Chapter 25

4.5K 225 22
                                    

Chapter 25

Mula ng manganak si Casandra halos araw araw dumadalaw si Kenjie sa bahay nila. Hinahayaan niya lang ito makasama ang anak nito. Ngunit umiiwas na rin siya upang hindi na siya umasa pa kay Kenjie

Mukhang ang kanilang anak lang naman ang habol nito.

"Anak umuwi na si pogi.."

Kinatok siya ng kanyang mame dora sa kanyang kwarto upang ipaalam sakanyang umuwi na si Kenjie

Pansamantala niya kasing iniiwanan si Kendra sa kabilang kwarto habang kasama nito ang daddy Kenjie nito.

Naging ganoon na ang set up nila ni Kenjie. Hindi na ito nagpa-DNA test dahil kahit ito mismo masasabi na nitong anak nito si Kendra. Kahawig na kahawig kasi nito ang anak nila

Dumalaw rin sakanya ang parents ni Kenjie at tuwang tuwa ang mga ito sa apo. Marami itong binigay na kung ano ano para sa anak niya na ikinatuwa naman niya

Nais pa nga ng nanay ni Kenjie na ipakasal sila ngunit hindi siya pumayag dahil may karelasyon na si Kenjie at ayaw naman niya itong guluhin pa

"Anak tatlong buwan ng ganyan ang set up niyo ha simula ng ipanganak si Kendra.. Ako ang nalulungkot para sainyo anak eh."

Ngumiti lang siya ng isang malungkot na ngiti.

Tatlong buwan na simula ng manganak siya napakabilis lumipas ng mga araw.

Iniabot ni Mame dora si Baby Kendra sakanya upang kargahin niya ito.

Agad niyang hinalikan ang kanyang anak. Dumidikit talaga ang mabangong perfume ng daddy nito sa damit ni Kendra kaya sa tuwing makakasama nito si Kenjie ay pasimple niyang sinisinghot ang amoy nito na naiwan sa damit ng kanilang anak

Sa ganoong paraan parang nayakap na rin niya si Kenjie. Aaminin niyang mahal na mahal niya pa rin si Kenjie ngunit wala naman siyang magagawa dahil ganito ang naging kapalaran nila.

Ang mahalaga lumaki ang kanyang anak na palagi parin itong pinupuntahan ng daddy nito.

Natutuwa naman siya kahit papano kay Kenjie dahil palagi nitong dinadalaw ang kanilang anak. Minsan parang gusto nitong kausapin siya ngunit parang nahihiya rin ito sakanya

"Pero anak wala ba kayong planong magkabalikan? Tutal araw-araw naman siyang dumadalaw dito para kay Kendra--"

"Mame alam niyo naman pong ayaw na niya sakin"

Napabuntong hininga si Mame dora

"Naniniwala kasi ako sa kasabihan na tulak ng bibig kabig ng dibdib. Mukhang sa mga kilos ni Kenjie ngayon pakiramdam ko may nararamdaman parin siya sayo anak--"

"Nako mame dora tumigil ka nga diyan. Huwag mong paasahin ang junakis natin kay pogi. Mahirap ng umasa pa ang anak natin sa wala"

"Yung mame dondey mo lahat ng negative vibes sinasalo masyado nakakalerky!" Nakataas kilay na sabi ng mame dora niya

"Mabait naman si pogi kay Kendra pero sa anak natin? ewan ko lang. Parang si Kendra lang naman ang importante kay pogi kaya huwag mong paasahin ang anak natin" Dugtong pa ni mame dondey

"Mga mame huwag na kayong mag away. Hindi po ako umaasa kay Kenjie. Matagal nakong huminto sa pag asa dahil kung mahal parin niya ako hindi naman niya hahayaan na maging ganito kami." Napalunok tuloy siya dahil parang naiiyak nanaman tuloy siya. May kirot parin kasi siyang nararamdaman.

"Asus hindi umaasa eh halos singhotin mo na si baby Kendra para maamoy mo lang si pogi?" Panunukso ni mame dora

Namula tuloy ang kanyang buong mukha

"Mame talaga oh. Hindi ha! Love na love ko lang talaga si Kendra kaya kinikiss ko"

"Asus palusot pa. Ako nag palake sayo no. Kilalang kilala kita anak."

"Mame wala na talaga akong care kay Kenjie. m-makikipag blind date na nga po ako bukas eh."

"Well good luck sa ka-blind date mo anak. Masungkit sana niya ang sugatang puso mo para naman may katuwang ka sa pagpapalaki kay baby Kendra"

Napabuntong hininga nalang siya. Tama si mame dora good luck talaga sa ka-blind date niya.

Pagbibigyan lang naman niya ang hiling ni Heidi. Matagal na nitong gustong makipag blind date siya sa naging cliente nito. Crush na crush daw kasi siya ng naging client ni Heidi at gusto daw nitong makilala siya.

Ngayon niya lang pagbibigyan si Heidi dahil ngayon palang siya nakakabawi ng kanyang lakas mula sa panganganak niya.

May sarili katulong siya para kay Kendra at higit sa lahat palagi itong binabantayan ng mga mame niya kaya malaya naman siyang makipagdate.

Kinabukasan maaga siyang nag ayos para sa kanyang blind date.

Inasikaso na rin muna niya lahat ng kailangan ni baby Kendra. Nag pump rin siya ng gatas para sa anak niya. Inilagay niya iyon sa ref bago niya nilagyan ng date ang breast milk ni Kendra

Marami rin siyang ibinilin sa kanilang katulong.

"Opo ate paulit ulit mo na yan sinabi" Nakangiting sabi sakanya ng katulong nila na taga bantay ni baby Kendra

Napangiti siya paulit ulit na pala siya ngunit hindi niya iyon napapansin

"Ay sorry. Pero madali lang naman ang lakad ko uuwi rin agad ako--"

"Nako ate mag enjoy ka sa date mo anong uuwi agad? Huwag kang mag alala kay baby Kendra nandito naman kami nila mame dora"

Mabait ang katulong nila. Galing pa ito sa mansyon ng mga Hoffman pinadala lang sakanya ng nanay ni Kenjie kaya tiwala sila sa kanilang katulong.

"Salamat beh"

Beh ang tawag niya sa kanilang katulong dahil mas bata ito sakanya at malambing rin ito.

"Baka malate kana ate sa date mo napakaganda mo ngayon ate"

"Salamat uli beh. Ikaw na bahala kay Kendra ha?" Hinalikan niya si Kendra at nagpaalam siya sa mga mame niya. 

Eksakto naman palabas siya ng kanilang salon ng makasalubong niya si Kenjie sa pinto.

Ang aga ata nito? Karaniwan tuwing hapon ito pumupunta sa bahay nila para alagaan si Kendra.

"Where are you going?" Kunot nuong tanong nito sakanya. Pasimple nitong pinasadahan ng tingin ang kanyang simpleng sexy red dress na humahakab sa bawat kubra ng kanyang katawan. Hindi naman siya tumaba noong nag bubuntis palang siya kaya ngayon tatlong buwan na si Kendra ay unti unti na rin bumalik ang kanyang kurba

"D-Diyan diyan lang"

"Where it is?" Tanong pa muli ni Kenjie

"Bakit sasama ka ba?"

Naiinis na tuloy siya. Ano bang paki nito kung saan siya pupunta?

"Harold told me that you have a blind date today" Seryosong sabi nito sakanya at hindi nito pinansin ang pagtataray niya ng kaunti
 
"A-Alam mo naman pala eh"

"Iiwan mo si Kendra para makipag date?" May halong galit na tanong ni Kenjie sakanya mabuti nalang narinig ni mame dondey ang pag uusap nila at sumingit na ito

"Pogi nandito naman kami. Kami muna ang bahala kay Kendra."

Huminga ng malalim si Kenjie at wala itong nagawa ng dumaan siya sa gilid nito.

"Excuse me malate na kasi ako"

Nakakailang hakbang palang siya ng hawakan ni Kenjie ang kanyang braso

"Bakit?" Kunot nuong tanong niya

"Oo. Sasama ako"

"Ha?"

"Tinatanong mo ako kanina diba kung sasama ako?"

Pina-ikot niya ang kanyang mata sa sobrang inis. Ano bang problema nito?

"Bakit ka naman sasama?!"

"Ihahatid kita" Galit nitong sagot sakanya bago siya nito hinila papunta sa kotse nito.


Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon