Ending

8.8K 356 56
                                    

Ending Chapter.

Kasabay nang malamig na simoy ng hangin na dumadampo sa balat ni Casandra ang panlalamig ng kanyang kamay.

Kanina pa kasi siya kinakabahan at nasasabik sa nalalapit na proposal ni Kenjie para sakanya.

Pansin niya ring kinakabahan ito ngunit hindi lamang nag papahalata.

Nakatanaw sila ngayon sa dagat habang nakatayo sila sa pinakadulong bahagi ng yate. This yatch belongs to Kenjie. May kalakihan rin ang yate na iyon katulad ng yate ni Harold noon.

"Are you cold?" Tanong ni Kenjie habang yakap siya nito sa kanyang likuran.

Napakaganda rin ng backround music ng buong yate na pinasadya pa talaga ni Kenjie para mas maging romantic ang kanilang dinner date

Sa kanyang palagay ang title ng kantang iyon ay "Fixing a broken heart"

Napansin marahil nito ang panlalamig ng kanyang kamay.

"H-Hindi naman"

Mas hinigpitan ni Kenjie ang pagyakap nito sakanya.

"Casandra did you know how much you make me happy?" Maya maya tanong nito sa kanya na halos pabulong lamang

Napalunok siya. Heto na ba yung sinasabi ni manang sakanya?

This is it..

Mukhang inuumpisahan na ni Kenjie ang proposal nito. Kanina niya pa naisip na totoo ngang mag popropose ito sakanya ngayong gabi dahil napakaganda ng mga ilaw sa paligid ng yatch at marami rin nagkalat na rose petals sa buong sahig ng yate. Ang iba pa nga sa mga petals na iyon ay lumilipad sa ere habang hinahangin ang mga ito. Napakaromantic ng ambiance ng gabing iyon.

kakatapos lang rin nilang kumain sa gitna ng yate na may nakapalibot pang mga kandila na korteng puso sa table nila. Doon palang may hinala na siya na proposal nga ito.

Ngunit natapos na silang kumain ay hindi pa rin ito nag popropose. Nagtaka pa nga si Kenjie sakanya dahil hinahalukay niya ang ice cream niya kanina.

Ano raw ginagawa niya sa ice cream? Ang iniisip niya kasi baka naroon nakalagay ang diamond ring. Napangisi lang siya at mas lalong kinabahan.

Natapos na silang kumain kanina ay wala paring proposal na naganap.

Inaya siya nitong magpahangin sa bandang dulo ng yatch kaya nabuhayan siya ng loob. Mukhang doon nito gagawin ang proposal nito.

"G-Gaano ba kita napapasaya?" Medyo mahinhin niya pang tanong kay kenjie

"No one can measure. Kahit ako hindi ko yun masusukat. All i know is that i won't be happy anymore without you" Hinalikan ni Kenjie ang kanyang ulo habang yakap yakap siya

Nakagat niya tuloy ang kanyang labi. Napapangiti siya sa kilig.

"A-Akech rin. Sobrang saya ko Kenjie dahil tayo parin ang nagkatuluyan ngayon at naayos natin lahat ng problema natin. Dati pinapangarap ko lang na maging totoong jowa kita"

Napangiti naman si Kenjie sa kanyang sinabi

"Alam mo ba kung kailan ako talaga nagkagusto sayo?"

"Kailan?"

"Kenzo's wedding. Pagpasok mo palang sa event na patingin nako sayo. I don't know why. Di na naalis tingin ko sayo kaya nga nahuli pa kitang nangunguha ng cupcakes" Tumawa pa ito ng kaunti

"Di nga? Omg nakakahiya"

"Sa isip ko type ko to ha? Lalo na ang sexy" Napapangiti parin si Kenjie habang nagkukwento ito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now