Chapte 27

4.9K 203 14
                                    

Chapter 27

"Anak hinahanap ka ni pogi nasa kwarto siya ni Kendra.."

"Bakit daw po mame?"

"Baka pag uusapan niyo yung lampungan niyo kagabi--"

"Mame shhhh.. Baka marinig ka niya"

Hinila niya ang kanyang mame dora papasok sa kwarto niya. Baka marinig kasi ito ni Kenjie.

"Asus bakit namumula ang pisngi mo? Napakarufok mo anak" Biro sakanya ng kanyang mame dora

"N-Nabigla lang po siguro ako kagabi."

"Anak kung nabigla kayo smack lang sana ang tukaan niyo hindi halos magchukchakan na kayo sa kalye kagabi. Dapat pala vinideohan ko kayo para nakita mo kung paano mo hagurin ang buhok ni pogi---"

Tinakpan niya ang kanyang dalawang tenga. Hiyang hiya talaga siya sa ginawa nilang paghahalikan kagabi ni Kenjie sa tapat ng bahay nila.

"Mame naman eh"

Tumawa ang mame dora niya at kinurot pa nito ang tagiliran niya

"Puntahan mo na si pogi doon. May sasabihin daw siya sayo eh"

Kinakabahan naman tuloy siya. Makikipagbalikan na ba ito? Kung alam lang niyang pagseselosin niya lang pala ito para bumalik ito muli sa buhay niya sana noon pa niya ginawa. Sana noon pa niya ito pinagselos.

"Ano yang nginingiti ngiti mo anak?"

"W-Wala po mame. Natatawa lang ako sayo mame"

"May halong kilig ang ngiti mo anak eh"

"Wala po! Kalerky!" Lalo tuloy siyang napapangiti

"Sige na puntahan mo na si pogi doon sa kabilang kwarto. Pinaghandaan mo talaga ha? Ngayon ka lang naligo ng ganitong oras eh"

Mag aalasais na kasi ng gabi. Karaniwan ganitong oras dumadaan si Kenjie para alagaan nito saglit si Kendra. Halos araw araw itong pumupunta sa anak nila.

Aaminin niyang nasasabik siyang makita ito ulit ngunit nahihiya rin naman siyang harapin ito.

Huminga muna siya ng malalim bago siya lumabas ng kwarto niya

Kahit nahihiya siya kay Kenjie ay mas nangibabaw ang kagustuhan niyang makausap rin ito.

Kumatok siya sa pinto ng kwarto ni Kendra bago niya dahan dahan binuksan ang pinto.

Karga karga ni Kenjie si Kendra habang pinapatulog nito ang kanilang anak.

Tumingin si Kenjie sakanya at ngumiti . Gusto tuloy niyang mapataas ang kanyang kilay. Bakit nginingitian na siya ng mokong na to? Napakagwapo talaga! Binabawi na niya ang sinabi niya kahapon na kalevel ito halos ni Pier dahil walang wala talaga si Pier kung pag tatabihin ang mga ito.

Ibang klase talaga ang karismang taglay ng mokong na Kenjie na to. Kaya maraming babaeng nagkakandarapa para mapansin lamang nito eh. Balita niya pa nga may fans club ito ng mga babaeng may gusto dito. Mga teen ager pa nga ang iba sa mga babaeng nagkakagusto dito.

"M-May sasabihin ka raw sakin?"

Dahan dahan nitong inilapag si Kendra sa crib nitong may napakalambot na kutson. Parang pang prinsesa ang crib ni Kendra. Bigay iyon ni Mrs.Hoffman para sa apo nito. Baby palang ang anak niya ay spoiled na spoiled na ito sa nanay ni Kenjie.

"I need to tell you something" Lumapit si Kenjie sakanya pagkatapos nitong ilapag si Kendra sa crib

Napaatras tuloy siya dahil kakaiba nanaman tumingin ang mokong. 

"A-ano naman?"

Hindi ito nagsalita at lumapit pa ito ng husto sakanya hangang sa mapa-atras siya sa nakasaradong pinto.

Wala na siyang maatrasan kaya palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso..

"A-Ano bang sasabihin mo? Kailangan ba talagang lumapit ka pa ng ganyan?"

Napapalunok siya dahil isang hakbang nalang ang pagitan nila. Nakatingin ito sakanyang mga mata sa paraan kung paano siya tignan nito noon.

"Sa tingin mo anong sasabihin ko sayo?" Ginagamitan pa talaga siya nito ngayon ng bedroom voice nito! Nilalandi siya nito sa paraan ng pag tingin nito sa kanyang mukha

Pinapawisan tuloy siya kahit airconditioned naman ang kwarto ni Kendra. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso.

Dahan dahan hinaplos ni Kenjie ang kanyang makinis na pisngi. Nakiliti siya ng kaunti sa ginawa nito. Para siyang nahihipnotismo nanaman ng mokong na ito.

"M-Malay ko kung anong gusto mo sabihin"

Ngumiti ito ng kaunti.

Hindi napuputol ang pagtitigan nilang dalawa. Nabitin rin ba ito kagabi sa kanilang paghahalikan? Dahil kagabi niya pa iniisip ang pinagsaluhan nilang halik. Hindi na iyon nawala sa isipan niya at buong gabi siyang hindi nakatulog.

Hahalikan ba siya nitong muli? Bakit imbis na mainis siya ay tila nasasabik pa siya?

"It's about last night"

Napalunok siya

"Why did you kissed me back?"

"E-eh hinalikan mo ako eh"

Hinaplos ni Kenjie ang kanyang ibabang labi. Napa-awang tuloy ng kaunti ang bibig niya

"I could no longer control my emotions"

"H-Ha?"

"Medyo galit parin ako sayo dahil niloko mo ko dati. But i can't stop thinking about you"

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon