Chapter 24

4.4K 235 21
                                    

Chapter 24

"Ano?!"

"H-Hayaan na natin si Kenjie baka iyon na talaga ang babaeng para sakanya"

"Teka nga muna. Cas ang gulo eh. Bawal kang mag boyfriend pero siya may babae siya sa condo niya?"

Umiyak na siya buong gabi kaya wala siyang luha na maiyak ngayon sa harapan ng dalawang kaibigan niya. Tinext niya kasi si Heidi at Selena na kaylangan niyang makausap ang mga ito.

Napag-usapan nilang magkita kita sa bahay ni Selena. Doon sila halos palagi tumatambay simula ng maging kaibigan nila ito

"Nakakalerky yang si Kenjie ha! Magkakaanak na nga kayo nakuha pang mambabae--"

"Hindi naman niya alam na may anak kami nung naging sila"

"Teka nga muna ikwento mo nga ulit! Nalilito ako eh! Diba nag usap kamo kayo na maging mag kaibigan nalang? Tapos pinapunta ka niya sa condo niya?"

Tumango siya

"Oo. Akala ko mag kaka-ayos na kami. Iyon pala bibigyan niya lang ako ng pera at pinapirma niya ako sa kasunduan..."

Flashback....

Pagdating ni Casandra sa condo ni Kenjie agad naman nitong binuhat ang dala dala niyang isang basket ng prutas

"Sabi ko sayo huwag kang mag bubuhat ng mabigat diba?" Pagalit agad nito sakanya

"Para sayo yan friend." Nakangiting sabi niya.

Kumunot lang ang nuo nito

"Kenj handa na yung ulam"

Unti unti naman nawala ang kanyang ngiti ng may babaeng mukhang anghel ang lumabas mula sa kusina ng condo ni Kenjie

Parang sinaksak ng mga ito ang puso niya ngunit hindi siya nagpahalata

"M-May bisita ka pala" Muntik pa siyang pumiyok sa kanyang sinasabi

"Hindi siya bisita. Girlfriend ko siya" Kunot nuong sabi ni Kenjie sakanya na para bang napakamanhid niya

Parang may bumara tuloy sa lalamunan niya

"Hello nice to meet you Casandra. I'm Agatha. Girlfriend ako ni Kenjie nagkakilala kami sa palawan. Alam ko yung sitwasyon niyo ni Kenjie kaya don't worry ayos lang sakin" Maganda ang pagkakangiti nito sakanya lalo tuloy itong gumaganda.

Napakasimple lang nito at mukhang probinsyana parin kung manamit. Maganda rin ang hubog ng katawan nito.

Para naman siyang nanghina sa kanyang nalaman. Ilang beses ba siyang sasaktan ni Kenjie.

Pinilit niyang huwag umiyak sa harapan ng mga ito. Kahit parang dinudurog na ni Kenjie ang puso niya.

May nobya na pala ito.

"G-Ganon ba? N-Nakaka-abala ata ako sainyo uuwi na lang ako-"

"Wait. You need to sign this first"

Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ni Kenjie sa kanyang siko.

Hindi niya alam kung hangang ilang minuto niya pa mapipigilan ang kanyang pag iyak. Parang gusto na nga niyang ngumawa ngayong mga sandaling ito.

Naaawa siya sa sarili niya.

Bakit hindi niya naisip na may nobya na ito?

"A-ano naman yan?"

"Our agreement"

huminga siya ng malalim dahil bawat sinasabi ni Kenjie ay parang patalim sa kanyang puso

"Agreement saan?"

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now