Chapter 28

4.9K 211 20
                                    

Chapter 28

"Kenjie nasa huli talaga pagsisisi. Taas kasi ng pride mo"

Lalong kumunot ang nuo ni Kenjie habang nakikipag inuman siya kay Ram. Kasalukuyan silang nasa bar na pagmamay-ari ng kanilang kapatid na si Miguel.

As usual narito nanaman sila dahil gusto niyang magpakalango sa alak ngayong gabi.

"You should call me kuya. Asshole"

Tumawa lang si Ram at uminom rin ito ng whiskey. 

"Pano yan ano ng plano mo ngayon?"

"I don't know f*ck."

"I'll teach you. Makipaghiwalay ka muna kay Agatha--"

"Matagal na kaming break."

"Kailan pa?"

"Bago pa manganak si Casandra"

"Weh?"

Napabuntong hininga si Kenjie.
 
"I don't feel anything for Agatha. I tried to forget Casandra katulad ng pagkalimot ko kay Cassy. F*ck bakit ba si Cassy madali kong nakalimutan?"

Tumawa muli si Ram "Karma mo yan. Napakababaero mo kasi"

"Ngayon hindi ko alam kung pano ko babawiin si Casandra sa ugok na yun"

"Sila na ba?"
 
"No f*cking way. Hindi ako papayag"

Tumawa si Ram "May karapatan ka ba?"

Doon naman siya napangiti.

"Yeah. May pinapirmahan ako kay Casandra before. She signed it" Pilyo siyang napapangiti sa kanyang kalokohan

"Anong kalokohan naman yan Kenjie?" Nakasimangot na tanong ni Ram. Mukhang naaamoy nitong may ginawa nanaman siyang kalokohan
 
"Pumirma siya sa kontrata namin na kapag anak ko yung baby niya papakasalan niya ko after one year. so basically 9 months from now magiging misis ko na siya--"

Isang batok ang nagpatigil sakanyang sinasabi

"Are you out of your mind?!" Hindi makapaniwala si Ram sa kanyang sinabi

"Aw." Hinilot niya ang kanyang ulo na binatukan ni Ram. Loko tong kapatid niya parang barkada lang ang turing sakanya

"Nababaliw kana ba talaga Kenjie? Anong kalokohan nanaman yan?"

Ngumiti siya "Naninigurado lang ako." Pinakita niya kay Ram ang kontratang pinapirmahan niya kay Casandra noon. Nakasave kasi sa kanyang cellphone files ang contract.

Contract : You have to marry me after a year when I prove that the baby is our child. If you don't marry me, you can't marry someone else

She signed the contract

"F*cker! Are you serious?!"

"Kung anak namin yung pinagbubuntis niya plano ko na talagang pakasalan siya kahit niloko niya ko. But i'm still hurt that time. Gusto ko pag nagpakasal kami tuluyan ko na siyang napatawad. So i think after one year niyang manganak mapapatawad ko na siya--"

"Kenjie henyo ka talaga pagdating sa kalokohan! Naisip mo pa talaga yan?"

"I'm serious. Hindi madaling magpatawad" Sumeryoso naman siya at uminom muli ng whiskey.

"Lasing na tayo. Kung ano ano ng pinag uusapan natin eh. Let's go home"

"Umuwi ka kung gusto mo. Dito nako matutulog"

Napakamot na lang sa ulo sa sobrang inis si Ram. Kahit kailan talaga sakit ng ulo ang kuya Kenjie nito. Hindi naman nito matiis si Kenjie.
 
"Bakit ka ba kasi naglalasing?"

"They were dating earlier at the restaurant. I punched that scumbag because I was so jealous. Pero mas pinili ni Casandra ipagtangol yung ugok na yun."

Hindi mapigilan tumawa ni Ram

"Nililigawan palang naman niya si Casandra diba?"

Tumingin si Kenjie kay Ram.

"Yeah"

"Edi makipagsabayan ka. Ligawan mo rin. Make it clear to her that you are single now. Baka akala niya kayo parin ni Agatha"

Parang napaisip tuloy siya sa sinabi ni Ram. Oo nga no? Hindi pa niya nasasabi kay Casandra na single na siya.

Kahit isang sex nga ay hindi niya nagawa kay Agatha dahil kahit halikan ito ay parang hindi niya makakaya. Pakiramdam niya kasi nagtataksil siya kay Casandra sa tuwing susubukan niyang halikan si Agatha. Kaya tuloy madali lang natapos ang kanilang relasyon. 

Naging mabuting kaibigan naman niya si Agatha hangang ngayon at naiintindihan nito na si Casandra parin ang kanyang mahal.

Hindi katulad na Cassy na sobrang bitter sakanya. Balita niya nasa america ngayon si Cassy.

Simula ng maghiwalay sila ni Casandra ay naging virgin na rin muli ang kanyang labi. Ito lang ang nakakahalik sakanya. Damn her sexy lips! Ito lang kasi ang labi na gusto niyang halikan simula ng matikman niya ang napakasarap na labi nito

"You're right Ram. Bakit di ko naisip yan?" Napapangiti niyang sagot kay Ram

"Eh dinadaan mo ata sa santong paspasan eh"

Sabay silang tumawa ng kapatid niya.

"Hoy mga ugok uubusin niyo nanaman mga alak dito" Dumating si Miguel at pinagalitan nanaman sila nito sa pagtambay doon

"Dumami nga ang customers mo simula dumating kami ni Ram" Pagyayabang niya

Totoo naman iyon. Halos mapuno na ngayon ang bar ni Miguel dahil nandoon sila ni Ram ngayon. Maraming mga babae ang nagkakandarapa magpapansin sakanila

"Kuya Miguel uuwi nako ikaw na bahala dito kay Kenjie. Lasing na yan" Tumayo na si Ram at tinapik ang kanyang balikat

"Hoy Ram bakit si Miguel kinukuya mo? Wala kang respeto sakin kuya mo rin ako"

Tumawa lang si Ram bago ito lumabas ng bar ni Miguel.

"Are you coming on saturday?" Tanong ni Miguel sakanya bago ito kumuha ng isa pang whiskey at sinalinan ang kanyang baso

"Anong meron?"

"Bugok ka talaga. Birthday ni papa"

Naalala niyang birthday nga pala ng papa nila. Ngunit gaganapin pa iyon sa Canada kung nasaan ang mga ito ngayon.

"Isasama ko si Casandra at yung anak ko" Naexcite siya bigla. Madali niya lang makukuhaan ng passport at visa ang mag ina niya.  Gagamitin niya rin ang kaniyang private plane papuntang Canada para masolo niya si Casandra.

"See you there. Lahat ata tayo pupunta"

"Sama niyo mga anak niyo pagandahan tayo ng anak" Pagyayabang niya

Tumawa naman si Miguel "I'm happy for you Kenj. May nangyari na ring maganda sa buhay mong walang kwenta."

Napakababait talaga ng mga kapatid niya kung magsalita. Tsk tsk

Tumawa nalang rin siya

"Dadagdagan ko pa nga eh. Hintay ka lang Miguel hahabol ako sa tatlong anak mo"

Lalong natawa si Miguel. Masaya ito dahil kahit papano bumabalik na ang ugali ng makulit nitong kapatid na si Kenjie Hoffman. Ilang buwan rin kasi itong seryoso at parang walang kabuhay buhay.

Pero simula ng magkaroon ng anak si Kenjie napansin nila Miguel na nagbago na ang buhay nito. Nakatuon na ang buhay nito sa anak nito. Halos araw araw itong pumupunta sa anak nito.

Maybe his daughter helps him to be healed.

Natutuwa sila Miguel kay Kenjie dahil hindi na rin ito babaero. Unti unti na itong nagiging responsable.



 


Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon