Chapter 8

4.3K 205 15
                                    

Author : Hello guys. May tanong ba kayo sakin itanong niyo na guys sa comment sasagutin ko sa vlog ko 😍 About sakin o about sa mga stories ko :)


Chapter 8

"She texted me" Nakangiting balita ni Kenjie sakanya pag kapasok nila sa kanilang kwarto sa loob ng yatch. 

Hindi pa man niya nailalapag ang kanyang bag.

Iyon agad ang bungad nito sakanya kaya nawala tuloy ang gana niya.

"C-congrats ang galing kasi natin" Pekeng ngiti ang ibinigay niya kay Kenjie

Hawak parin nito ang kanyang kamay kaya binawi na niya ang kamay niya tutal naman silang dalawa nalang ang tao sa loob ng kwarto

"Oh sorry" Hingi ng paumanhin ni kenjie dahil di rin nito napansin na hawak pa pala nito ang kanyang kamay

"A-Ayos lang. Nacarried away ka lang sa drama natin. A-Anong text ng asawa mo?" Kunwaring usisa niya sa cellphone nito.

Pinakita naman sakanya ni Kenjie ang text message ng asawa nito

From Cassy : I saw your pics with your new gf.. :)

"Ahh. Sinend na pala ni Selena ang mga pictures natin.." Walang gana niyang sabi kay Kenjie.

"Yeah. I know she will." Halatang masaya si Kenjie bago nito itinago ang cellphone nito

"Hindi mo siya rereplyan?" tanong niya

Umiling ito.

"Anyway okay lang ba sayo dito tayo matutulog? I mean magtataka kasi sila kung sa ibang room ka--"

"Oo ayos lang ditey. Keriboom boom naman matulog ako sa sofa"

"No way. Ako nalang sa sofa" Binuhat na nito ang kanyang maleta papasok ng bedroom nila

Nakaramdam tuloy siya ng hiya kay Kenjie dahil dalawa lamang sila doon

"N-Naku ano ka ba jowa. Tayong dalawa nalang sa kama maluwang naman" Sinundan niya ito sa bedroom

Ngumiti ng pilyo si Kenjie

"Baka gapangin mo ko?" Biro nito sakanya kaya napangiti siya

"Kalerky ka. Mabait ako no.." Dinedma lang niya ang pagbibiro ni Kenjie sakanya

"Ang dami mong dalang damit parang ayaw mo ng umuwi?" Hirit pa nito habang inaayos niya ang kanyang mga damit at inilalagay niya iyon sa hanger upang hindi masyadong gusot ang mga isusuot niya

"Eh sabi mo mag dala ako ng extrang damit--Huy Kenjie ibalik mo yan kalerky ka!"

"Uy ano to?"  Pilyo nitong kinuha ang two pcs swimsuit na dala niya sa kanyang maleta. Dahil natural na pilyo ang loko ay kinuha nito iyon sa maleta niya at inangat sa ere habang nakangiti. Kulay pula pa naman iyon.

"Edi pangswiming. Sabi mo magdala ako ng swimsuit--"

"No way. Ito pala isusuot mo mamaya? I told you don't show too much skin"
 
Pilit niyang inaabot ang kanyang swimsuit ngunit itinaas pa iyon ng husto ni Kenjie

"Ibalik mo na nga yan Kenjie--"

"Hindi mo to pwedeng isuot"

"Eh anong isusuot ko mamaya?"

"Wala."

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Kenjie. Nagets naman agad nito ang iniisip niya kaya napangisi ito

"I mean wala kang isusuot dahil hindi ka magswimming. Let's just watch them"

Nag iwas siya ng tingin kay Kenjie. Nagdedelikado na kasi ang puso niya sa lalakeng ito. Kahit alam niyang may kontrata lamang sila hindi niya mapigilan mahulog ng unti unti ang kanyang loob

"Conservative ka palang jowa"

"Naman" Ginulo pa ni Kenjie ang kanyang buhok bago ito lumakad palabas ng bedroom nila

Napahawak siya sa kanyang puso dahil napakabilis ng tibok niyon. Sinundan niya ito sa kusina.

"Casandra ipagluto mo ko" Tawag sakanya ni Kenjie habang nasa kusina ito. Halatang nang aasar lang ito dahil pagtingin niya rito ay nakangisi ang gwapong mukha nito

"Neknek mo" Nakangiting sagot niya. Hindi niya rin kasi maitago ang kilig na nararamdaman niya

"Fine. I'll cook for you"

"Anong lulutuin mo?" Nilapitan niya ito habang naghahanap ito ng mga gagamitin nito sa pagluluto

"What do you like?"

"B-Bakit akech? Tanungin mo rin sila Harold"

"Hindi ko sila ipagluluto. For sure gabi pa lalabas ang dalawang yun sa kwarto nila"

"Nyek. Bakit naman?"

"You wanna know why?" Huminto si Kenjie sa pagkuha ng mga pang luto at tumingin sakanya

Inosenteng tumango siya
 
Lumapit si Kenjie sakanya at bumulong ito sa kanyang tenga

"Hindi pwede sa bata. Rated SPG"

Nanlaki tuloy ang kanyang mata ng magets niya kung ano ang ginagawa ni Harold at Selena sa mga oras na iyon

"Oh my gee.."

Natawa naman si Kenjie sa kanyang reaksyon at hindi nito napigilan kurutin ang kanyang pisngi

Nang marealize nito ang ginawa nito sa kanyang pisngi ay nag iwas agad ito ng tingin sakanya

"Ang taba kasi ng pisngi mo" Maya maya sabi nito kaya doon palang siya nakahinga ng maayos

"Hindi ah" Napahaplos siya sa sarili niyang pisngi

Ngumiti lang si Kenjie bago nito inilabas ang frozen chicken at ibabad iyon sa lalagayan

"Chicken ulit? Chicken lang ata ang alam mong lutuin eh?" Biro naman niya upang mawala ang ackwardness sa pagitan nila

"Watch and learn jowa. Hindi mo pa to natitikman"

Napalunok siya sa endarement nitong ginamit sakanya. Mukhang nasasanay na itong tawagin siyang 'jowa'

Tahimik nalang niyang pinanuod ito habang nagluluto. Pasimple niyang tinititigan ang napakagwapo nitong mukha.

"Baka matunaw ako?"

Napakurap tuloy siya dahil sa sinabi ni Kenjie. Napansin pala nito ang pagkakatulala niya sa gwapong mukha nito.

"A-Ay sowee. Manunuod nalang nga ako ng TV" Napayuko siya at mabilis siyang lumabas ng kusina. Mukhang mabubuko agad siya sa kanyang mga kinikilos. Kailangan niyang pagtakpan ang tunay niyang nararamdaman

Maya maya pa natapos na si Kenjie sa pag luluto at tinawag na siya nito sa kusina.

"Hmm ang bango ha?"

"Let's eat" Napapansin niyang magaan ang pakiramdam ni Kenjie ngayon. Marahil sa kadahilanan na nag text na ang dati nitong asawa.

Pinaghila pa siya nito ng upuan bago siya nito binigyan ng pagkain. Sa pag kilos nito ay para talagang nobya siya nito.

"A-Anu ka ba Kenjie waley naman sila dito di mo nako kailangan pagsilbihan no" Sita niya kay Kenjie dahil sa pag aasikaso nito sakanya. Baka kasi masanay siya sa mga bagay na ginagawa nito at bandang huli ay hanap hanapin niya

"What are friends are for?" Sabi lang nito at umupo na rin ito sa katapat niyang upuan. Pakiramdam tuloy ni Casandra ay nagdedeyt talaga silang dalawa ni Kenjie

Mukhang hinihintay nito ang reaksyon niya sa niluto nitong Chicken pastel.

"How is it?" Tanong ni Kenjie pagkatapos niyang tikman ang niluto nito

Nagkunwari siyang hindi niya nagustuhan. Nag alala naman ang gwapong mukha nito

"Di masarap!" Pilya niyang sabi kay Kenjie

"Oh. M-Mag order nalang tayo--"

"Charot! Ang sarap panalo bongeycious!" Todo ngiti niyang sabi kay Kenjie. Bakas sa mukha nito na nakahinga ito ng maayos at napangiti nalang sa kalokohan niya

"Akala ko di talaga masarap eh" Napakamot pa ito sa kilay habang napapangiti sa kalokohan niya

"Ang galing mo palang magluto jowa! Wagi pang mamahaling restaurant to ha?"

"Thanks" Proud naman ito dahil nasarapan siya sa niluto nito

"Ikaw palang naipagluluto ko kaya ubusin mo yan"

Napatingin siya kay Kenjie dahil nakatingin pala ito sakanya habang kumakain sila.

"W-Weh? Truelalu? Maniwala ako sayo sinasabi mo rin ata itech sa mga chicks mo eh"

"Nope. Ikaw palang" Seryosong sagot nito

Napainom tuloy siya ng tubig dahil muntik na siyang mabilaukan sa sinabi nito

"Ang swerte ko naman pala" Iyon lang ang kanyang nasabi at muli siyang kumain

"Ako palang din ba napag luto mo?" Mayamaya tanong uli ni Kenjie sakanya

Tila napaisip siya

"Hindi. Marami na kayong mga naipagluto ko. Mahilig rin kasi akong magluto"

Napataas ng kaunti ang kilay ni Kenjie

"Akala ko ba wala ka pang nagiging boyfriend?"

Napangiti siya

"Bakit boyfriend lang ba ang ipinagluluto? Sila mame ang tinutukoy ko pati sila ate rina. Sila heidi rin naipagluto ko na"

Napainom naman ng tubig si Kenjie ngunit napansin niyang napapangiti ito

"Maybe mapili ka?"

"Ha?"

"Kaya wala ka pang naging boyfriend"

Natawa tuloy siya sa sinabi nito.

"Jusko kalerky gusto ko na nga mag kajowa dati pa eh. Kaso anong gagawin ko waley talaga nanliligaw sakin. Dibale pag tapos ng kontrata natin mag jojowa na talaga ako"

Napakunot naman ang nuo ni Kenjie na para bang hindi nito nagustuhan ang sinasabi niya. Tumayo ito at naghugas ng kamay

"Ayaw mo ng kumain jowa?" Tanong niya dahil hindi pa nito inuubos ang pagkain nito

"Wala nakong gana"

Tahimik lang itong lumabas ng kusina

"Nyek anong problema nun?" Napakamot nalang tuloy si Casandra sa kanyang pisngi.

Inubos niya ang kanyang kinakain bago niya niligpit ang pinagkainan nila. Habang nag huhugas siya ng pingan muling pumasok sa loob ng kusina si Kenjie

"Harold just called. Let's go"

"Ay sige jowa tapusin ko lang tong hinuhugasan ko--"

Lumapit si Kenjie sakanya at tinulungan siya nitong mag banlaw ng mga sinabunan niyang pingan.

"Ako na jowa--" Pigil niya kay Kenjie ngunit tinignan lang siya nito ng masama. Pansin niyang wala ito sa mood kaya hinayaan nalang niya itong magbanlaw ng mga pingan.

"G-Galit ka ba sakin jowa?" Lakas loob na tanong niya dahil hindi ito kumikibo

"Bakit naman ako magagalit?" Malamig pa sa cold water nitong sagot

"Ah eh. Waley lang.."

Tumahimik nalang siya at nang matapos silang maghugas ng pingan ay nagpaalam muna siya kay Kenjie na mag papalit siya ng damit. Tumango lang ito habang busy ito sa pagcecellphone

Napabuntong hininga nalang siya.

Nag quick shower muna siya at toothbrush bago siya nagpalit ng simpleng white tube dress.

Paglabas niya ng kwarto naghihintay na si Kenjie sa labas at nakapagpalit na rin ito ng damit

Saglit siyang tinitigan nito. Ngunit wala naman itong naging komento sa itsura niya

Tahimik parin itong lumabas ng kwarto nila.

Paglabas niya rin ay agad itong umakbay sakanya. Nahigit niya ang kanyang hininga dahil sa ginawa nito.

Napahugot siya ng malalim na paghinga dahil sa paraan ng pag akbay nito na para bang niyayakap na siya nito

"W-Wala pa naman sila dito--"

"Let's go" Inakay na siya nito maglakad habang naka-akbay ito sakanya

Wala siyang nagawa kundi hayaan ito sa pag akbay sakanya.

Pagdating nila sa swimming pool area naroon na ang mag jowa na sila Harold at Selena. Nag suswimming na ang mga ito at naghahalikan sa gilid ng pool.

"Awat na" Putol ni Kenjie sa paghahalikan ng dalawa kaya napatingin ang mga ito sakanilang dalawa ni Kenjie

"Bro bakit ang tagal niyo?" Nakangiting tanong ni Harold

Inalalayan siya ni Kenjie paupo sa isang upuan doon. Ngunit akala niya siya ang papa-upuin nito.

Ito ang umupo at kinandong siya. Nanlaki tuloy ang kanyang mata sa ginawa ni Kenjie lalo na ng yakapin siya nito sa kanyang bewang

Hindi ba overacting naman ata ito sa pagpapangap?

"Hindi ba kayo mag swimming?" Tanong ni Selena sakanilang dalawa

Umiling si Kenjie

"May period ang jowa ko eh" Biro ni Kenjie kaya nagtawanan ang dalawa

Pasimple niyang kinurot si Kenjie at binulungan ito

"Kalerky ka wala akong period no" Bulong niya kay Kenjie

Tumingin ito sakanya kaya halos magkalapit ang kanilang mga mukha.

Siya ang unang umiwas dahil todo todong kilig ang kanyang nararamdaman habang nakakandong pa siya kay Kenjie

Nang mapatingin sila kay Harold at Selena naghahalikan na muli ang mga ito

"P-Papanuorin lang ba natin sila?"

"Do you want to sleep?" Malambing na tanong ni Kenjie sakanya habang yakap parin nito ang kanyang bewang.

Kung wala lang doon sila Harold at Selena iisipin niyang niyayakap talaga siya ni Kenjie dahil gusto nito. Ngunit alam niyang niyayakap lang siya nito dahil sa pagpapangap nito

"Kalerky ka jowa akala ko ba bawal yakap?" Bulong niyang muli kay Kenjie

"I changed my mind" Maikling sagot nito bago nito hinigpitan ang pagyakap sakanya

Napakagat labi tuloy siya dahil may kakaibang sensasyon iyong hatid sa kanyang katawan

Sabay silang nagulat ng mag vibrate ang cellphone nito.

Binasa nito kung sino ang nag text dito at dahil nakakandong siya kay Kenjie nabasa niya rin iyon

From Cassy : Kenjie tell Selena her father is in the hospital
 
Dahil sa text message ni Cassy naudlot tuloy ang kanilang overnight date. Nag uwian agad sila ng malaman ni Selena na nasa hospital ang tatay nito.

Hinatid naman siya ni Kenjie sa kanilang bahay kahit mag aala-una na ng madaling araw siya nakauwi

"B-Bye jowa" Paalam niya kay Kenjie ng makarating sila sa tapat ng bahay nila

"I'll pick you up tomorrow around 4pm"

"Ha?"

"Sabi mo mag date tayo sa public places? Sunday bukas let's watch movie" Seryoso nitong sabi sakanya

"O-Osige jowa. See you tom"

Pagpasok niya sa kanilang bahay tulog na ang mga mame niya. Kaya dahan dahan lamang siyang umakyat sa kwarto niya

Hindi pa man siya nakakapagpalit ng damit ng tumunog ang kanyang cellphone

Isang message ang natangap niya sa kanyang instagram kaya mabilis niyang binasa iyon

Kenjie Hoffman: Good night jowa. Sleepwell

Napaupo siya sa kanyang kama dahil sa chat ni Kenjie nang hina ata ang tuhod niya. Nahuhulog na talaga ang loob niya at wala na siyang magawa kundi tangapin ang nararamdaman niya.

Her : Good night jowa ingat ka sa pag drive mo.. 😘

Nilagyan niya pa ng kiss smiley ang kanyang chat akala niya hindi na ito mag chachat pang muli ngunit naloka siya sa reply nito

Kenjie Hoffman : Kiss ba yan? 😘

Her : secret 😘😘😘

Kenjie Hoffman : Ok good night matulog kana 😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘

Pakiramdam niya nasa cloud nine ang puso niya. Pinaulanan ba siya nito ng kiss?

Hindi tuloy siya makatulog ng maayos dahil sa mga kinilos ni Kenjie kanina. Hangang ngayon ramdam parin niya ang mahigpit nitong pagyakap sa bewang niya.

"Kenjie naiinlove nako sayo kalerky ka.." Pagulong gulong siya sa kanyang kama dahil hindi ito mawala sa kanyang isipan. Nais na niya itong makita muli.

Sisiguraduhin niyang sa susunod hindi na siya mahihiya kay Kenjie at susulitin nalang niya ang tatlong buwan na pagpapangap nila kahit kapalit nito ang paniguradong pagkawasak ng puso niya sa oras na magkabalikan na muli ang mga ito.




Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now