Chapter 16

4.7K 228 19
                                    

Chapter 16

"Kenj hindi naman sa nakiki-alam ako. But are you really sure na ikaw ang--"

"Siguro? I really don't know.. Magpapa-DNA ako pag nanganak na si cassy. Pero satingin ko naman hindi magsisinungaling si cassy tungkol sa ganoong bagay."

Nilagok ni Kenjie ang isang basong punong puno ng ram. Dumaloy agad ang pait nito hangang sa kanyang lalamunan. Kasalukuyan silang nasa bar na pagmamay-ari ng nakakatandang nilang kapatid na si Miguel Hoffman

"Do you wanna know why i never fall in love with cassy before?" Seryosong sabi ni Luke mayamaya habang napaparami na rin ang kanilang iniinom

Tinext kasi siya kanina ni Luke Hoffman na mag inuman silang dalawa sa bar ni Miguel. Si Luke Hoffman ang isa sa mga nakakabata niyang kapatid. Dalawang taon lang ang tanda niya dito ngunit mas matured pa itong kumilos at magdesisyon kaysa sakanya.

"Why?"

"Because i can feel something is wrong with her. She look nice and pretty but i can still feel the bad vibes. Napatunayan ko nalang yun nung kinasal na kayo pero nakukuha niya parin makipagkita sa ibang lalake. Well vice versa nangbababae ka rin eh"

"Gumaganti lang ako sakanya that time kaya kahit kasal na kami nangbabae parin ako--"

"Bullshit. Babaero ka lang talaga kenjie" Napapangiti si Luke habang umiinom rin ito

Muli siyang nagsalin ng kanyang iinumin ngunit pinigilan siya ni Luke

"Mamaya kana magpakalasing. Baka di mo nako maintindihan eh"

Ngumiti siya ngunit hindi niya sinunod si Luke. Nilagok parin niya ang isang baso ng ram

"Kailan kayo huling nag sex ng ex-wife mo?" Maya maya tanong ni Luke sakanya

"Night before Kenzo's wedding"

"What? Akala ko hiwalay na kayo bago pa ang kasal ni Kenzo?"

"Yeah. Pero nagpunta siya sa condo ko that day. Akala ko nakikipagbalikan na siya sakin pero katawan ko lang pala gusto niya. Kaya nung kinagabihan nung araw na kasal ni Kenzo nagpakalasing ako. Doon ko na nakilala si Casandra"

"Casandra? You mean your fake gf?" Kunot noong tanong ni Luke sakanya

Mapait siyang napangiti

"My one and only love" Tagos sa puso niyang sagot. bigla nalang kasi lumabas sa bibig niya ang napaka-corning salita na iyon. Marahil dala na rin ng epekto ng mga iniinom niya.

Tumawa naman ng malakas si Luke

"Anak ka ng sampung babaero. May iba ka pa palang pinoproblemang babae?" Hindi makapaniwala si Luke na may iba pa siyang pinoproblemang babae ngayon

"Tinamaan nako kaso bigla naman naging ganito. F*ck" Napahilamos siya sa sarili niyang mukha

"Akala ko si cassy ang pinoproblema mo" Napahilot tuloy si Luke sa sarili nitong nuo

"Siya nga ang problema ko. I told her, yung anak lang namin ang gusto kong panagutan dahil hindi na siya ang gusto ko ngayon pero di siya pumayag. She said she will kill herself"

Napabuntong hininga si Luke

"Ang gulo ni cassy. Nakipaghiwalay sayo tapos ngayon magpapakamatay pag di mo binalikan?"

"Exactly" Napapa-iling siya

"Well, my advice to you asshole, Siguraduhin mo munang sayo yung pinagbubuntis niya. Hindi naman sa nakiki-alam ako pero wala talaga akong tiwala kay Cassy"

Napabuntong hininga siya

Hindi rin naman siya sigurado kung kanya ba talaga ang pinag bubuntis ni Cassy. Ngunit ayaw niya naman pabayaan itong magpakamatay.

"Di ko naman iniisip si cassy eh. Kung akin yung anak niya pananagutan ko yun pero ang gumugulo sa isip ko kung pano ko ulit makakasama si Casandra. F*ck kung kailan gusto ko ng mag tino" Inis na inis siya sa tadhana.

"Titino kana ba talaga?"

"Siguro. Simula makilala ko siya di nako nagandahan sa iba. Kahit si cassy wala na rin dating sakin"

"Yeah. Wala ka ngang katable ngayon eh. Himala nga" Napapangiti si Luke dahil wala siyang katable n babae ngayon sa bar. Siya si Kenjie Hoffaman hindi nawawalan ng babae sa tabi niya pero ngayon wala na siyang gana sa ibang babae.

"Ang papanget ng mga yan. Walang wala sila sa jowa ko--"

Tumawa si Luke kaya tumigil siya sa kabaduyan niya ng mapag isip isip niya ang kabaduyan na sinasabi niya. Di na kasi niya napapansin nakakabaduy talaga ang mahulog.

"Mukhang tinamaan kana nga"

"F*ck i miss her.."

"Mahal mo na? Totoo na ba yan?" Di parin naniniwala si Luke. Maski siya hindi rin siya makapaniwala na si Casandra nalang talaga ang gusto niya

"I don't know pero satingin ko mahal na mahal ko na eh."

"Ngayon pa kasi nabuntis si Cassy napakawrong timing"

Napalagok siya muli ng kanyang iniinom.

"Maybe bf ni cassy ang nakabuntis sakanya?"

"Sana nga."

"Si Cassy gusto mo pa ba?"

Umiling siya

"Wala nakong ibang iniisip ngayon kundi si Casandra nalang eh" Muli siyang uminom. Namimis nanaman tuloy niya si Casandra. Tatlong araw palang silang hindi nagkikita ay parang ikakabaliw na niya.

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pagkalumbay. Hinahanap hanap niya ang mga yakap at halik ni Casandra. Lalo na ang maganda nitong ngiti. Namimis na rin niya ang tono ng boses nito lalo na pag nagsasabi ito ng salitang "Kalerky" Gustong gusto niya itong kasama.

Para bang binura nito ang lahat ng mga babae sa isipan niya at ito nalang talaga ang tanging naaalala ng isip niya. Ang halik at yakap nalang nito ang hinahanap hanap niya.

Noong nagpakasal siya kay Cassy nakakaramdam parin siya ng atraksyon sa ibang babae. Sa mismong araw nga ng kasal nila ang dami parin niyang napansin na magagandang babae. 

Pero ng makilala niya si Casandra parang ito nalang ang babae sa mundo niya. Kung pagmamahal na ba ang tawag doon ay paniguradong ngayon palang siya tunay na nagmamahal

Nagsimula kasing pumasok ito sa puso niya noong araw na inalagaan siya nito. Para bang may kamay na humaplos sa puso niya ng gawan siya nito ng kabutihan. Hangang sa araw araw  na nitong napapatibok ng mabilis ang puso niya sa di maipaliwanag na dahilan.

Narealize niya lang na may gusto na talaga siya kay Casandra noong nasa boracay sila. Hindi niya matiis na may ibang lalakeng lalapit dito. Para siyang nag aapoy sa galit. Hindi naman niya naramdaman iyon kay Cassy noon kahit pa nga nahuli niya itong may kasex. Iniyakan niya si Cassy noon dahil nasaktan ang pride niya. Pero ibang iba ang nararamdaman niya para kay Casandra.

Ibang iba...

"Here.."

May inilabas na envelop si Luke at inabot sakanya

"Kahit busy ako kay Maria nagawan parin kita ng matinding investigation. Hindi mo na pala gusto si Cassy kaya di kana madepressed dito"

"What is it?"

"Basahin mo"

Kinuha niya ang envelop at agad niyang binuksan iyon.

Napakunot agad ang kanyang nuo at nawala ata lahat ng amats niya

"W-What the f*ck" Napamura siya ng mabasa ang envelope

"Sabi sayo wala akong tiwala kay Cassy at sa pamilya niya. When i heard the news about her pregnancy pina-imbestigahan ko agad yung kasal niyo matagal ko na yun gustong gawin eh. Di ko kasi matangap na ilang beses kana niyang niloko pero siya parin ang nagpapatakbo ng buhay mo. Mag isip isip ka"

Halos malukot niya ang papel na naglalaman ng katibayan na hindi totoo ang kanilang kasal. Pineke ng pamilya ni Cassy ang kasal nila noon!

Hindi niya tunay na asawa si Cassy?!

Tiwalang tiwala siya noon kay Cassy dahil ito ang nag asikaso ng kasal nila hindi niya kailan man naisip na magagawa nitong peke'in ang kanilang kasal.

"She texted me before ,kung gusto ko raw ba siyang maka-one nightstand noon kasal na nga kayo nung time na yun. Sasabihin ko sana sayo kaso baka umiyak ka eh. Tinext ko siya na isusumbong ko siya sayo kaya natakot."

Gumalaw ang kanyang panga sa sobrang galit niya

"F*ck. Bakit ko ba nagustuhan yung babaeng yun?"

"Aba ewan ko sayo. Kaya nga pag isipan mong mabuti yang pagiging tanga mo. Hula ko bf niya nakabuntis sakanya pinapa-imbestigahan ko pa. I gotta go hinihintay nako ni Maria. Ayusin mo buhay mo" Tinapik ni Luke ang kanyang balikat bago ito lumakad palabas ng bar

Mabuti nalang talaga may mga kapatid siyang katulad ni Luke. Napakatanga niya! Muntik na siyang mapaikot muli ni Cassy.

"Panay pangbababae lang kasi ang alam mo eh. Ngayon alam mo ng pinaglololoko ka magtino kana sa mga desisyon mo at mag isip mabuti" Nagulat pa siya ng magsalita ang kuya Miguel niya. Akala niya tulog na ito dahil nakahiga na to kanina pa sa sofa.

"F*ck ang lalalim niyo" Napapa-iling tuloy siya ngunit malaking tulong iyon para sakanya

"Payo ko naman sayo hulihin mo muna ang isda sa sarili niyang bibig"

tumayo rin si Joshua na gising rin pala. Apat kasi sila kaninang nag iinuman ngunit nakatulog na ang kuya Miguel at kuya Joshua niya sa sofa. Iyon pala hindi naman natutulog ang mga ito

"Uwi na rin ako dahil hinihintay rin ako ni Ashley. Wala kayong kwenta kainuman walang umiyak" Pang aasar ni Joshua sakanya

"Umuwi kana rin Kenjie malulugi ang bar ko sainyo di naman kayo nagbabayad" Sabi naman ni Miguel
 


 


Pretend Girlfriend (Free! Completed SPG)Where stories live. Discover now