01

1.4K 34 2
                                        

“Nerd!”

Napapikit ako dahil sa tumamang bagay sa ulo ko. Binato nila ako ng papel na nilukot nila.

“Bungi!”

Malalakas na tawa ang narinig ko pagkatapos na sabihin ’yon.

Palagi na lang ganito. Tuwing papasok ako sa school palagi na lang nila akong binubully. Hindi ko naman sila inaano, wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

“Ang yaman ninyo pero hindi mapaayos ang mukha mo!” malakas na sabi ni Warren. Isa sa pinakabully kong kaklase.

Simula day care kami ay binubully niya na ako hanggang ngayon na grade six na kami.

“Hindi na raw kasi kayang ayusin ang mukha niya, mahihirapan ang mga doctor!” malakas ding sabi ni Zeke.

Malalakas na tawa ang ginawa nila pagkatapos. Halos lahat yata sila ay tumawa na. Hayst. Gusto ko lang naman na tahimik na buhay, hindi ko naman sila ginugulo pero ginugulo nila ako.

“Gaano ba kalakas ang grado ng salamin mo?” tanong ni Stella at akmang kukunin ang salamin ko pero may kamay na humawak sa kaniya para pigilan siya sa balak niyang gawin sa akin.

“Austin, nasasaktan ako!” reklamo ni Stella habang pilit binabawi ang kamay mula kay Austin.

“Masasaktan ka lalo kapag hindi mo tinantanan si Margaux.”

Napalunok ako dahil sa galit niyang tono. Kilalang malakas mangtrip si Austin sa school namin. Maloko siya at masaya kasama kaya nakakatakot kapag nakikita ko siyang ganito. Bihira lang siyang magalit pero grabe talaga.

“Pre, bakit pinatatanggol mo ’tong balyena na ’to?” natatawang tanong ng kaibigan niya sa kaniya.

Binitawan niya si Stella at blankong tiningnan ang mga kaklase ko.

“Subukan pa ninyong i-bully si Margaux, ako ang makakalaban ninyo,” seryosong sabi niya at tiningnan pa isa-isa ang mga nambully sa akin.

“Knight in shining armor ka ba ng balyenang bungi na ’to?” lakas loob na tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

“Oh My Gosh!” nagulat ako dahil bigla niyang sinapak ’yung nagsabi no’n.

Nagtilian ang mga kaklase kong babae dahil sa inasta ni Austin. Galit na galit siyang nakatingin sa kaibigan niya.

“Hindi lang ganiyan aabutin ninyo kapag pinagpatuloy ninyo ang pambubully kay Margaux. Mark my words. Alam ninyo ugali ko.”

Matapos no’n ay umalis na siya. Mas matanda siya ng isang taon sa akin. Grade 8 na siya pero Grade 6 pa lang ako.

“Umamin ka nga, Margaux. Magkakilala ba kayo ni Austin?” mataas ang tonong tanong ni Stella sa akin.

Hindi ako umimik at umupo na lang ako sa upuan ko. Ayokong magbanggit ng kahit ano tungkol sa amin ni Austin. Ayokong madungisan ang pangalan ni Austin dahil lang sa akin. Ayokong pati siya ay asarin ng mga studyante rito.

“Grabe ka kung ipagtanggol. Anong relasyon mo sa kaniya?” tanong ni Anna.

Hindi ako muling sumagot. Bahala silang magconclude ng kung ano. Mananatili akong tahimik.

“Sa ilang taon kong kilala si Austin, hindi siya palakibo sa mga bullies kapag hindi naman niya kilala ang binubully or hindi niya kaano-ano. Kaya nakapagtataka naman yatang nakisali siya sa ’yo,” paliwanag naman ni Joel.

Muli ay hindi ako umimik. Wala akong pakielam sa kanila kahit ilang beses pa nila akong i-bully basta huwag lang talagang may madadamay sa mga ginagawa nila sa akin. As long as walang pangalang narurumihan, hindi ko sila papatulan.

Catch Me, Captain (Glamorous Series #4)Where stories live. Discover now