Chapter 3

4.7K 259 11
                                    

Chapter 3

"Alam mo parang familiar ka sakin. May kamukha ka eh.."

Napangiti si Cassy sa sinabi ng client niya habang inaayus niya ang buhok nito.

Nasa raket kasi sila ngayon ni Heidi bilang hairstylist.

Tumingin naman agad si Heidi sakanya habang inaayusan rin nito ang isa pang client nila.

Nasa isang hotel sila ngayon sa makati dahil aatend ng debut ang mga ito.

"Naku ma'am wala akech kamukha no. Nag-iisa tong beauty ko"

Tila nag isip naman ng mabuti ang babae.

"Nakita na kita somewhere eh. Hindi ko lang maalala talaga"

Napahagikgik siya

"Baka sa magazine or sa tv choz!" Biro lang niya ngunit nanlaki ang mata ng babaeng cliente nila at agad nitong binuksan ang cellphone nito.

Napatili pa ito ng masigurado nito kung sino talaga siya.

"Sabi ko na eh! Oh my gosh! Diba ikaw yung girlfriend ni Kenjie Hoffman?" Napapatili pa nitong tanong sakanya

Nagkatinginan tuloy sila muli ni Heidi

"Ay shocks! Siya nga yun sis!" Sagot naman ng isang babaeng inaayusan ni Heidi. Napatili rin ito.

"Oh my gosh ate please pakilala mo naman kami kay Kenjie!"

"Super fan kami ng mga hoffmans grabe! Halos lahat sila taken na! Ang swerte mo naman ate!"

Napapanga-nga lang siya sa sinasabi ng mga ito. Napakamot tuloy siya sa kanyang kilay.

"Ganon ba? Sikat na pala aketch" Nakangiwing sabi niya

"Ate papicture tayo. Pagmamalaki ko sa mga classmates ko na kaibigan ko yung gf ni Kenjie Hoffman!" Nagmadali pa itong tumayo at inakbayan pa siya nito.

"One two three cheese!"

Wala siyang nagawa kundi ngumiti sa camera ng cellphone nito. Ngunit wacky smile ang ginawa niya. Hindi kasi siya photogenic. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang panget niya sa picture sa personal hindi naman.

"Ako rin ate please!" Tumayo rin ang client ni Heidi at nagpapicture rin ito sakanya

"Okeyz basta may tip kami ha?" Biro nalang niya sa mga cliente nila.

Ikinatawa nalang iyon ni Heidi habang nakatingin ito sakanya. Feeling instant artista tuloy siya. Ngayon niya lang naranasan ang ganoon.

Pagkatapos ng raket nila ni Heidi marami pang mga babae ang nag papicture sakanya. Bentang benta sa mga ito ang kalokohan niya. Panay wacky kasi ang pose niya sa mga picture ng mga ito.

"Adik ka talaga cassy. Panay wacky yung picture mo sa mga bata." Natatawang sabi ni heidi sakanya habang nasa elevator sila. Kakatapos lang ng raket nila at plano nilang kumain muna sa malapit na fast food restaurant dahil nagutom sila ng husto. Tumagal kasi ang raket nila ng isang oras mahigit pa dahil sa dami ng nagpapicture sakanya.

"Kalerkey nangalay nga tong dila at panga ko.." Ginalaw galaw niya ang kanyang baba at panga.

Natawa naman lalo si Heidi sakanya.

"Siguro sabi ng mga bata sayo, Ano ba naman tong gf ni Kenjie parang may saltik"

Sabay silang natawa sa sinabi ni Heidi.

Paglabas nila ng hotel may isang familiar na itim na kotse ang huminto sa mismong tapat nilang dalawa.

"Kotse ni jowa to ha?" Biglang kumabog ang kanyang puso dahil sa tingin niya kotse ni Kenjie Hoffman ang huminto sa harap nila

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now