Chapter 21

4.3K 187 14
                                    

Chapter 21

"I-I'm so sorry Cas.."

Nanghihina ang katawan ni Casandra habang nakaluhod siya sa lansangan. Kaka-alis lang ng kotse ni Cassy at sakay sakay ng kotse nito si Kenjie.

Hindi man lang siya hinayaan makapag explain ni Kenjie dahil nabulag ito sa selos at galit nito

Hinawakan ni Julian ang kanyang balikat habang umiiyak siya at hindi niya alam ang kanyang gagawin

"Cas.." Panay dugo ang mukha ni Julian kaya naawa naman siya dito.

"P-Pasensya kana rin Julian nadamay ka pa. Hindi ko kasi akalain na susundan ako ni Kenjie." Napahagulgol na siya. Paano niya pa kaya maaayos ang kanilang relasyon

"Shhh. Stop crying. Ayos lang ako naiintindihan ko kung bakit nagalit si Kenjie. I will explain everything to him"

"Sir nandito na po ang ambulansya." Lumapit ang security guard sakanila ng dumating ang ambulansya.

"I'm fine. No need for that--"

"Sige na Julian pumunta na tayo sa hospital baka nabali yang ilong mo" Kahit namomoblema siya ay nag aalala rin naman siya para kay Julian. Panay kasi ang pag dugo ng ilong nito na umaagos pa hangang ngayon

Napabuntong hininga ito at dahan dahan siyang inalalayan tumayo. Marami na palang tao ang nasa paligid nila at paniguradong maraming nakapag video ng mga kaganapan sa hotel.

Panigurado magiging trending topic nanaman ang kanilang buhay. Lalo na ang pag suntok ni Kenjie kay Julian.

Sinamahan niya ito hangang sa hospital. Tama nga ang hinala niya nabalian ito ng buto sa ilong at kailangan agad nitong maoperahan

Hinintay muna niya ang kamag anak nito upang makauwi na rin siya.

Panay ang missed calls niya kay Kenjie ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya

"Casandra where's my brother?"

Napalingon si Casandra kay Selena ng dumating ito sa hospital.

"Selena. N-Nasa operating room nabali ang ilong niya" Napayuko siya dahil nahihiya siya sa kapatid ni Julian. Dahil sakanya nabalian tuloy ito ng ilong

"What happened? Bakit ba kasi kayo nag hotel?!"

Tila napakabilis talaga ng balita. Mukhang naibalita na sa buong Pilipinas ang nangyari sakanila. Alam na kasi ni Selena kahit hindi pa man niya sinasabi.

Higit sa lahat kakaiba rin ang tinginan ng mga nurses doon na para bang nagbubulungan pa.

"Naiwanan kasi ni Julian sa hotel yung wallet niya kung saan siya nakatira pansamantala kukunin niya lang sana yung wallet niya pero naabutan kami ni Kenjie sa hotel kaya nag isip agad siya ng masama"

Mukhang naniniwala naman si Selena sa kwento niya. Napabuntong hininga ito at mukhang stress na stress rin

"So break na kayo ni Kenjie?"

"S-Siguro. Galit na galit kasi siya samin"

Napapa-iling nalang sa inis si Selena. May kutob si Selena na si Cassy ang may pakana ng lahat

"So ganoon nalang yun? Hindi ka magpapaliwanag kay Kenjie?"

"A-Ayaw niyang tangapin ang paliwanag ko. Nagsinungaling rin kasi ako sakanya na parents ko ang kasama ko--"

"Oh my God. Bakit kasi sinamahan mo pa yung kuya ko?! Dapat nag iingat ka!"

"B-Birthday kasi ng kuya mo ngayon. Naawa naman ako--"

"Birthday?" Kunot nuong tanong ni Selena sakanya

"Oo. Kaya naawa ako kung di ko pagbibigyan. Ipapaliwanag ko rin kay Julian na iyon ang una at huli naming alis dahil seloso si Kenjie"

Tila may iniisip si Selena.

"Dapat pala buong mukha ng kuya ko yung binasag ni Kenjie. Grrrr!" Inis na inis si Selena dahil hindi naman birthday ng kuya Julian niya. Matagal pa ang birthday nito. Ibig sabihin sinet up ng mga ito si Casandra at Kenjie para maghiwalay.

Nagtaka naman siya sa sinabi ni Selena at napapahawak pa ito sa sarili nito ulo.

"Bakit?"

Umiling lang si Selena at parang naisip nitong huwag ng sabihin sakanya ang nalalaman nito

"D-Dahil dahil sakanya kaya kayo nag hiwalay. Anyway tutulungan kitang mabawi mo ulit si Kenjie. Kilala ko yun malambot ang puso nun maybe lalo na sayo"

Nagsimula nanaman tuloy siyang mapahikbi

"Kakabalikan lang namin pero heto nanaman at mukhang hindi na kami magkakabalikan--"

Napairap sa hangin si Selena

"Duh. Bawas bawasan mo kasi pagiging shunga. Anyway akong bahala para magkabalikan kayo uli"

"Paano?"

"Basta i will help you. Sa susunod na magkabalikan kayo huwag kanang shunga okay? At higit sa lahat kailangan honest ka palagi sa partner mo para di kayo mawalan ng tiwala sa isat-isa"

"Ayoko lang naman magselos si Kenjie pero mas lumala pa"

"Umuwi kana muna Casandra. Ako ng bahala sa kuya ko. Lastly huwag kana makikipag usap sa kuya ko forever okay? Advice ko lang yan sayo"

"Bakit naman?"

"Oh my God nakakaloka ka. Mas makulit ka pa kay Harold. Basta sabi eh!"

Napalunok siya dahil naiinis na si Selena sakanya.

"S-Sige pasensya kana talaga Selena--"

"And nga pala hindi buntis si Cassy."

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Selena. Ibig sabihin hindi buntis si Cassy?!

"Pampa-tangal ng konti sa stress na nararamdaman mo ngayon. Hindi totoong buntis si Cassy kaya ipaglaban mo si Kenjie okay? Konting kiliti lang kay Kenjie bibigay rin yan sayo."

Kinuha ni Selena ang kanyang cellphone number. Satingin niya mabait naman ito kahit sobrang arte mag salita. Kampante siyang tutulungan talaga siya nito. Gumaganda tuloy ito sa kanyang paningin

"Salamat Selena"

"Don't say thank you. Kailangan kong makabawi sayo masyado kanang kinakawawa ni Cassy"

Napangiti siya ng tipid sa sinabi ni Selena

"Salamat talaga Selena.."

"Enough. Sige na umuwi kana. Mag isip isip kana paano mo mapapasuyo si Kenjie ulit. Ako ng gagawa ng paraan para magkita kayo"

"Thank you.." Hindi na niya napigilan yakapin si Selena. Hindi naman ito tumangi magpayakap sakanya

"Anyway sis anong perfume mo? Kaya pala naaadik sayo si Kenjie dahil ang bango mo"

Nakangiti sila pareho sa isat-isa dahil mukhang magiging magkaibigan pa sila.

Pinagaang nito ang kanyang nararamdaman. Kaya naman kahit papano nabawasan ang bigat ng kanyang puso. Gagawin nalang niya ang lahat para makipagbalikan muli si Kenjie sakanya

Susuyuin niya ito hangang sa mapatawad siya nito.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay sinalubong agad siya ng dalawang mame niya. Nag aalala ang mga ito sakanya

"Anak! Jusmiyomarimar! Anong nangyari? Napanuod namin kayo sa balita anak."

Niyakap agad siya ng dalawang mame niya at parang naiiyak pa ang mga ito.

"Panay missed calls namin sa phone mo anak bakit di mo sinasagot"

"Sorry po mga mame sinamahan ko pa si Julian sa hospital dahil nabali ang ilong niya--"

"Grabe naman anak magselos yang si Kenjie! Nakakatakot anak!"

"Bakit kasi nasa hotel kayo ni Julian anak?" Tanong naman ng mame dora niya

"Naiwan niya po kasi yung wallet niya doon kukunin lang po sana niya pero dumating naman si Kenjie at hindi niya naintindihan ang nangyari"

"Oh nose nakakalerky naman anak. Paano yan break na kayo?"

Umiling siya

"Ipaglalaban ko po si Kenjie mga mame lalo na ngayon alam kong wala siyang anak kay Cassy"

"Ay talaga anak? Aysus parang teleserye! Nakakaloka mga ganap ang gulo gulo!"

"Maaga atang mabubulok ang matres ko sayo anak!" Biro ni mame dora

"Gaga wala kang matres" Sabi naman ni mame dondey at kinurot pa nito ng pinong pino si mame dora

"Meron che!"

"So ano ng plano mo ngayon anak?"

"Makikipagbalikan po ako kay Kenjie sa ayaw at sa gusto niya. Ipapaliwanag ko po sakanya ang lahat"

Ngunit akala niya lang pala na magiging madali ang lahat. Dahil kina-umagahan nabalitaan niyang umalis ito ng bansa!

Walang nakaka-alam kung saang bansa ito pumunta kaya nahirapan silang dalawa ni Selena na hanapin ito.

Hangang sa anim na buwan na ang lumipas bago ulit ito nakita ng isang tauhan ni Selena sa isang tagong  isla ng palawan. Nakuhaan ito ng stolen pictures habang nakatalikod ito. Hindi raw sigurado ang tauhan ni Selena kung ito nga si Kenjie Hoffman dahil mahaba na ang buhok nito na hangang balikat at nakatali. Kahit nakatalikod ito ay kilalang kilala niya ito! Si Kenjie nga ang lalakeng iyon.

"I-book agad kita ng ticket papuntang Palawan. Sa wakas nahanap rin natin si Kenjie!" Sabi ni Selena sakanya bago ito nagpabook ng plane ticket niya papunta sa palawan.

Kung saan saan pa nila hinanap si Kenjie sa palawan lang pala ito nagpunta!

Kamusta na kaya ito? May bagong nobya na kaya ito? Sana ay wala pa dahil hangang ngayon umaasa pa rin si Casandra na may karugtong pa ang kanilang relasyon



 

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now