Chapter 5

4.4K 201 14
                                    

Chapter 5

"Ma'am huwag niyo po sabihin kay Sir Kenjie na pinilit ko kayo sa pag punta dito." Ani mang nestor habang paakyat sila sa condo unit ni Kenjie Hoffman

"Okidoki mang nezz."

Hinatid siya ni mang nestor hangang sa pinto ng condo unit ni Kenjie Hoffman. Ngunit nagpaalam agad ito na hindi na ito magpapakita kay Kenjie na kasama siya.

"Sige mang nezz babush. Ingat ka po"

"Salamat po ma'am"

Nang makalayo na si mang nestor ay doon palang siya nag door bell sa condo unit ni Kenjie.

Sa totoo lang sa loob ng dalawang linggo mula ng makilala niya ito ay hindi na ito nawala sa isipan niya. Minsan pa ay napanaginipan niya ito.

Nakakaramdam siya ng pananabik sa muli nilang pagkikita. Ngunit naka-ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin nagbubukas ng pinto sakanya

Ang sabi ni mang nestor nasa condo unit daw si Kenjie ngayon dahil nag file daw ito ng leave ngayong araw sa opisina nito.

Muli siyang nagdoor bell ngunit wala paring nagbubukas ng pinto. Mahigpit ang security sa buong condo ni Kenjie mula pa sa lobby dahil maraming reporters ang nag aabang ng maibabalita tungkol dito. Mabuti nalang at ginabayan siya ni mang nestor sa secret na daanan papunta sa condo unit ni Kenjie

Si Kenjie Hoffman kasi ang pinakasikat sa magkakapatid na Hoffman. Paano ba naman ito lang ang pumasok sa modeling kahit pa nag-gagwapuhan naman rin ang mag kakapatid na Hoffman. Ito lang ata ang may lakas ng loob pasukin ang mundo ng modeling. Number one ito palagi na tinaguriamg pinaka-hot at pinakagwapo sa buong Pilipinas kada taon simula ng sumabak ito sa modeling kaya naman tutok na tutok ang media sa buhay nito.

"Kenjie nanjan ka ba?" Muli siyang nag doorbell

"Kenjie it's me your jowa" Nilakasan niya ng kaunti ang kanyang boses at muli niyang pinindot ang doorbell

Maya maya pa nagulat pa siya ng bumukas ang pinto ng condo unit nito.

Ngumiti agad siya upang mawala ang kaba at hiyang nararamdaman niya

Mukhang kakagising lang nito dahil magulong magulo pa ang buhok nito at may kumot pa itong nakabalot sa buong likod nito. Para bang masama ang pakiramdam nito.

"What are you doing here?" Napansin agad niya ang paos na boses nito

"M-May sakit ka?" Balik tanong niya dahil nag alala agad siya para dito

Nakasimangot lang ito ngunit niluwangan ang pinto at dahan dahan itong pumasok muli sa loob. Sinundan niya ito at sinarado niya ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit nito sakanya bago ito humiga sa malaking itim na sofa.

Muli nitong binalot ang katawan nito ng kumot na para bang giniginaw ito.

Kahit nahihiya siya ay nilakasan niya ang kanyang loob at nilapitan niya ito. Sinalat niya ang nuo nito upang pakiramdaman kung may lagnat nito

"Naku po ang init mo.." Nag alala agad siya ng masalat niya ang mainit nitong nuo. Hindi na siya nag dalawang isip pa kumilos agad siya upang kumuha ng bimpo.

"Saan nakalagay ang mga bimbo ditey?" Tanong niya kay Kenjie

Naghalughog kasi siya sa mga drawers ngunit wala siyang mahanap na bimpo

Hindi sumagot si Kenjie kaya pinagpatuloy nalang niya ang paghahanap sa bimbo hangang sa nakakita siya sa kusina. Mukhang basahan iyon para pamunas sa lamesa ngunit napakalinis naman at mukhang hindi pa nagagamit kahit isang beses. Kaya iyon nalang ang gagamitin niya upang ipang hilamos kay Kenjie.

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now