habang nakikipaghalikan ito sakanya

Malalim at mapusok na ang bawat pag halik nito ngunit sinasabayan niya parin ang pag tugon sa bawat halik nito

Napaungol na siya sa tindi ng paghahalikan nilang dalawa at napakayakap siya sa leeg nito

"Uhmm.." Ungol niya habang sarap na sarap siya sa pakikipaghalikan kay Kenjie

Hindi nila alam kung gaano katagal na silang naghahalikan dahil natapos na ang movie ay patuloy parin sila sa kanilang paghahalikan

"Ma'am Sir tapos na po yung movie kanina pa"

Sabay silang nagulat ng lapitan sila ng isang cinema staff kaya doon pa lamang naputol ang paghahalikan nilang dalawa

Hinihingal pa sila ng kaunti dahil sa tindi ng kanilang paghahalikan

Napatingin tuloy siya kay Kenjie dahil mapungay ang mga mata nito at halatang nabitin rin sa kanilang paghahalikan

"O-Okay" Sagot ni Kenjie sa cinema staff habang nakatingin parin ito sakanyang labi

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang